Meant To Be (One Shot)

305 17 23
                                    

-----

Her POV

"Ate, alam mo ba kulay blue din ang suot ni Crush ngayon. Ohmygeeee! I'm so kinikilig." 

"Ano naman kung parehas kayo ng kulay na suot? Ang babaw mo kapatid ha!"

"Hey! Ang KJ mo talaga Ate. Basta ako naniniwala ako na kami talaga ang meant to each other. Biruin mo, nauna akong nagsuot ng blue tapos makikita ko siyang lumabas ng bahay nila na suot din ay kulay blueee! Waaaahhhh. Grabe gumagawa talaga ng paraan ang Diyos para sa lovelife ko." proud na proud kong sinabi kay Ate pero siya, poker face men! Hahaha. Bitter sa lovelife eh.

"So? Diyan ka na nga. May pupuntahan lang ako."

"Sus, date yan noh? Wag ka na magdeny. I will support you sister! Yieee" Sabay kiliti sa tagiliran niya.

"Heh! Tumigil ka nga. Mauuna na ako!"

Umalis na si Ate ko at mukhang nagmamadali pa ang loka XD Hanggang ngayon di pa rin ako makaget-over sa nangyari kanina. Ganito ba talaga ang feeling pag nakita mo ang crush mo tapos parehas pa kayo ng kulay ng damit?! Waaaaaahhhh! Kinikilig talaga ako!! Actually, hindi ito ang unang beses na parehas kami ng suot or what. Panglima na ata toh? Panglima ba? Pang-anim? Ay ewan! Basta hindi ito ang first timeee!

Matagal ko nang crush si Zeus. Since Kinder crush ko na yan. Charoot! Siya kasi yung unang naging kaibigan ko sa room. Pero lumipat siya sa Private School nung Grade 2 na kami. Mukhang nakalimutan niya na nga ako eh. T_T Pero, hindi ako matitinag, alam kong kami ang para sa isa't isa. Fighting!

---

"Goodmorning my princess" umagang-umaga ang sweet agad ng bunga ni Mom. Ngumiti ako kay Mom at niyakap siya. "Goodmorning too Mom."

"Goodmorning Ate, kamusta pala ang date mo last night? Are you had fun?" 

"Umagang-umaga Tawny, kung ano-ano nanaman ang pinagsasabi mo"

"Mood flings Ate? Hahaha"

"Tama na nga yan, kumain na kayo at makapasok na kayo ng maaga" 

Kaunti lang ang kinain ko kasi on diet eh. Haha. Kidding. Gusto ko kasi makasabay si crush. Yieee. Kinikilig nanaman ako. Nasa labas na ako ng bahay ngayon, pasulyap sulyap sa paligid baka makita si Crush. 

Speaking of my crush O___O Ang gwapo talaga ni babe. XD Napansin kong parehas kami ng sintas ngayon? Ohmygeeee! This is another sign. 

Kami na! Kami na ang MEANT TO BE!

Full smile akong pumasok sa school. Inspired ata to!

"Full smile teh?" 

"Malapit na akong ikasal."

"What?! Kanino?" Halos magulat ang mga kaklase ko sa sigaw ni Jen

"Easy lang. Siyempre kanino pa ba? Sa aking mega ultimate super duper crush! Tapos titira kami sa tahimik na lugar at doon kami bubuo ng masayang pamilya. Ano masasabi mo dun Jen?"

"Iba talaga ang dulot sayo ng pag-ibig, sige babalik na ako ng upuan ko ha. Gumising ka na sana sa panaginip mo"

May kasama na si Ate sa KJ list ko. Totoo kaya yun! Meant to be nga kami diba. 

Nakinig lang ako sa discussion. At nagsagot ng mga activities na pinapagawa at may napansin nanaman ako. Parehas kami ng ballpen ni Crush! Kulay green siya at Faber Castell din. Ohmygeeee! Sinulat ko sa mini notebook ko ang aking bagong nadiskubre kay crush. Diary kumbaga.

Meant To Be (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon