ALAS SAIS Y MEDIA PALANG AY NASA KOMPANYA NA SI GRAZZLE. Hindi na siya nagpasundo at dinala nalang ang sariling sasakyan. She has to be early. Ayaw niya rin naman kasing ma traffic sa daan.
Siya palang ang nasa opisina dahil maaga pa naman. Naupo siya sa temporary station niya. Nasa labas lang iyon nang opisina ni Ranz. Ang station naman ni Belinda ay nasa labas lang ng opisina ni Lola Amanda. Inayos niya ang mga gamit at tahimik na tsinek ang gagawin ngayong araw. Hindi niya tuloy namalayang dumating na pala si Belinda at halos thirty minutes na siyang may ginagawa."Nag-agahan ka na?" tanong nito habang nasa sariling station.
Matanda lang sa kanya ng tatlong taon si Belinda. Kasal na ito sa asawang si Anton at may dalawang anak na.Sa tanong nito ay saka niya lang naramdaman ang pagkalam ng sikmura. She forgot she only had coffee and some bread. Nasanay na kasi siyang sa Exquis na nag-aagahan. Dahil sa kaibigan niya ang chef doon ay palagi siyang ginagawan nang almusal.
"Hindi pa pala. Nakalimutan ko. Nasanay kasi akong sa Exquis mag-agahan."Ngumiti ito. "Magpapa-order nalang ako sa baba. Bilin pa naman ni Ma'am Amanda na wag kayong gutumin." May restaurant kasi sa ground floor ng building.
"Sige, salamat." aniya at nagpatuloy sa ginagawa.
Hindi mapakali si Grazzle nang tingnan ulit ang relo. Malapit nang mag-alas siyete y media pero wala pa rin ang boss niya. Tsk! 7:29.
Saktong alas siyete y media nang mapatayo siya sa upuan. That's it! Pupuntahan niya na ito ngayon din! Kukunin na sana niya ang gamit nang saktong tumunog naman ang elevator at bumaba ang hinihintay niya.He has that goofy grin on his face as he stood in front of her. "Good morning!" Bati nito.
She stood straight. "You're late."
"Naah. Saktong seven thirty pa. I'm not late, theá." turan nito.
"It's Grazzle." Reklamo niya sa tawag nito pero sadyang makulit ito. "Anyways, I'd like you to meet Belinda. She's Mrs. Montenegro's secretary, who will be your secretary when you officially take over the company." Matapos nitong batiin ang babae ay iginiya niya na ito papasok sa sariling opisina. "This will be your office. There's a kitchen on the left and a bedroom on the right." Ipinakita niya din kung saan ang pinto sa kwarto nito. "Is it to your liking?"
Tsinitsek nito ang loob. "What about you? Do you like it?" tanong nito na nasa kwarto.
"What?" She asked confused.
Sumilip ito mula sa kwarto, "I was asking if the place is to your liking."
Napakunot noo siya dito. "Why? Shouldn't that be yours to answer? Kung may gusto kang baguhin sabihin mo lang. We can have it changed.--"
"Yes or no, theá. It's as simple as that."
She gulped, "I think yes. It suits you I guess. A bachelors office." Nag-iwas siya ng tingin nang ngumiti ito. "Nasa mesa na ang ilan sa dokumemtong aaralin mo. And.." Napatigil siya nang mapalingon ulit dito. Her brows frowned as she took in his appearance. "Why are you wearing sunglasses? And ripped jeans?" Pwede na ang pang-itaas nito na puting T-shirt na pinatungan ng suit at naka rubber shoes pa ito. Pero dapat ay nakasuit and tie ito!
"Take your glasses off. Those are unnecessary while you're in the building. Wala namang araw sa loob.""But--"
She stepped closer to him. "No more buts--" napatigil siya at napasinghap nang maalis ang suot nito at bumungad ang kulay berde nitong mga mata. His eyes are forest green! Good God! Ang ganda ng mata nito. Those pictures did no justice! He has the deep set of eyes and the color is hypnotizing! She can feel her knees shaking from his intense stare. Napaka expressive nang mga mata nito! It's as if she can drown into it forever.
BINABASA MO ANG
Calle Maganda Series: Grazzle Maila Rudero
Romans"I love you... That's all I know." Fourth installment for the series! Have fun. ☺