Chapter 6 - Jealous
Daniela.
'I like you Deegee'
Paulit ulit kong naririnig yan sa isipan ko. Hindi ako makatulog, hindi maalis sa isip ko yung hinalikan ako ni Zam.
Biglang kong naisip si Ronnie, ano ba to? Bakit ko ba siya iniisip? Hay nako. Tutulog na nga lang ako. May pasok pa bukas eh.
--
*toot* *toot* *toot*
Pinatay ko ang alarm ko. Hayss, ininat ko ang katawan ko. Kinuha ko na yung towel ko at dumeretso na sa CR.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniform. Bigla namang pumasok si Kuya sa kwarto ko.
"Bilisan mo, may naghihintay sayo sa baba" naghihintay? Sino naman yon?
Isinarado na niya ang pintuan. Naglagay ako ng pabango at bumaba narin. Sino ba naman kase yung naghihintay sa---
SI ZAM?!
Omg, argh. Agang aga pinakapakilig ako ni Zam.
"Kumain ka na dito Deegee, kanina ka pa hinihintay dito ni Zam" sabi ni Mom.
Nagmadali akong kumain at lumapit kay Zam?
"Ano namang nakain mo at naisipan mong pumunta dito?" Sabi ko kay Zam.
"Mas maganda ka pa sa umaga" kinindatan niya ako. Aish, Zam naman eh.
"Bakit nga?"
"Gusto ko sabay tayong pumasok"
"Tara na nga, ano ba to"
Kinuha ko nalang ang bag kong mint green. Tinalo ko ang buhok ko. Pinasakay niya ako sa kotse niya. Wow, rich kid to ah. Ang ganda ng sasakyan.
Iniisip ko nalang yung mga nangyari samin noong palabas kami ng OMNHS. Bakit ganun? Parang walang spark? Kinilig lang ako. Pero hindi eh, parang may kulang.
Nakarating na kami sa Divine. Sabay kaming naglakad papunta sa room namin. Eto na naman, mapapagod na naman ako dito.
Pagkadating namin sa room. Napatingin lahat samin ni Zam ang mga kaklase namin.
"Ayieeee! Magkahold hands ang ZAMIELA!!" Sabi nung isa naming kaklase. Yun naman ang dahilan ng pag tili nilang lahat.
Teka? Magkaholdhands!? Tiningnan ko ang kamay ko. Nakita kong magkahold hands nga kami. Tinanggal ko ito agad at pinalo siya sa braso niya. Tumawa naman siya ng mahina.
Umupo na kami sa upuan namin. Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko si Ronnie. Nung nagtama ang tingin namin, umiwas agad siya ng tingin. Problema nitong Ronnie na to? Hay nako, kakausapin ko nalang nga mamaya.
Nagring na ang bell at nagsimula na kaming magrecess. Umalis agad si Ronnie at pumunta sa canteen. Sinundan ko agad ito.
Nakita ko siyang nakaupo lang mag-isa sa table. Bumili muna ako ng inumin. Nilibre ko na siya. Pumunta ako sa table niya at umupo sa harapan niya. Napatingin siya sa akin at umiwas agad siya ng tingin.
Inabot ko sa kanya ang binili kong C2. Tiningnan niya ito pero hindi niya ginagalaw.
"Ano ba ginagawa mo dito? Tanong niya pero hindi siya makatingin sa akin.
"Ano bang problema mo?" Tanong ko sa kanya.
"Tsk" aba maka tsk siya ah, tinatanong na nga ng maayos.
"Bakit ka ba nagkakaganyan? Lagi mo nalang ano iniiwasan. Sa tuwing magkasama kami ni Zam parang galit ka. Bakit ha? Ano bang problema mo kay Zam? Hoy magsalita ka ng--"
Aba grabe to ah. Nilayasan ako, hindi ako pinatapos magsalita.Ang bilis niya maglakad, hinabol ko siya hanggang makaabot kami sa back stage. Tumigil siya don, nakatalikod lang siya.
"Hoy, ano ba!" Hinarap ko siya sa akin. Blanko ang expression niya. "Bakit ka ba nagkakaganyan ha? Hindi naman tayo ganyan dati ah? Anong meron ha? Ano bang problema m---"
"NAGSESELOS AKO!" Sigaw niya. Napatigil ako sa pagsasalita. "I'm f*cking jealous Deegee! WALA KA NG IBANG BUKAMBIBIG KUNDI SI ZAM! MAHAL KITA DEEGEE!" Umalis na siya at naiwan akong nakatanga dito sa back stage.
Mahal niya ako? Ganun ba ako kamanhid. Hindi ko manlang naramdaman yun. Naawa ako sa kanya. Nung nakita ko siya sa mall na kasama niya si Zam, nag slow motion ang lahat. Sabi nila, kapag nagslow motion ang paligid kapag nakatingin ka sa isang tao. Gusto mo ang taong iyon. Pero ano ang ibig sabihin nito? Gusto ko si Ronnie? Bakit? Diba si Zam ang gusto ko at hindi siya? Pero bakit may iba akong nararamdaman pagdating kay Ronnie. Mahal ko na kaya siya?
"Deegee" napatingin ako sa unahan ko. Wait, kilala ko itong babaeng ito ah? Siya yung kumausap sa akin nung nasa bench. Si Tamara!
"Uy Tamara?"
"Ano ba ginagawa mo dyan? Malapit na magring yung bell. Baka mapagalitan ka ng Ma'am niyo"
"Ha? O sige" lumapit ako sa kanya at sabay na kaming naglakad papunta sa room namin. 3rd floor din kase yun kaniya, katabi lang ng room namin.
"Paano mo nga pala nalaman na nandun ako?" Sabi ko.
"Wala, nakita ko lang na may tao dun na mag-isa kaya tiningnan ko. Yun pala ikaw lang. Hehe"
"Ahh sige"
"Pwede ba kita maging kaibigan?"
"Why not? Gusto mo close friends? Gusto mo nga best friends pa eh. Haha" tumawa kaming dalawa.
"Yeheyy! Bestfriend Deegee!" Ang saya pala magkaroon ng bagong kaibigan.
"Tara na baka malate na tayo"
Pumunta na kami sa room namin. Umupo ako sa upuan ko. Tiningnan ko muna si Ronnie na nakatingin saken. Umiwas agad siya ng tingin nung nalaman niya na nakatingin ako sa kanya.
Tumingin naman ako left side ko at nakita ko si Zam. Nakatingin sa akin at ngumiti. Tinanguan ko lang siya. Ayaw ko na muna kausapin itong dalawa. Naguguluhan ako eh. Sino ba talaga ang gusto ko? Si Zam o si Ronnie?
Buong klase wala akong naintindihan dahil sa kakaisip. Gusto ko munang mapag isa.
"Deegee hatid na kita" sabi ni Zam.
"Wag na, ako na" umalis na ako at dumeretso sa gate. Wala pa si Kuya, hihintayin ko na nga lang siya.
Ilang minuto akong naghintay, ayan, dumating na siya. Kasama si Ate Ely. Nakita nila ako kaya nag paalam na si Kuya kay Ate Ely. Kinawayan ako ni Ate Ely at kinawayan ko rin siya.
"Oh, problema mo? Bakit ang lungkot mo?" Hays, kung ikaw lang ang nasa sitwasyon ko.
"Ha? Wala, wala lang to"
"Yung totoo? Kuya mo ako. Dapat sinasabi mo sa akin ang mga problema mo"
"Sige na nga."
"Oh ano na?"
"Kuya kase ano... Ano.."
"ANO!"
"Mahal daw ako ni Ronnie."
"Ah, oh ano naman? Mabuti nga, may bayaw na ako. HAHA!"
"Aish! Kuya naman eh!... Pero naguguluhan ako eh, hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko. Si Zam ba o si Ronnie."
"Pag isipan mo muna ng mabuti. Isipin mo kung sino ba yung mas nakakabuti para sayo, kung sino yung mas nararapat para sayo. Hindi yung sasaktan ka lang."
"Okay kuya"
At umuwi na kaming dalawa. Ayaw ko muna mag training ngayon. Ayaw ko muna makita yung dalawa.
Bakit ganito? Naguguluhan ako ng sobra, sana dalawa nalang ang puso ko. Sino ba ang pipiliin ko? Si Zam na gusto ako o si Ronnie na mahal ako? Si Zam na gusto ko pero walang spark o si Ronnie na may nararamdaman akong kakaiba at pagdating sa kanya, nag iislow mo ang lahat.
Bahala na si Batman. Bukas na bukas, titingnan ko na kung sino talaga yung nararapat para sa akin. Pagmamasdan ko yung mga ugali nila. Kung paano nila itrato ang isang babae.
--
Sino ang gusto niyo para kay Deegee? Si Zam o si Ronnie?
Comment down.#Zamiela
#RonniEla
YOU ARE READING
The Unexpected Love (TUL) [ONGOING~]
Novela JuvenilSi Daniela del Mundo, isang magaling na malalangoy na hindi inaasahang maiinlove sa dalawa pang magaling na manlalangoy na sina Ronnie Gomez at si Zam Mendoza. Naguguluhan siyang pumumili sa kanilang dalawa. Sino kaya ang pipiliin ni Daniela? Ano ka...