Erza as Erin
Jellal as Jelo***
Erin's POV
"Hinihintay ka na ni Jelo sa labas, Erin!"
Sigaw ni mommy mula sa sala. Sinimulan ko nang ligpitin ang mga gamit ko at bumaba na. May lakad kasi kami ni Jelo. Sabi nya ililibre nya raw ako dun sa bagong bukas na ice cream parlor. Ewan ko nga kung anong nakain nya para gawin yun. Hindi nya kasi ugaling manlibre, kuripot yan eh!
"Yo!" Bati nya saka nagbrofist kami.
Kababata ko si Jelo. Sya rin ang kaisa-isang bestfriend ko.
Sya ang laging pumoprotekta sakin. Palagi syang nandyan kapag kailangan ko sya. Kaya naman nagkagusto ako sakanya.Oo, gusto ko sya pero alam ko namang hindi nya ako magugustuhan. Gwapo sya. Ako? Ni hindi ako marunong mag-ayos. Maraming magagandang dilag na naghahabol sakanya. Ako? Ni isang manliligaw, wala! Inaakala kasi nilang tomboy ako. Tengene!
"Lalim ng iniisip natin ah!"
Nagitla ako nung bigla nya akong akbayan. Syet! Kinikilig ako takte!
"Wala ah! Teka nga, bakit mo naisipang manlibre? End of the world na ba?"
Binatukan nya ako kaya binatukan ko rin sya. Aba dapat quits lang!
"Bakit, bawal bang ilibre ang pinakamaganda kong bestfriend?"
Kikiligin na sana ako pero----
"Ako lang naman ang bestfriend mo, lul!"
Habang nasa ice cream parlor kami, hindi ako masyadong makakain ng maayos dahil panay ang titig nya sakin. Kapag tinatanong ko naman, ngumingiti lang sya saka iiling.
Ang weird nya ah! Hindi naman sya ganito dati.
"Jelo, ano nga?"
Tanong ko ulit. Kinakabahan na kasi ako sa kinikilos nya.
"Erin..." Tapos tumingin sya sakin ng diretso. "Mamayang gabi aalis kami."
"Talaga? Saan? Basta ba wag mong kalimutan ang pasalubong ko." Saad ko sabay tawa. Yun lang naman pala ang sasabihin nya. Akala ko naman kung ano na.
"Erin kasi... Sa States na kami titira. Matatagalan pa siguro bago kami makabalik dito."
Nabitawan ko ang hawak kong kutsarita. Inabala ko ang sarili ko sa pagpupunas ng mesa na nadumihan ng ice cream. Hindi ko na sya tiningnan ulit dahil baka makakita nya na naiiyak ako.
"G-ganun ba? E-eh di mabuti! Hahaha! S-sa wakas, hindi na rin kita m-makikita." Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok matapos kong sabihin yun. Leche! Konti nalang tutulo na ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Fairytail Oneshots
RandomA compilation of Fairy tail oneshot stories featuring: •JErza (Jellal♥Erza) •NaLu (Natsu♥Lucy) •GrUvia (Gray♥Juvia) etc. **WITH BONUS FAIRY TAIL SCENARIOS! -----