Chapter 17

1.3K 45 1
                                    

YRRAH

Kinabukasan after that game ay pumasok ako sa school pero wala parin akong nakitang Xian.

Wala din akong natanggap na text o tawag galing sa kanya.

Sinubukan ko pa itong tawagan kagabi pero nakapatay naman ang telepono nito

Kaya agad akong nagtanong kina Lance pagkakita ko sa kanila

"Na Hospital daw ang lolo niya kaya umalis papuntang States sina Xian pati ang parents niya. Sa States nakatira ang lolo ni Xian" paliwanag naman ni Lance

May nangyari pa lang ganun pero bakit hindi niya ipinaalam sakin?

Ako nga ang girlfriend pero parang hindi ko naman alam ang lahat ng nangyayari sa kanya. Tulad nito, kung hindi ko pa itatanong sa mga kaibigan niya ay hindi ko pa malalaman.

***

After three days ay doon pa lang siya nagparandam ulit.

Nasa school garden ako ng makita ko siya.

Ngumiti ito at lumapit sakin pero hindi ko yun pinansin at itinuloy ko lang ang ginagawa kong pagbabasa ng libro.

Nagtatampo ako sa kanya

"Yrrah" Tawag niya sakin na hindi ko nilingon

"Hmm?" Tanong ko na may naiinip na tono

"Look at me"

"Bakit?" Hindi pa din ako tumitingin sa kanya

"Yrrah galit ka ba?"

"Bakit naman ako magagalit?" I innocently asked

"Yrrah.."

"Tatlong araw ka lang naman hindi nagpakita sakin at hindi nagparandam. Tapos ay kakausapin mo ko na parang wala kang ginawa. Tapos magtatanong ka kung galit ako?" Sabi ko na hindi parin siya tinitignan

"So galit ka nga?"

Hindi ako nagsalita

"Yrrah, please understand me. My grandfather is sick and he needs me" paliwanag niya

"Pero sana ay sinabi mo sakin kahit sa text lang para malaman ko diba?" Ngayon ay tumayo na ko at hinarap siya

"I assist my parents to take care of my Lolo. And I also help them to operate the company. So naging busy lang talaga ako" paliwanag ni Xian

Maiintindihan ko naman e. Hindi naman ganun kakitid ang utak para hindi siya intindihin. However, his situation is not the issue, ang akin lang naman ay sinabi niya sa akin na may emergency pala sa kanila. Hindi iyong ganito sa kaibigan niya ay doon ko pa malalaman ang sitwasyon niya.

"Xian isang text lang naman ang kailangan ko hindi mo man lang nagawa?"

"Yrrah why don't you understand my situation?" Mukha na itong naiinis dahil naka kunot na ang noo nito. Napalalakas na din ang boses niya

"Kadadating ko lang at dito agad ako pumunta para bumawi ako sayo. At kinailangan ko pang i cancel ang isang importanteng meeting ko mamaya para makasama kita ngayong araw. Hindi pa ba iyon okay?" He annoyingly brush his hair

Nakagat ko ang labi ko dahil para na akong maiiyak. Ito ang unang away naming dalawa simula ng maging kami.

"Sorry ha! Sorry kung kinailangan mo pang i-cancel ang mahalagang meeting na yun para lang sakin" naiiyak kong sabi at umalis na sa harapan niya

"Yrrah!" Dinig kong tawag niya sa pangalan ko na hindi ko pinansin.

I assume na hahabulin niya ko at mag so sorry siya. Pero hindi. Hinayaan niya lang ako.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko. Nasasaktan ako dahil kay Xian. Hindi ko akalain na magagawa na agad niya akong mapaiyak kahit na halos bago pa lang kaming dalawa.

Kaagad akong umuwi ng araw na yun. At nagkulong  lang sa kwarto.

Wala ako sa movie o drama kaya bakit ako umaasang gagawin ni Xian ang mga ginagawa ng mga bida? This ain't a fairytale afterall.

At isa pa, si Xian Laxamana ang boyfriend ko. Isang lalaking ginagawa ang lahat ng gusto na hindi kumukuha ng pahintulot sa iba. May sariling desisyon. At isang lalaking may mataas na pride.

Sa pagkakakilala ko sa kanya ay hindi siya ang tipo ng lalaki na maghahabol dahil sanay siya na ang mga babae ang humahabol sa kanya.

Kinapa ko ang kwintas na suot ko na bigay ni Xian. Naalala ko rin yung pinaka-unang araw na nagkita kami.

Ewan ko kung natatandaan pa niya yun pero ako ay tandang tanda ko pa.
First day of school nun, umuulan at wala akong dalang payong pero sumugod parin ako sa ulan para lang wag ma late sa unang araw ng klase. At nagulat na lang ako ng may lalaking biglang tumatakbong lumapit sakin at pinayong ako

At that moment ay nagustuhan ko na siya agad. Kahit na hindi niya man lang ako kinausap that day. Like at first sight siguro.

Simpleng pagkagusto lang ang meron ako sa kanya. Dahil naisip ko na bakit ko siya gugustuhin ng husto kung alam ko naman na hindi niya ko magugustuhan pabalik??

Pero ngayon? Ngayon na alam ko gusto niya rin ako? Ngayon na mahal na niya ko?

Ayoko naman siyang magawang mahalin pabalik. Dahil takot ako na masaktan pag dumating ang araw na baka iwan niya ko.

Pero.. Bakit ang sakit?
Bakit ako umiiyak dahil lang sa isang simpleng away namin?

Siguro kasi natatakot ako.. Natatakot ako na baka mag hiwalay kami dahil dito?

Bakit naman ako matatakot? Dahil ba sa kadahilanang mahal ko na rin siya?

Dahil ang mahalin siya ay alam kong hindi imposibleng mangyari.

***

EVANS

"May problema ba si Xian?" Patanong na bulong ko kay Scott

Nandito kami sa Condo ni Xian pero hetong si Xian tahimik na umiinom lang habang mukhang malalim ang iniisip

"Nag-away siguro sila ni Yrrah"

"Tsk! Tsk! LQ agad?"

"Malamang ay magtatampo si Yrrah kay Xian. Try mo kayang hindi magparandam sa girlfriend mo ng tatlong araw tignan natin kung hindi ka rin awayin. Baka nga makipag break pa sayo e" pabulong na komento naman ni Lance

Napatango ako dahil may point siya

Tumayo ako at lumapit kay Xian

"Bro, kung may misunderstanding kayo ni Yrrah, bakit hindi ka na lang mag sorry para maayos na?" Suggest ko

Hindi naman kumibo o nag react  si Xian na parang walang narinig

Napakamot ako sa ulo ko at tinignan sina Lance at Scott na nakatingin samin

Nag fighting sign sila kaya nag try ulit ako.

"Xian. Wag mong hayaan na maging malala pa yang problema niyo. Wag mo ng paabutin pa sa puntong baka maghiwalay kayo" sabi ko sa kanya

This time ay tumingin na siya sakin

"Saying sorry and begging for forgiveness? No thanks " aniya at tumayo na paalis at iniwan kami

Ugh! Xian the King of Pride!

"Bahala ka! Pag nawala si Yrrah sayo kasalanan mo din" bulong ko na naiinis

Lumapit ulit ako kina Lance

"Anong sabi?"

"As usual, Pride ulit ang umandar sa kanya" sabi ko sa naaasar na tono

"Tsk!"

"Hay.. Sabi ko na eh"

Napailing na lang kaming tatlo at pare-pareho na naming naiimagine kung ano ang magiging ending ng simpleng away nilang to.

Ang dali lang naman na mag sorry. Ibaba mo lang ang pride mo ng konti lalo na at kung alam mong may pagkakamali ka.

***

School Royalties (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon