Gusto kong maibalik ang ang lahat.
Ang dating ngiti ko sa'yo
Ang dating titig ko sa'yo
Ang dating yakap ko sa'yo
Ang dating halik ko
At ang dating pagmamahal ko sa'yo.
Gusto kong maibalik dahil ramdam ko, unti unti nang nawawala.
O mukhang wala na nga yata.
Ang dating pag tingin ko sa'yo ay naglalaho na.
Hindi na kagaya ng dati na sobra akong sabik sa'yo.
Sandaling hindi kita nakikita hindi nabubuo ang araw ko.
Pero ngayon aaminin ko, masakit kung deretsahan kong sasabihin sa'yo,
Pabitaw na ang taong akala mo, nagmamahal pa sa'yo.
Pabitaw na sa mga plano nating dalawa.
Pabitaw na sa mga binitawan kong salita.
Pabitaw na, konti nalang, pabitaw na.
Pero pabitaw palang.
Lumuluwag pa lamang ang lahat.
Kaya ibabalik ko kahit mukhang hindi sapat.
Alam kong ramdam mo ang minsan kong pambabalewala ngunit sinusubukan mo pa rin dahil alam ko, ayaw mo akong mawala.
Masakit oo alam ko nasasaktan ka.
Dahil ang dating tayo'y lumalabo na.
Isang gabi nga'y naririnig kong lumuluha ka, ngunit hindi ko sinubukang lumapit dahil ayokong maramdaman mo pa ang yakap kong lumuluwag na.
Ayokong matikman mo ang halik kong mapait at ang kamay ko na kapag kumapit sayo, hindi na kagaya ng dati na mahigpit.
Maibabalik ko pa nga ba ang lahat? O lilisan na lamang ako dahil alam ko naman na hindi ako karapatdapat sa'yo. Alam ko na may ibang nag aabang ng pagmamahal mo.
Hindi kagaya kong, sinasayang ang mga pangako mo at pangako ko sa'yo.
Ayaw ko nang marinig ka na lumuluha tuwing gabi.
Ayaw ko nang makita ang mga peke mong ngiti.
Ayaw ko nang marinig na sinasabi mong ayos ka lang kahit hindi naman talaga.
Dahil kitang kita ko sa mga mata mo, durog na durog ka na.
At ayaw ko na ring maging makasarili, ayaw ko nang makaramdam ka ng hapdi.
Oo masasaktan ka kapag iniwan kita. Pero mas ayoko na paniwalain ka sa mga bagay na 'HINDI NA'.
Kaya huwag mo nang lunurin ang sarili mo sa luha.
Huwag mo akong iyakan dahil sinasabi ko sayo, hindi ako kawalan.
At Hindi ako karapatdapat sa iyong pagmamahal.Yayakapin kita sa huling sandali
Babanggitin ang mga salitang matagal kong itinabi.
Hahawakan ko ang kamay mo at muli kong tititigan ang nagmumugtong mata mo.
Paalam, hindi ako karapatdapat sa pagmamahal mo.
Gusto kong malaman mo, hindi ko pagsisisihan ang bagay na ito dahil magiging masaya at panatag ako na alam kong may darating na taong hinding hindi sasayangin ang pagmamahal na ibibigay mo.
BINABASA MO ANG
Spoken Words
PoetryPara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.