Chapter 6

28 1 0
                                    

Sephia's POV

Magkikita kami ngayon ni Mateo, I mean, mamaya. 'Di ko na napigilan yung sarili ko nung sabihin niyang gusto niyang makipagkita, nagsabi agad ako nang "bukas" which is today. I can't think of any day na makita siya but today, kasi bukas nasa 3Day Retreat ako, at sa mga susunod na araw alam kong magiging sobrang busy na ako. Though I know na kaya naman kitang isingit sa busy kong schedule, inisip ko rin na okay na yung ngayon kasi baka magbago pa isip mo, baka bigla ka kasing mawala ulit.

"Habz, mamaya ha." Mateo, pls. lang, wag mo na akong tawaging 'Habz' kasi 'di ko alam kung maititikom ko pa 'tong bibig ko.

"Sige. Chat nalang kita mamaya. May seminar pa ako."

Nasa seminar nga ako, pero yung utak ko naman nasa alapaap. Ano kayang sasabihin ko sa kanya pag nagkita na kami? Ako ba unang magsasalita? Kakamustahin ko ba siya o hindi na? Nakakabaliw mag-isip.

"Habz, wait lang ah. Nagtext kasi si Luiza, magkita raw kami." Sh*t! Excited na ako Mateo!!!

"Ganun ba? Sige, okay lang." Waaa! Hindi okay Mateo. Ang sad naman. Akala ko makakasama ulit kita kahit alam ko namang tungkol sa kanya (Luiza) ang pag-uusapan natin.

"Feeling ko ito na yun e. Gusto niyang magkita kami, mag-usap daw kami ng personal. Sorry talaga ah."

OA na kung OA, pero para akong dinurog. Ang sakit. Syempre, ano bang magagawa ko? Ano bang sasabihin ko? Girlfriend niya yun e, kailangan siya, sino ba naman ako? Dakilang EX na nang-iwan sa kanya. Syempre uunahin niya si Luiza.

"Baliw. Okay lang. Malay mo yan na yung time para magkausap kayo nang maayos. Pero kung hindi matuloy, chat mo lang ako."

Gosh! Do I look so desperate? Hahah! Medyo hindi kasi sila okay ni Luiza, may problema sila. Hindi niya naman makwento nang maayos sa chat kaya gusto niya ring makipagkita. Alam kong medyo bad move itong ginagawa naming dalawa, kasi mag ex kami, tapos magkikita kami e may girlfriend siya. Pero iniisip ko rin namang, kung wala naman kaming gagawing ikakapahamak ng isa't-isa, why not? Wala naman sigurong masamang magkita kami? Wala nga ba? Ewan! Nasosobrahan na ang pagtatanong ko sa sarili ko.

---

"Girl, tapos na. Ano? Dyan ka lang?"

Shocks! Tapos na yung seminar, nyare?

"Hay naku! Excited much? Di ka na nakinig dyan."

"Hindi nga kami tuloy e."

"Huh? Bakit daw?"

"Magkikita raw sila ni Luiza e. Nagtext daw sa kanya."

"Ayy. Baka ginugood time ka lang niyan ni Mateo."

"Baliw. Malay mo naman totoo."

"Malay mo rin hindi."

"Excited pa naman ako."

"Baka may reason bakit hindi kayo magkikita ngayon, baka ayaw pa ni God."

"Nako, wag mo ngang dinadamay si God dito. Loka."

"Hahah! Di hindi na. Tara? Mall?"

"Mabuti pa nga. Para hindi na rin ako masyadong mag-isip."

"Oo, para hindi mo maisip na pinaasa ka niya lang."

"Loka!"

Ginood time nga lang ba niya ako? Baka naman wala talaga siyang balak makipagkita sa akin. Baka wala naman talaga siyang balak na siputin ako. Malay ko ba kung may galit pa rin siya sa akin. Pero paano naman kung gusto niya rin talagang makipagkita? Kaso talagang nagkataong makikipagkita rin sa kanya si Luiza? Ugh! Bakit ba ganto? I'm trying to comfort myself sa mga what-ifs. Pero mabuti na rin 'to, para less pain.

1 new message

"Hindi kami tuloy." Ano ba Mateo? Ang gulu-gulo mo. Ginugulo mo isipan ko.

"Ahh." Sige, Sephia. Kunwari walang keber, pero baka isipin din niya galit ka. Dugtungan mo.
"Bakit daw? Nangyari?"

"Ewan ko dun. Next time na lang daw. Ano? Tuloy tayo?"

"Ikaw?"
"Ikaw bahala." Kasi Mateo ako okay na okay sakin, ikaw lang inaantay ko.

"Sige. Maliligo lang ako. 5: 30 ha? Antayin nalang kita dun."

"Okay." Ano ba naman 'tong reply ko? Ewan ko ba bakit parang nawala yung excitement. Baka mamaya mag chat na naman siyang magkikita sila. Nako, ititigil ko na talaga 'to.

"Guys, tuloy kami."

"Now na?"

"Mamaya pa."

"Sige. Hatid ka namin, patingin kay Mateo."

"Please, wag na guys."

"Grabe siya. Ang damot."

"Nahihiya ako. Baka sabihin nun chinika ko pa siya. Pretty please?"

"Pretty please ka dyan? Please lang."

"Grabe ka!"

---

Okay ba itsura ko? Okay ba 'tong Potterhead tshirt na suot ko? Gosh! Parang walang pinagbago pormahan ko ha. Dali, jeep dalian mo. Andun na raw siya sa meeting place namin.

"Good luck, Sephia Louise!"

"Thanks guys! Uwi na ha? Wag na sumunod."    

HulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon