5 New Team

8 1 0
                                    

Chapter 5 - New Team

Daniela.

Si Ate Ely?! Bakit magkasama sila ni Kuya? Hmm, crush na siguro yun ni Kuya. Haha patay siya saken, may pang-asar na ako sa kanya.

Lumapit ako sa kanila, nagulat si kuya dahil nandun na ako. Shete nakakatawa siya, ang laki ng mata niya. HAHAHA.

"ATE ELYYYYYY!!" Sigaw ko at niyakap ko siya. Miss na miss ko na tong si Ate Ely.

"Deegee! Sobrang namiss kita, mas lalo kang gumanda ngayon." Pangalwa na siyang nagsabi nito. Flattered! Haha

"Thank you! Hahaha! I love you Ate Ely!"

"I love you too Deegee!" At nagyakapan ulit kami.

"At ikaw kuya? Naiingit ka? Gusto mo palitan tayo ng pwesto?" Namula siya. Nakakatawa siya! Parang kamatis sa siya ngayon. Oh ano ka ngayon. Nabuking kita. Wahaha. Kahit inaasar ko yan lagi, mahal na mahal ko yan. Siya ang the best Kuya in the world.

"Tara na nga umuwi, una na kami Ely" nginitian ni Kuya si Ate Ely saka kinindatan. Aba aba, etong si Kuya may pakindat kindat pang nalalaman.

"Bye Don" nginitian din siya ni ate Ely. "Bye Deegee!"

"Bye ate Ely!!" Sigaw ko.

May something siguro kay Kuya Don at Ate Ely. Hmm, ipag-loveteam ko kaya sila. DoLy? Ay panget. Uhmm ElDon? Panget parin! Uhm RickEl.... RICKEL! yun maganda! Haha

"Ikaw Kuya Don ha. Crush mo si Ate Ely noh!?" Napatingin siya saken. Ang laki ng mata niya.

"Hindi" napangiti siya.

"Asus! Deny pa more!" Kiniliti ko siya. Tumawa naman siya ng malakas.

"Tama na hahahaha! ano ba? Hahaha!"

"Hindi ako titigil hangga't hindi ka umaamin!" Mas lalo ko pang nilakasan yung pagkiliti ko sa kanya.

"Oo na! Crush ko na siya! Tama na okay? Happy na?" Oh diba? Sariling diskarte lang para mapaamin mo ang isang tao.

"Tingnan mo. Sasabihin mo naman rin pala pinahaba mo pa" sabi ko.

"Aish! Tara na nga umuwi! May training pa mamayang 5:00"

Umuwi na kaming dalawa. Pumasok kami sa bahay at sinalubong kami ni Mom. Wala si Dad dahil may work siya.

"How's school my two babies?"

"Mom! Hindi na kami baby" sabi ni Kuya.

"Kahit na! I wanna call you baby" tumawa siya.

"Mommy! Sobrang saya ng first day ko! Saka alam mo ba? Sikat na agad ako! Ang dami na agad nakakakilala saken!"
Tuwang tuwang kong sabi.

"Ows? Talaga?" Pang aasar saken ni Kuya, aish kahit kailan talaga to si Kuya.

"Wow! That's good anak." Niyakap niya ako. Narinig ko pa ang "tsk" ni kuya. Napatingin ako kay Kuya na nakatingin din sa akin. Dinilaan ko siya.

"Ikaw Don? How's school?"

"Fine" grabe to si Kuya.

"Okay. Mag ready na kayo. May training pa kayo mamaya"

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Sinuot ko yung knee suit sa yingfa. White T-shirt saka, nike na shorts.

Nilagyan ko ng tubig yung water jug kong kulay red. At niready ang mesh bag ko.

Nakakakaba. First ko makatraining sina Zam, at saka oo nga. Si Ronnie, nandun din.

Umupo nalang ako sa sofa at hinintay si Kuya. Umupo siya sa tabi ko. Ano ba yan? Magsiswimming lang, magpapabango pa siya?

The Unexpected Love (TUL) [ONGOING~]Where stories live. Discover now