Si Torpe Boy at Pakipot Girl (Short story)

1.8K 47 29
                                    

Mabuti pa sa lotto may pag-asang manalo, di tulad sayo, imposible.

Kay hirap maging babae kung torpe you lalaki, kahit may gusto ka kasi di mo masabi.

Minsan may mga bagay na kahit gaano mo kagusto ay di mo magawang ipahayag o ipakita. Minsan, sa pag-ibig, kahit na mahal mo sya ay sadyang di lang talaga pwede. Ayokong sabihin kasi kasi natatakot akong iba ang marinig ko mula sa kanya.

Ako si Mariechar, simpleng babae, mahinhin at konserbatibo. Madalas ngang tawag sa akin ng mga kaibigan ko ay Maria Clara. Kasi naman, lumaki ako sa piling ni lola. Hindi ko ganoon ka-updated kasi hindi naman talaga ako lumalabas ng bahay. Kuntento na akong nakikita sya sa bintana.Save

[John Mark's POV]

Ako si John Mark, lagi akong laman ng kanto, nag-gigitara, madalas kong kasama ang barkada at gumigimik kun saan-saan. Pero alam mo, kahit na ganto ako ay di pa ako nagkaka-girlfriend. Oo, torpe ako. Hindi ako marunong manligaw at mag-express ng nararamdaman. Kuntento na akong nakikita sya sa bintana.

Kababata ko si Mariechar. Sya ang pinaka-unang naging kaibigan ko dito samin mula ng lumipat kami ng bahay dito. Madalas ko syang kausap sa bintana dahil hindi naman talaga sya lumalabas ng bahay, napakabihira. Halos magkadikit lang ang bahay namin. Parehas na nasa 2ndfloor ang kwarto namin at magkatapat ang bintana namin. Noon nga ay nakakapasok ako sa kwarto nya, sa bintana lang ako dumadaan. Pero noon yun, nung mga bata pa kami. Sa ngayon ay bihira ko na syang nakakausap.

 [Mariechar's POV]

Wala na naman sya ngayon sa kwarto nya. Malamang ay nag-iinom na naman yun kasama ang mga kaibigan nya. Hay! Kelan ko kaya sya makakausap uli? Miss ko Narin sya. Miss ko na ang boses nya, ang kalokohan nya at ang mga kwento nya.

"Marie! Andyan ka ba sa kwarto mo?"

"Ahh... o... oo. Bakit?"

"Wala kasi akong makausap eh."

"Yung mga kaibigan mo?"

"Umuwi na sila eh. Ayaw mo ba?"

"Ayy... ano... hindi... ay, ibig kong sabihin gusto ko naman."

"Bakit parang nauutal ka? Kamusta ka na pala?"

"Mabuti naman. Ikaw?"

"Ito, iniisip sya."

"Sino?"

"Yung mahal ko.

 [John Mark's POV]

 Mabuti at naabutan ko sya ngayon. Miss ko na rin yung pag-uusap namin. Matagal-tagal narin nung huli ko syang maka-usap.

"Bakit parang nauutal ka? Kamusta ka na pala?"

"Mabuti naman. Ikaw?"

"Ito, iniisip sya."

"Sino?"

"Yung mahal ko."

"Sino?"

"Basta, di mo rin naman sya kilala."

"Ahh... ganun ba?"

"Haha. Oo nga pala, pwede ba kitang sabayan bukas sa pagpasok ko sa school?"

"Ahhh... ano... si... sige."

"Aantayin kita bukas sa labas ng bahay nyo ah!"

Miss ko na nga talaga sya. Matagal ko na rin kasi syang hindi nakakasama. Lagi kasi syang mag-isa. Hindi ko rin naman kasi sya naabutan dahil madalas akong late.

 [Mariechar's POV]

Totoo ba to? Niyaya nya akong makasabay bukas. Matagal na rin kasi nung huli ko syang makasama. Madalas kasi syang late. Minsan nga nahuhuli rin ako sa kalse kasi inaantay ko sya pero di rin naman nya ako nakikita. Lagi nya kasing kasabay si Jessica, girlfriend nya ata.

Si Torpe Boy at Pakipot Girl (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon