Chapter 10: The Germs, The Sperms at Isa Kang Nabubulok na Egg Cell

187 3 3
                                    

Ashton POV

Ilang taon na ba mag mula nang umalis ako? 5? 6? Sa loob nang mga panahon na yon, kahit papaano hindi ko naramdaman ang ganitong kahungkagan. I miss my wife dearly and to think it's only been a day since we said goodbye. Katulad nang mapag kasunduan, uuwi kami sa aming kanya kanyang bahay. Hay, buhay nga naman.

"Pang sampong buntong hininga mo na yon. Ano bang problema mo apo?" I look at the man who's sitting in front of me, whom I owed so much. Lolo Erneng had nothing but the greatest. Lahat ng gusto ko, ibinigay nito. Pinag aral, pinalaki nang maayos at binigyan nya ako ng pamilya. I wouldn't be where I am today if it wasn't for this man.

"Lolo ok lang po ako. Wala po akong problema." Kaila ko pa sa kanya.

"Talaga apo? Eh bakit hindi ko ma drawing yang mukha mo?" Pangungulit pa rin nito. I smiled at him, gave his hand a pat after I assured him that everything was alright.

"Santino?"

"I can't really hide from you, don't I?"

"Ikaw ang una kong apo, ikaw ang panganay ng panganay ko. Ngayon, sabihin mo sa akin, sa loob ng 25 years, nag kulang ba ako apo na kilalanin ka?" A lot of people wouldn't believe me when I told them that I am an adopted child. Bakit? Ang sabi nila, ako raw ang carbon copy ng lolo. They said, they could see the young Ernesto Pfizer in me na pinag tatawanan ko na lang.

"Mahal ko po kayo lolo. Kung hindi po dahil sa inyo, wala ako ngayong matatawag na pamil-." But the old man cut me off.

"Mahal rin kita apo. Kung wala ka, hindi mararanasan ng Lola mo ang mag karoon ng apo. Ang aking si Irene. Ang mahal kong asawa ay naging maligaya nang dahil sa iyo Santino. So never put inside your head that you are lacking." Hindi nga ba? But I can't tell him that. Only Alexandra can fill the void I have inside me. Again, I gave the old man a reassuring smile.

"Tignan mo ito apo." Sabay abot ng isang papel na may drawing nya. The moment I saw his drawing ay hindi ko talaga mapigilan ang matawa sa sense of humor ng abuelo ko. Isang drawing nang mukha, sa naka lukot na papel.

"Mukhang ang saya saya nyo ah. Bakit?" Tanong nang bagong dating.

"Cedrick apo look at my drawing. Diba si Santino yan?" Pag mamayabang pa ng Lolo namin.

"Aba! Kuhang kuha lo, ang galing nyo pong mag drawing. Kamukhang kamukha mo tol. Tignan mo, may pangalan mo pa nga oh." What the? At talagang sinulatan pa ni lolo ng pangalan ko!

"Lolo naman kasi eh."

"I just miss you Santino. Ang tagal mo rin kasi di nauwi. Minsan gusto ko na talagang mag tampo sayo anak. Ganon mo ba talaga ka mahal si Alexandra at pati kami kinalimotan mo na?"

"Lolo!"

"Totoo naman diba? Anong gusto mo? Ipa kidnapped ko sya tapos shotgun wedding na?" Great! Cedrick was laughing like there's no tomorrow. If only you knew.

"I'm really sorry lolo. Anyway anong bago dito sa atin?" Pag iiba ko nang usapan dahil kilala ko ang kapatid ko. Walang tatalo sa pagiging mapang asar nya.

"Marami na rin. Gamitin mo yong kotche mong malapit nang mabulok at maglibot libot ka. Here's your card for the gas at iwanan mo na kami ni Cedrick. May meeting pa kami."

"Aw lolo ang daya mo. Bakit si Ashton papasyal pasyal lang tapos ako mag babalance ng income tax?!"

"Oh sino ba ang accountant ko?"

"Ako po." Naka simangot na sagot ni Cedrick kay lolo.

"Oh di ikaw ang ka meeting ko at hindi ang kuya mo! Sige na Santino, alis na apo."

Ashton, The Invisible Husband ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon