"Lycheeeeee !! ikaw talagang bata ka ! bumaba ka nga muna dito!"
arrrrrrrrrgh anu nanaman ba kasi ?!
kahit na labag sa kalooban ko at tamad na tamad akong bumangon, bumaba pa rin ako dahil baka mag ala dragon na naman si Mommy, yung tipong bumubuga ng apoy pero imbis na apoy.. isang mahabang sermon nanaman ang abutin ko. -_-
pagkababang pagkababa ko palang...
"hoy Lychee wala ka bang balak kumain ? kanina ka pa cellphone ng cellphone. Anu bang pinaggagagawa mo at pati ang pagkain ng lunch kinakakimutan mo na ?"
Eh ? lunch na pala... grabe di ko naman kasi namalayan eh.
Napakamot ulo nalang ako.
"Nag e-fb po"
"Fb? anu naman yun?"
"Mom! seriously?! hindi nyo alam ang fb?"
"hinde, hindi nalang. Sa tingin mo magtatanong ako kung alam ko kung anu yon?"
Marunong mangbara pero hindi alam ang facebook, anu kaya yun?
(-_-)?
Wait !! kanina pa ako daldal ng daldal dito hindi nyo pa pala ako kilala. My name is Lychee Leifruit. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa pangalan ko, ok na sana yung Lychee eh, pero yung apelyido ko.......... geez...... hindi naman masyadong mahilig sina mommy at Daddy sa mga Fruits. Akalain nyo yun pati apelyido hindi rin nakaligtas enebenemenyen... pero wag kayo, andaming naku cute-an sa pangalan ko kahit minsan hindi ko alam kung inuuto nalang nila ako -_- kaka 16 ko lang din. Nag aaral sa *********** Academy. Nag iisang anak lang ako kaya wala ako karamay sa pangalan ko, siguro kung may kapatid ako pang prutas din ang pangalan >_<
Wala si Daddy dahil nasa trabaho pa sya, ako naman walang pasok Sabado kasi kaya kami lang ni Mommy ang naandito sa bahay.
Matapos kong hugasan yung mga pinggan, agad na rin ako tumaas sa kwarto ko.
Tinanggal ko na ang pagkakacharge ng cp ko 43% palang ang naicharge, ayoko naman gamitin ang cp ko habang nagchacharge, may nabasa kasi akong article na bawal daw gamitin ang cp pag nagchacharge at dahil likas akong matatakutin sinunod ko naman dahil baka mamaya sumabog ang cp ko at ang masama pa masabugan ang kamay ko >_< naiimagine ko palang natatakot na ako !
Agad kong in-ON ang data connection para madali na akong makaconnect sa Free Fb ng globe. Anu ba yan lalong bibilis malow bat ang cp k0 nyan pero matagal pa naman siguro maubos ang 43%.
Binuksan ko na agad ang Fb at isang Profile lang sadya kong pinuntahan....... ang profile ng aking long time crush na si Leo Smith oh wait ! let me rephrase that, hindi na pala crush lang *inhale exhale* love na pala ! . oha ! walang sinabi ang apelyido ko sa apelyido nya, ang sosyal naman kasi ng dating lalo na yung full name nya !! pangalan palang ang gwapo na >_<
Kung maitutulad ko sya sa isang artista isa lang ang pumapasok sa isip ko kamuka nya si Sehun ng EXO!! oo ganun sya kagwapo at makakaglag panty, kaya nga hindi na ko nagtataka kung marami ang nagkakagusto sa kanya and I'm one of them, hindi ko na ikakaila nuh.. sino ba naman ang hindi magkakagusto sa Gwapo, Matalino, Gentleman, Mabait, Mahilig sa sports etc.. lahat ng gugustuhin mo sa isang lalaki nasa kanya na, tinalo pa ang Prince Charming! Full package na kung tutuusin. 4 years ko na syang nagiging kaklase 4th year na kami at sa apat na taon na yon bilang ko lang sa daliri ko ang times na nag uusap kame . Saklap lang dre! . Halimbawa na lang kung may itatanong sya tungkol sa assignments, projects and requirements. Yun lang !! at pagkatapos ng tanong na yun.. waley na ulit! nga nga na ulit ang peg ko >_<. At eto pa ang masaklap lagi kaming magkalayo ng upuan kaya ni minsan wala akong chance na makatabi sya! Ganun kamalas ang aking love life hanggang sa grumaduate siguro ako ng HS. -_-
BINABASA MO ANG
Group Chat (One Shot)
Short Storyanu nga ba ang magiging role ng Group Chat sa love story nina Lychee at Leo? May happy ending kayang magaganap ?? gusto mong malaman ?? eh di go !! basahin mo ^^