CHAPTER 10: THE LETTER

96 9 1
                                    

A/N:

So thank you for supporting this story..

Sit. Relax . Read and Enjoy!

KING's Pov:

Nasa loob kami ngayon ng Principals Office kasama ang iba pang faculty staffs at mga police.

Kanya kanya namang paraan ang mga estudyante sa labas para lang malaman ang nangyayari dito.

Kaming Section A lang ang pinayagan na pumasok.

Nakasabit sa ceiling si Maam Dong habang bahagyang nakabuka ang bibig niya at Dilat na dilat ang nanlilisik niyang mga mata.

Tumutulo pa ang dugo sa may bandang puso nito..

Tinotoo talaga ng anonymous killer na yon ang nakasulat sa papel.

Kahit ganon ang ugali ni Maam Dong nakaramdam ako ng konting awa and at the same time guilty.

Kahit alam niyang ang kabayaran ng buhay niya ay ang hindi pagpatay sa isa sa amin ay ginawa pa din niya.

"Sir, ano pong nangyari?."- tanong ni Maam Cherybel na hindi pa tumitingin sa bangkay dahil baka mag freak out na naman ulit siya.

"Base sa Investigation maam. Pinatay po si maam."- sagot ng pulis.

Gusto ko sanang barahin yong sinabi ng pulis. Ibvious naman kasi eh. Tsk!

Ibinaba na nila ang bangkay ni maam Dong mula sa pagkakasabit at inilagay na sa bag.

Kanya kanyang picture naman ang mga investigator para malaman nila kung sino ang killer.

Paulit ulit kung tanong kung bakit pumapatay yong killer?.

May problema ba siya sa pag iisip?.

Nang ilalabas na ang bangkay ni maam Dong ay may nalaglag na papel sa bulsa niya.

Pinulot ito ng imbestigator at binasa ang front part ng letter.

Napatingin naman siya sa amin na kanina pa hindi umiimik.

"Maam para po ata ito sa section niyo."- sabi ng pulis at iniabot ang letter kay maam cherybel.

Binuklat naman ito ni Maam cherybel at pumaikot naman kami sa kanya.

" I am YOU
YOU are ME
WE are in OnE BoDY
But different SOULS, MINDS and PERSONALITY
I Cry when you Cried
I laugh when you laugh
But we kill everyone that hurts you a lot.

PS: The end is near so better be prepared SECTION A!

                             **** DEATH

Pare pareho ang reaksyon naming lahat matapos basahin ni maam cherybel ang nakasulat sa letter.

"Whats that?...a logic.?"- Roger asked.

"A poem.?"- Angge added.

Lahat kami ay hindi malaman kung ano ang irereact namin.

"Thats a warning."- Alister said and we turn our gaze on him and gives him a confused look.

"Maybe thats a warning for us to start investigating in our own and start revealing the killers identity."- he explained.

"Then...what should we do now.?"- Emely asked.

*********

Nasa loob na kami ng classroom ngayon at nakatunganga na nakatingin sa Science teacher namin.

Kung tutuusin nga mas komplikado pa itong problema namin kaysa sa pagsosolve diyan sa mga Ionic bondings na iyan.

Habang nagiisip ako ay may tanong na pumasok sa isip ko.

Akala ko lang section A lang ang puntirya ng biktima pero bakit lantaran na siyang pumatay ngayon?.

*********

MARJ's Pov:

Kasalukuyan kaming nakikinig sa Science teacher namin.

Iginala ko ang aking paningin sobrang tahimik ng apat na sulok ng room at tanging mga Elements lang ang naririnig.

May mga inaantok na dahil sa kakaiyak. May mga nakatunganga lang gaya ni King na katabi ko ngayon.

Pinagtuunan ko naman ng pansin ang kinopya kong message mula sa letter.

Ano kayang ibig sabihin ng killer? Bat kaya siya nagpadala ng sulat?

Kung isa nga sa amin ang killer so ang killer ay ang taong wala kanina sa room.

Pero ang tanong sino sino sila?

Hindi ko lang maisip na bakit pati si Maam Dong dinamay ng killer.

Natapos ang Science subject namin ng walang kahit anong ingay na narinig mula sa bibig ng dating maiingay na section A.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng walang namatay na Section A ngayong araw, atleast hindi kami nalagasan .

Pero may mga bagay talaga na akala mo okay na pero next day mas malala pa pala ang mangyayari......








A/N:

Ops! Sorry masyadong sabaw nakakabagot kasi yong pinapanood ko kanina kaya pati pagsusulat ko nadamay.

Thanks  for Reading!

****Dyosang Bitter

CLASS 9-A ( Section of secretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon