Chapter 4 - First Day
Daniela.
Maaga akong nagising ngayon. Baka kung ano na naman ang gawin saken ng magaling kong kuya.
Naligo na ako at nagbihis ng bagong uniform. Buti nalang green. Love ko kase ang mint green eh. Ayos na yun basta may green. Naglagay ako ng pabango.
Inilagay ko na sa bag kong kulay mint green ang mga binili ko.
Bumaba na ako at pumunta sa may dining table. Bumaba na si Kuya at umupo sa tabi ko. Haha, tiningnan pa siguro ako nun sa kwarto ko. Buti nga sa kanya.
"You guys look cool on that uniform" sabi ni Tito Brian. Ang Kapatid ni dad.
"That's right Brian" sabi naman ni mommy.
"Thanks po tito Brian" sabi ko.
Natapos na kaming kumain at umalis na. Sabay na kami ni Kuya. Hinatid na kami ng driver sa DWCC
Nang makarating kami sa DWCC, nakaramdam agad ako ng kaba. Huhu, sana maging masaya ako sa first day ko.
Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Kuya. Haha! Shete, nakakatawa tong si Kuya pag kinakabahan, parang natatae.
"Kuya, ano section mo?" Tanong ko sa kanya.
"Grade 10- Archimedes" sabi niya. " at ikaw, ang section mo ay Grade 7- Newton"
Pumasok na kami sa loob ng gate. Huhu, ang daming estudyante. Pinagtitinginan nila kaming dalawa ni Kuya.
"Pag natapos ang klase mo, meet mo ako dito sa gate. Pag wala pa ako, edi ako ang hintayin mo" sabi ni Kuya
"Okay Kuya"
Nagkahiwalay kaming agad. Sa left hallway siya dumaan at ako naman ay sa right. Pano ba yan? Hindi ko naman alam kung saan ang 7-Newton. Makapagtanong nga.
May babae sa unahan ko at kinalabit ko siya. Humarap naman agad siya saken.
"Ate, saan po yung 7- Newton" tanong ko sa kanya.
"Dun sa 3rd floor, sa right, yung pinakadulo"
"Ahh sige"
Umakyat ako hanggang sa makaabot ako sa 3rd floor. Wtf. Sobrang pagod naman nito. Araw araw kanito ang aakyatin ko? Are you serious?
"Mukhang hingal na hingal ka na ah, eto oh tubig" kilala ko yung boses na yun ah?
Napatingin agad ako sa kanya.
"Zam? Okay na, may tubig naman akong baon."
"Sige na, malamig pa yan oh"
Tinggap ko na yun at ininom ko ito.
"Alam mo hinintay pa kita dito"
Talaga? Hinintay niya ako? Wahhh!"Ha bakit naman?"
"Kase alam kong dito ka pupunta, saka buti nalang magkaklase tayo. Binilhan kita ng tubig dahil alam kong mapapagod ka. 3rd floor to oh, tapos hagdan lang ang gagamitin, talagang nakakapagod" tumawa siya. At napatawa din ako.
"Thank you ah" ngumiti ako sa kanya.
"Always welcome" sabi niya sabay kindat.
Sabay na kaming naglakad papunta sa room namin. Tatlo pa ang bakanteng upuan. Umupo kami ni Zam duon. Magkatabi pa kami.
Wahh! Magkaklase na nga magkatabi pa! Swerte ko talaga dito sa Divine. Masaya na ang first day ko.
May lalakeng pumasok at parang pamilyar ang mukha niya. Teka, si ano to ah.
YOU ARE READING
The Unexpected Love (TUL) [ONGOING~]
Teen FictionSi Daniela del Mundo, isang magaling na malalangoy na hindi inaasahang maiinlove sa dalawa pang magaling na manlalangoy na sina Ronnie Gomez at si Zam Mendoza. Naguguluhan siyang pumumili sa kanilang dalawa. Sino kaya ang pipiliin ni Daniela? Ano ka...