05

83 2 0
                                    

[LUHAN]

"Bae Yeon Jung!!!!!" sigaw ng teacher namin.

"A!! Ano ba!!!!??? YeonJi nga!!!! Y-E-O-N-J-I!!! YeonJi!!" sagot ni Yeonji. Ano bang ginagawa nito? Bakit niya sinasagot ng ganoon yung teacher namin? Tinignan ko siya at nakita kong natutulog na naman. Hay nako.....

"Miss Bae! Gumising ka na diyan!" sigaw ng teacher namin sabay hagis ng pambura ng board. At sapul namang tinamaan si Yeonji.

"Ano ba!!!?!?! masakit yun ah!!!!" sigaw ni YeonJi kay Miss Kim. Biglang nanlaki ang mga mata niya nang makita niya si Miss Kim sa harap niya.

"Bilang parusa, hahayaan ko ang mga kaklase mo na magsulat sa board ng kahit ano at pagkatapos ay bubuharin mo pagkatapos ng klase." sabi ni Miss Kim.

"Opo.... sorry po....." sagot ni Yeonji. Ano ba yan!!! mukhang hindi ata kami makakauwi ng maaga ngayon. May practice pa naman kami ngayon. Teka ngayon ko lang napansin wala pa pala si Jong in kanina kasama lang namin siya e. Asan na kaya iyon?

(BAAAM!!!!) Malakas na pagkasara ng pinto. Late na naman si Jong in.

"hoy, bakit ngayon ka lang?" tanong ko.

"Nakatulog kasi ako dun sa rooftop." sagot niya.

"Mr. Kim Jongin!!!! Ano ba sa tingin mo ang klase ko?? Diba first day palang sinabi ko na ayaw na ayaw ko ang late sa klase ko. Mr. Kim samahan mo si Ms. Bae sa pagbubura ng board pagkatapos ng klase. Maliwanag ba? " daldal ni Miss Kim.

"Opo...." sagot niya

Tumingin si Jong in kay YeonJi bago umupo sa tabi nito at sabay napangiti . Tinignan ko kung bakit at hindi ko napigilan ang tawa ko.

"HAHAHAHAHAHAHA" tawa ko ng malakas. Napatingin sa akin ang lahat pati na rin si Miss Kim.

"Mr. Luhan! May nakakatawa ba?!?" tanong ni Miss Kim.

"Wala po....." nakangiti kong sinabi.

"Ganun ba? Sige samahan mo na din si Ms. Bae!!!! Mga kabataan talaga ngayon sobrang pasaway!!!!!" daldal ni Miss Kim.

Hindi ko talaga mapigilan yung tawa ko e. Pagtingin ko kasi kay Yeonji ay meron itong namuong laway sa mukha.

"Pagkatapos niyong gawin ang pinapagawa ko, maaari na kayong makauwi." sabi ni Miss Kim sa aming tatlo bago siya umalis.

Nagbubura na si YeonJi ng board habang nakaupo lang kaming dalawa dito at pinapakinggan ang Time Control ng EXO. Ito kasi yung pinapractice namin ngayon.

Si Jong in nga pala ang nagtuturo sa amin ng mga sayaw. Siya din ang leader ng 3-D.

Sabay sabay na kaming lumaki. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya wala kasi akong kapatid e. Pero meron akong matalik na kaibigan sa China, si Wu Yi Fan o maskilala bilang Kris. Magkaibigan kasi ang pamilya namin.

At isa pa pala habulin ng mga babae si Jong In, parang ako!!!! Pero sa dami ng babaeng naghahabol sa kanya, isa lang talaga ang nasa puso niya..... si...........

"Baby Jong In!!!! Kumain ka na ba??? Eto o, may dala akong pagkain para sa inyong tatlo. YeonJi!!! halika kain ka muna." pagyaya ni Tae Hee.

"Okay lang ako..... !!!! Wag mo na lang ako pakielaman!!!!! Nakita mong nagbubura ako dito e!!!! Wala kasi akong mga kaibigan na lalaki e!!!" galit at nagpaparinig na sinabi ni Yeonji.

"Hahahaha, e nadamay lang naman kami sa'yo e. Sa'yo naman talaga unang inutos yan! Tsaka masmalakas ka pa sa'kin!!!!! hahahaha" pang-aasar ko sa kanya.

"Jong In, say aaahhh....." utos ni Tae Hee at balak niyang subuan si Jong In.

"Ibaba mo na lang dyan." sabi ni jong in.

Back Away from Her! (엑소)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon