Naglakad ako papalapit sa kanila.
"Hi. May I join you two?" I toss stares at them and halt at him with my brows raised.
Nagtinginan pa silang dalawa at pasimpleng umiling ang lalaking iyon sa babae. Iyong babae na ang tinitigan ko instead of him and raised my brows again as I pressure her to give me an answer.
"Sure," sabi ng babae. "Eve nga pala."
She offers her hand. I accept it abruptly.
Nakita ko ang lalaki na iyon na napatiim-bagang habang inilalayo ang mukha sa amin.
"I'm Steve. Nice to meet you."
Muli siyang ngumiti. At sa pagkakataong iyon, inilabas na niya ang mapuputi niyang ngipin. Napatitig ako sa kaniya. Hindi ko alam na ganiyan pala siya kaganda sa malapitan. Close enough to see her pores but good enough to appreciate her meek face, flawless skin and sexy slim body which her backless dress suits her perfectly. She doesn't even need too much make up to impress a man. No wonder this guy walks his way here for her.
"Anyway, Steve, this is Adam. I just met him as well." Inilatag niya ang kamay niya na parang isang produkto na ipinipresenta ang lalaking iyon sa akin.
Nakaharap pa rin ang ulo ko kay Eve at ang mga mata ko lang ang ginalaw ko para tingnan si Adam. Biglang naging romantic ang tugtog sa loob ng club na iyon. For some reason, bigla kong naisipang yayain si Eve.
"Can I have this dance?" I say, slowly offering my hand again for her to lay her hands there. Eve half-glances at Adam. Nagsama ang galit at lungkot sa ekspresyon ng mukha ni Adam which is gusto ko talagang makita sa mukha niya in the first place. This is what I intend to make him feel and it is working. I think what I did is a genius move. Hindi lang selos ang mararamdaman niya rito pati na rin inggit. I want him to regret what he did to me.
Gayunpaman, ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin tinatanggap ni Eve ang alok ko. Kapag nagkataon, isang bagay na naman iyon para pagtatawanan ako ng Adam na 'to. Hindi ako pwedeng mapahiya pero nakakahiya na rin ito.
Baba ko na ba 'yung kamay ko?
"Sure." Eve finally accepts my invitation. Nagdikit na rin ang mga palad namin.
Ngumisi ako kay Adam habang marahan na hinihila ko si Eve papunta sa dancefloor. Sa gilid lang kami banda para magkarinigan pa rin kami. Ayaw ko rin makisiksik. I'm sure siya rin. Hindi ko pa rin matanaw ang mga pinsan ko mula rito pero sigurado ako na may kasayaw at baka may take-out pa mamaya si Cynthia.
Nagsimula akong sumabay na gumalaw sa musika. I make sure I don't move awkwardly by keeping the movements small.
"You look young. How old are you? And do you still study?" Bahagyang lumiyad sa tainga ko si Eve para marinig ko siya.
Pasimpleng lumakad si Adam papalapit sa amin. Pinapanood niya kami at nakikinig siya sa pinag-uusapan namin. Binatuhan ko siya ng tingin at isang ngiti na siguradong maasar siya. A mocking smile.
"Nineteen. Turning twenty in a few days."
"Talaga? Advance happy birthday pala kung ganoon." Sandali pang napahinto si Eve sa pagsabay rin sa musika nang sabihin niya iyon.
"Thank you." I chuckle. "And yes, I am studying. It will be my third year in college after this vacation break. I'm currently taking a degree in Tourism."
"Interesting." Napatango-tango pa siya.
May saglit na katahimikan na namagitan na sa amin so I think it's my turn to ask. "Ikaw ba, what keeps you busy?"
"Well, me. I'm a nursing graduate and I'm mostly doing medical missions now. It is some sort of a requirement at work."
"I see. Forgot to tell you look young too. Let me guess your age." I stop dancing at tumingala sa kisame for a little while before I turn back at her face again. "Aha! Eighteen?"
Hinampas ako ni Eve ng mahina sa braso. "Palabiro ka talaga. I just turned twenty three last month."
I think effective ang ginawa ko. It make her beam.
"Well, that's only a year gap from my age. Fits well, right? I'm twenty four," pagsingit ng kung sinong asungot.
"Nice to meet you, twenty four." Makikipagkamay na sana ako sa kaniya nang akala ko'y nakikipagkilala siya at ang pangalan niya ay twenty four. Mas nagulat pa ako nang mukha ni Adam ang tumambad sa mata ko. Agad akong naalibadbaran.
"Steve, right?" He rolls eyes at me. Tumayo na siya sa tabi ni Eve at kaharap ko na. "You know, masyado ka pang bata. Bakit hindi ka na lang maghanap ng makakausap mo around your age? Baka magkaintindihan pa kayo if mag-uusap kayo about thesis." He says the last sentence with a scornful laugh kaya napakunot ako ng noo. "Kasi kami, tapos na kami roon. We want to talk about work, life, and anything between that. Hindi na effective sa edad namin ang mga pick-up lines ng mga batang katulad mo."
My chin's up and I fold my arms across my chest. I proudly say, "Twenty four is not that old for me."
"Tw—what?" There is a great shock in Adam's face like he is hit by a lightning.. His eyes wide open and his jaw drops a bit.
Eve's eyes flutter.
I fart when I realize I am talking about his age and not Eve's. Twenty-three pala dapat kasi twenty three si Eve. Why did I say his age na parang mas ipinapahalata ko pa na sa kaniya talaga ako interesado? Partida wala pa akong nainom nito. Ni hindi ko pa nga nagalaw ang isang bote ng beer na ipinatong ng waiter sa iniwan kong stand table. Ano ba ito?
Pinagpawisan ako kahit malamig naman ang lugar na ito. Nakakahiya. Kailangan malusutan ko ito. Mabuti na lang lively na ulit ang tugtog kaya sobrang lakas na naman. I'm sure hindi nila narinig ang pag-utot ko. I just hope it don't smell.
"What I mean is, be it twenty-four, twenty-six or thirty, it doesn't matter to me."
Eve starts bobbing. I feel relieved seeing that. Mabuti na lang at nakumbinsi ko siya.
Agad na nanlisik ang mata ko nang magsalita si Adam. As in, pagkabuka na pagkabuka pa lang ulit ng labi niya.
"Well, Eve, if you're looking for someone who has an impressive credentials. I'm a licensed Architect and my Dad owns an Architecture firm that specializes on architectural services and consultation. I'm no longer a student and yes, I work there in my Dad's company. It is our business which can be yours too, if you're going to make the right choices."
Tumingin si Adam sa akin na parang ipinapamukha sa akin na malaki ang lamang niya at wala pa akong maiaambag sa buhay ni Eve. Talagang sinabi niyang hindi na siya estudyante. Anong gusto niyang ipamukha? Na-porque stable na siya, piliin na siya? Na wala akong kwenta kasi estudyante pa lang ako? Aba, nakapakayabang pala ng taong ito.
"Ang lakas ng hangin noh, Eve?" tanong ko habang kay Eve lang ang tingin ko.
"It doesn't always mean you're humble if you are not bragging anything. You just can't brag anything because you don't have anything to brag," binulong pa ni Adama kahit rinig naman.
Napakuyom ako ng kamay. Pinigil ko ang gigil ko. Talagang desperado siyang maipanalo ito na para bang nasa isang kompetisyon kami. Lahat gagawin at sasabihin niya. Para ano? Para maiuwi lang ang babaeng ito? Anong laban ko sa mga sinabi niya? Pwede bang ilaban ko roon na best in recess ako?
Pagkatapos niya akong pagmukhaing tanga, pinagmumukha niya naman ako ngayong pabigat! Nakakabwisit siya! Hindi ko na alam kung paano ko pa hihigitan ang mga binanggit niya. May license siya. Ako, kahit driver's license, wala pa.
Should I just stop and just let bad karma get back to him? Paano kung hindi siya makarma?
Biglang sumulpot ang babae na pulang-pula ang lipstick at nakasagutan ko kanina. Natigilan siya sa paglingon-lingon at sandaling napatitig sa akin.
"Hindi ba ikaw 'yung bak—"
BINABASA MO ANG
The Eve Between Adam and Me
Fiksi UmumSa pag-aakala ni Steve na siya ang tinitingnan ng lalaki sa loob ng club na si Adam, na-disappoint ang binata nang ang babae sa harap niya na si Eve ang nilapitan nito. Sa inis ni Steve ay ginusto niyang gantihan si Adam sa pamamagitan ng pagkuha sa...