My Dragon Friend haha!

271 11 26
                                    

Ang pag-aaral ay magndang layunin na makuha ang telebisyon, makakain ng mangga at mapamahal kay Danica. Si ate Jhen ay magiging maingay at lalapit sakin at sasabihing maganda ako. Si Jackie na nagttype sa tabi ko ay mapapatayan ng computer, massabugan ng CPU at ang aking kapartner na si Ruth ang maliligtas lang, sapagkat ako ay makapangyarihan, maggamit ko ang aking magical wand at SPECIAL POWER, ako ay makakaligtas at kami lang ni Ruth ang mabubuhay sa Mundong ibabaw. Kami ay matatagal ng 3 taon na walng kasama, kaya lang kami ay malulungkot at mghahanap ng kabiyak sa buhay. Pupunta kami sa Amazon River at doon makikita ni Ruth ang napakakisig na si Enchong, si Enchongo. Siya ay mahuhumaling at maadik sa amoy nito,  isang mabangong amoy na nanggagaling sa amoy ng kanal na Amazon at dahil doon, siya ay magmumukhang Amazona, samantalang ako, hindi ko pa nakikita ang mamahalin ko habambuhay. Titira si Ruth at Enchong sa Aamzon Forest at maiiwaqn ako. BUnga ng pagka-inggit, hahanap din ako ng aking Prince Charming.  Naglalakad sa disyerto ng Sahara ng makakita ako ng umiilaw na sandata. Muntik na akong matinik sa mga cactus na nandoon at sa hindi inaasahang pagkakataon ay may makisig, at malakas na lalaki na nasa harapan ko. Siya na ata ang pinakagwapo sa lahat ng lalaki sa buong mundo. Mas gwapo kay Tom Cruise at mas malakas kay Brad Pitt. Grabeeee! Nakasuot siya ng mala-pangprinsipeng kapa. Ako ay nagulat ng bigla niya akong buhatin at inilayo sa mapangahas na cactus. Ako ay bigla niyang ibinaba sa mala-niyebeng lupa. Kagulat gulat sapagkat ito ang unang pagkakataon ng makakita ako ng nieyebe sa disyerto. Lumuhod siya sa harapan ko at inalok na pakasalan ako, bubuksan na niya ng kahon na naglalaman ng singsing ng may biglang parang mga lupang sumabog nang magpakita ang mala-dragon niyang mukha at mala-ahas niyang katawan. “Bwahahahaha”, sambit niya.. “Karen hindi mo ba ako nakikilala?, nagulat ako at pinagmasdan siya. Hindi kapanipaniwala, si Jackie pala siya, “Jackie, anong nangyari sayo?” bakit ka nagkaganyan?, Jackieee! Ikakasal na ako !, sambit ko. “bwahahaha, kaya nga ako nandito, binigyan ako ng pagkakataon ng tadhana na mabuhay na’t maghiganti sayo!” bwahahaha! Ikaw! Ikaw ang dahilan, ikaw ang pumatay sa akin! Hindi ko hahayaang  makasal sa kanya! Hindeeee!” Parang nasakupan at nagdagungdungan sa buong disyerto ng Sahara ang kanyang pagsigaw at sa katakot takot niyang mukha ay maiiyak ka. “Jackieeee!, mahal kita! Ikaw ang kaibigan ko! Hindi ko magagawang patayin ka. Ano ba ang pinagsasabi mo, namatay ka dahil sa hindi inaasahang aksidente. Gusto ko lahat tayo at mag-sama sama at mabuhay ng masaya, pano?? Pano ba bumalik sa dati ang itsura mo?” maluluha luha ako habang nagtatanong sa kanya. “Wala, hindi mo na mababalik ang nakaraan at IKAW! IKAW ang dahilan kaya ako nagkakaganito.” Sumisigaw siya habang nagbubuga ng apoy at may malatinik na sandata na gawa sa cactus ang iniikot niya. Isang metro lamang at matatamaan ako nito. Hindi na ako nag-atubili at tumakbo palayo. Hindi ko namalayan na ang aking Prince Charming pala ang nakikipaglaban sa kanya, habang lumilipad sa may kalangitan, hindi ko inaakalang may ganoong uri siya ng kapangyarihan at nagawa niyang patamaan si Jackie. Hindi maaari, mamatay na ako wag lang ang kaibigan ko. Nang saktong sasaksakin niya si Jackie ay mala ibon akong napatakbo at nasalo ang posisyon niya na pinaglalagyan.

Epilogue:

Sa panahon ngayon, dapat unahin ang iyong sarili, hindi mo alam na ang kabigan mo pala ang magtataksil sa iyo. Ngayon ako ay nasa mapayapang lugar na puno ng katahimikan at kasiyahan na tinatawag nilang langit, kasama ko ang iba kong dating kaibigan at hanggang ngayon ay hindi ko inaakala na ang naturingan ko pang matalik na kaibigan ang makakagawa ng mala-imposibleng pangyayari.

Ngayon kasama niya ang dapat ay sakin, ang pinakamamahal ko na nagbigay lamang ng pinakamasayang pakiramdam na kahit 10 bilyon ay hindi mababayaran.

Ang prince charming ko ay kasama na ngayon ng nag-iisa kong WALANG KWENTANG KAIBIGAN, ang nagtaksil sa aking buhay, ang pinag-AKSAYAHAN ko ng aking BUHAY! Hayyyyy!

Sana ay magkaroon ng KARMA sa inyo!

A/N: Joke lang, ito po ay kathang isip lamang habang nag-hihintay sa mga kaklase kong ngttype ng Thesis namen, at ipinagpatuloy ang thesis ng naiwan kong mga kaklase na itintype na nauwe sa EWAN! Haha! in-enjoy ko lamang aang oras na nakaexpose sa malamig na hangin ng aircon. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Dragon Friend haha!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon