Simula

3 0 0
                                    

"Anak pumasok na kayo at baka kayo malate" binigay ko kay mama ang isang basong tubig at inabot sa kanya ang mefinamic acid na kabibila ko pa lang.

Papasok na sana ako sa school, magpapaalam na sana ako pero nakita kong di ata makakapasok si mama dahil may sakit siya. Naabutan ko siyang umuubo at nahihirapang bumangon

"Mama magpapahatid nalang kami kay Mang Emil. Magpahinga ka nalang, wag ka nalang kayang pumasok". Kinumotan ko siya at pinahiga nang maayos

" Sige anak, mag-iingat kayo" nagmano na ako at humalik sa kanya.

Life is hard. Yan ang laging sinasabi sa akin ni mama kaya we should be though. Since the day nawala si papa, naging workaholic na si Mama. Pinagsasabay niya ang pagtatrabaho at ang pag-aalaga sa amin kaya naman minsan bumibigay na talaga ang katawan niya. May pera naman si Mama kaya hindi ko maintindihan kung bakit pinipilit nya paring magtrabaho. Nag oovertime pa siya. Pinapahirapan lang niya sarili nya

"Ryle bilisan mo" patakbo na akong bumaba sa hagdanan. Malelate na nga kami

"Mang Emil pahatid po kami, may sakit si mama eh" pumasok na ako sa kotse at hinintay na ang kapatid ko.

"Tashing, papupuntahin ko ba si Berna? Para naman may mag-alaga sa mama mo." Asawa ni Mang Emil si Ante Berna. Kasama na namin sila simula nung bata pa ako. Alam nila lahat ng nangyayari sa amin. Laking pasalamat ko sa kanila at lagi silang andiyan. Para naring kapamilya namin.

"Okay lang po ba? Baka nakakaistorbo po kami" narinig ko ang sunod na pagsarado ng pinto ng kotse. Nakapasok na ang kapatid ko 

"Hindi iha, hindi na rin naman kayo iba sa amin" ngumiti lang ako bilang tugon sa kanya.

Nagdrive na si Mand Emil papunta sa school. Dumaan muna kami sa school ni Ryle kasi mas malapit.

"See you later ate. I love you" awieee ang sweet, grade 3 pa nga pala ang brother ko. Pag lumaki na yan mahihiya na yang humalik sa akin.

Three years ago, nabalitaan namin na lumubog daw ang sinasakyang barko ni Papa at kasama siya sa mga nasawi. Yan ang sabi ni mama sa akin. Maliit pa si Ryle nun kaya di pa niya matandaan. Since then, lagi akong nag mumokmok. Nahirapan akong tanggapin yun.

Mahaba haba pa ang byahe kaya naisipan kong mag online sa facebook account ko. Matagal tagal na din akong nag deactivate. Siguro it's time to open it.

Bumungad sa akin ang posts ng mga kaibigan ko, mga kaklase ko at relatives sa side ni mama. Pumunta ako sa timeline ko at nakita ko ang mga post ko years ago. Natatawa nalang ako kung pano ako ka jeje noon.

When i was in grade 7, binansagan nila akong hashtag queen. Halos lahat ng post ko may hashtags at sa lahat ng nangyayari sa akin may hashtag din ako. Inaabangan nila lage ang updates ko. Its been a while na rin pala since the last time I posted something. Nakakamiss.

Hindi naman siguro masama if magpost ako ngayon diba?

*
Life is beautiful if you know how to live

#sick #sweet #bitter #lookwhosback #queen #itsme #hashtag #weather #school #ily #imissme #eldorado #xoxo

Posting . . .

Nagpatuloy sa pag dadrive si Mang Emil nang may nakita akong kotse, nahagip ng mga mata ko ang driver. Hindi ako pwedeng nagkamali.

Papa?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HASHTAG QUEENWhere stories live. Discover now