A/N:
Enjoy reading and sorry for the wrong grammar and typos...
********
KYLA's Pov:
"Classmates yong ka groupo ko sa Science may emergency meeting tayo!bilis!."
"Classmates may quiz daw ng Filipino about sa Noli me Tangere magreview daw kayo!."
"Hoy!group 9 kayo na ang gumawa ng drawing ako na ang magrereport!."
"Groupmates!!!kayo naman na ang gumawa nito ang hirap!."
"Yong mga Mtapers daw mag eeliminate na daw kayo!."
Napuno ng mga kung anu anong announcements at sigawan ang buong room.
Nakakarindi ang mga sigawan nila at sobrang sakit sa tenga.
Iyan ang dulot ng pagiging masaya naming lahat dahil walang namatay na Section A kahapon.
Pero ang tanong bakit kaya parang ang tahimik ng killer....nakokonsensya na kaya siya?.
"Kyla napansin mo ba?."- tanong ni Dona na lumapit sa akin.
"Ang alin.?"- naguguluhan kong balik tanong.
"Bat parang kahapon pa balisa sina Rv, Alister, King and Marj."- paliwanag nito.
Pansin ko din yan kahapon na para bang ang tamlay nila pero ang mas grabe ay si Marj na pinagpapawisan pa.
Pero hindi naman iyon basehan na sila ang pumatay...
"Oo, kahapon pa pero baka iniisip lang nila ang nangyari sa atin."- sagot ko.
Nagkibit balikat nalang si Dona at tumango.
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nalang ngumisi si Rv na ikinakilabot ko...
********
PRINCESS's PoV:
Ang sikip. Ang dilim. Hindi ako makahinga.
Iginala ko ang paningin ko at isang napakakipot na cabinet ang pinaglagyan sa akin.
Pinilit kong gumalaw pero hindi sapat ang lakas ko dahil narin sa pagod.
Nakarinig ako ng mga paang papalapit sa kinaroroonan ko.
Narinig ko ang dahan dahan nitong pagbukas sa pinto ng kabinet at nagtulog tulugan ako.
*Boogsshhh!*
Napa aray ako sa sakit ng tumama ang katawan ko sa isang tiles na floor.
"Ugh!."- daing ko sa sobrang sakit.
"Uy! Gising na pala ang mahal na prinsesa."- nakangiting sabi nito.
"I- ikaw....?."- hindi makapaniwalang sabi ko.
"Surprise mahal na prinsesa ..."- malambing nitong sabi.
Ang galing niyang magpanggap. Ang galing niyang manlinlang...
"Anong gagawin mo...sakin?."- nanghihina kong tanong.
"Hmmm...lets see!"- hyper nitong sabi.
Binuksan niya ang cabinet niya at naglabas ng uniform.
"Hindi kaba pupunta ng school.?"- tanong niya sakin habang nagsasapatos.
"Baliw ka nga talaga! Pano ako makakapasok ng school kung itinali mo ako dito huh?!"- sigaw ko sa kanya.
Napahinto naman siya sa ginagawa niya at hinarap ako ng seryoso ang kanyang expressyon.
