Chapter 4- First day of class

120 3 4
                                    

Hirap pala gumawa ng story,,, hehehhe,,,, 

Chapter 4 na po,, hahaha success....

__________________________________________________________________________

AJ's POV

Nasa loob pa ako ng kotse ko. Naglalaro ng PSP. Nakaka-bore kasing maghintay kaya I killed the time.

"Boooogsh!!!!!Ano ba 'yan! Parati nalang akong talo. Subalit noon ay palagi akong nananalo!" sigaw ko.

Nakakabuwesit kasi. Ano ba talaga ang dahilan ng sunod-sunod kong pagkatalo? Parang wala akong ganang pumasok dahil kahit ni kaisa ay hindi ako nanalo.

Maya-maya, nagsalita si Manong Driver. (Manong Driver ang tawag ko sa kanya kasi ang taas ng pangalan jniya eh: Epifanio)

"Kaya ka siguro natatalo dahil busy ang pag-iisip mo sa ibang bagay, Sir. 'Tulad ko noon, hindi ako maka-focus sa pag-aaral dahil sa kakaisip sa nag-iisang babae sa buhay ko."

Dahil sa kanyang mga sinabi, naalala ko tuloy ang magandang babae kahapon. Napakaganda nito. Napakasarap titigan ng kanyang mga singkit na mga mata. Napakalamig ng boses nito kahit palagi itong sumusumbat. Pero ang masama, napakasungit nito. Mortal ko siyang magandang kaaway simula ngayon. hahaha

Nahinto ako sa pag-iisp nang magsalita si Manong Driver....

"Nandito na po tayo, Sir"

Pababa na sana ako ng kotse, kaso merong mga babaeng nakaharang sa pintuan kaya mamaya nalang ako bababa.

Pia's POV

Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga bench sa oval. Specifically, yung color blue na bench. Paborito ko kasi 'yon. Hindi pa kasi nagbukas ang classroom. Mukhan late yung teacher namin. Nagchichikahan lang yong mga kaklase kong babae sa labas ng room. Samantalang yung mga lalaki ay abala sa pangungulit sa mga babae.

Nilibot ko ng tingin ang buong campus. Mayroon iba't ibang klaseng estudyante doon. Pagtingin ko sa dapit kanang bahagi ay meron akong nakitang mga magagandang babae na magagara ang mga suot at todo make-up nito. Pero siyempre, mas maganda pa ako sa kanila hehehe. Paglingon ko naman sa bandang kaliwa ay kitang-kita ko ang isang lampayatot na binu-bully ng isang matabang lalaki. Ang ibang namang mga lalaki doon ay abala sa pagpapakitang-gilas sa mga babae.

Napukaw ang atensyon ko sa isang lalaking nakasuot ng eyeglasses na lumalapit saken.

"Hi!" - bati nito

Lumingon ako sa likod ko. Baka kasi nagsalita pa ako at iba pala ang kausap niya. Nakakahiya yun.

"A-ako?" - sabay turo sa sarili ko.

"Oo, ikaw. Baguhan ka ba dito? Kanina ka pa kasi tahimik diyan eh!" - tanong nito

"Pakialam mo??!!??" - pagsusungit ko

"Ako nga pala si Mark Hiro Jigger Park" - he extended his arms to me

"Wala akong kaibigan dito. And  I love to stay this way" pagtataray ko

"Wehhhh. Sungit naman!!! Dapat nga magkasundo tayo. Kasi basi sa itsura mo Korean ka. Eh Korean sin ak, half." - sabi niya with a slash hand signal

"Oh sige na! Sige na! Para naman may kausap ako" sabi ko

"So, friends?" he extended his arms again.

Tiningnan ko siya........... ay oo nga pala, nakipag-hand shake siya sa akin. Kaya tinanggap ko.

"Teka! Song hami otteoke dwesi ji yo?" - tanong nito

"Chonun Princess Sophia anastacia Lee- rahgo amnida. Call me Pia."- ako

" Call me Hiro, friends na tayo ha? Ano, pasok na tayo?!?"

"Magkaklase ba tayo?" - ako

"Hindi pero isa rin akong 3rd year student. Magkatabi lang ang room natin. Naku! Nandiyan na pala teacher namin. Mauna na ako ha?" - Hiro

Pumasok na siya sa room niya. At ako naman ay nanatili pa ring nakaupo sa bench. Namimitas nalang ako ng mga santan flowers.

Nagulat ako nang biglang may tumili na kaklase ko.

"Aaaaaaah!!! AJ's here!" - tili ng babaeng nakatitig sa may gate

"Oh my Gosg! He's so hot!!!" wika naman ng isa

Tumakbo ang lahat ng babae patungo sa direksyon na kanilang tinititigan.

Sino kaya ang tinitilian ng mga babae doon? Nagkukumpulan na sila. Nagsisigawan. Nagtitilian. Nagpapagandahan. Isa lang ang narinig ko na palagi nilang sinisigaw:

"I love you, Angelo Jan Joseph Fontanilla!! Marry me!!!"

Hahay! Ang nga babae talaga ngayon!!! Except me!!!

Curious lang talaga ako sa lalaking 'yon. Familiar kasa ang name niya. Kaya naglakad ako papunta sa direksyon ng mga babae na bitbit pa rin ang mga santan flowers. Pero hindi ako nakipagsiksikan sa kanila. Mga ilang pulgada nalang ang layo ko sa kanila. Tumingkayad ako upang masilip ko ang taong iyon. Pero hindi ko talaga makita eh.. Kinulangan ata ako sa height... hehehe

Nagulat ako nang nanahimik ang lahat. Parang dumistansya sila upang bigyan ng daan ang lalaki. Pero sa harap ko pa mismo???? Patay!! Ano gagawin ko. Hingpitan ko ng hawak ang mga santan flowers dahil sa pagkagulat

May lalaking naglakad sa gitna ng daan at tila patungo sa direksyon ko.

haaaaaa! 'Yong lalaking yun na naman???!!!?? kung minamalas talaga oo

Nasa harap ko na siya mismo. Bigla niyang kinuha ang flowers ko. T_T

"Miss sungit, thanks for the flowers. Hindi ko alam na may gusto ka rin pala sa akin" - sabi nito 

"Hoy! Para malaman mo, nandito ako hindi dahil may gusto ako sa 'yo. Gusto ko lang malaman kung sino ang sira-ulong pinagkakaguluhan at pinag-aaksayahan ng oras ng mga babae dito! At hindi rin para sa iyo ang bulaklak na 'yan." - sigaw ko sa mukha niya.

Hindi yata ako papatalo. Kinuha ko ulit ang bulaklak galing sa kanya. Pero inilayo niya ng bulaklak. Hindi ko tuloy maabot. Kung gusto nito ng away, hindi ako uurong... Bwesit siya...

"Sabihin mo, nagpapalusot ka lang.!" - sabi nito

Lumakad na ito palayo.

"Hindi ahhh! Feeler!!!! Ibalik mo saken 'yaaaaaaaaaaaaaaaaaaan!!!!!!!! sigaw ko

____________________________________________________________________________

Abangan niyo po ang continuation ng First day of class niya..... :))))

Si Hiro po ang nasa larawan,,, wala nga lang eyeglasses....

My Life as a half Filipina-Koreana in the Philippines AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon