KATANGI-TANGING GURO

241 2 1
                                    

Pasasalamat sa iyo'y aking sasambitin

Sa iyong galing sa pagtuturo'y di-matutularan

Kaalaman at katauhan iyong binibigyan-diin

Sa gayo'y aming kamalayan at kaalaman ay lawakan.

Kasipaga'y masasalamin sa iyong mga kagamitan

Kagalingan sa pagtuturo'yb lubos na kahahangaan

Pag-aaral ay lubos na pinahahalagahan,

Kalidad ng EDUKASYON ay iyong tangan-tangan

Kung minsa'y ika'y masungit at mahigpit

Ngunit tunay na katuwaa'y ikinukubli

Marahil ito'y paraan upang di mawaglit

Mga aralin at kaalamang iyong binubuo

Naway KASIPAGAN at KAGALINGAN ay  di maglaho

Sa'yong pagtuturo'y higit paunlarin

Upang kabataan ay umunlad at magbago

Sa gayo'y iyong pagtuturo'y maging MAKABULUHAN.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KATANGI-TANGING GUROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon