Prologue

1.8K 29 3
                                    

Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon.
Ang tanging alam ko lang ay tumakas ako sa aming kaharian.

Bigla namang may humawak sa kamay ko dahilan para mapatingin ako dito.

"Sumama ka sa akin." Sabi nung lalaking humawak saakin.

"Saan mo ako dadalhin?"

Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lamang siya sa paglalakad.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad nang may narinig kami na putok ng baril.

"Shhh."Pinatahimik niya ako at pumasok na kami sa isang kuweba.

Pagdating namin sa dulo ay isang nakakasilaw na ilaw ang bumalot sa aming paligid.

Unti-unting nawala iyon at isang punong malaki ang bumungad sa harapan namin.

Umupo kami sa ugat ng puno at nagpahinga.

"Anong pangalan mo?"tanong niya.

"Shannon."

"Ako nga pala si Kairo."Iniabot niya saakin ang kamay niya at natutuwang tinanggap ko ito.

"Hindi ka dapat paligoy-ligoy dito."Seryoso niyang sabi.

"Bakit?"

"Ikaw ang prinsesa ng Kahariang Sinclair diba?"Tanong niya.

"Paano mo alam?"

"Iyang kuwintas mo."Nakaturo ang hintuturo niya sa kuwintas na suot ko.

Tinignan ko ang kuwintas na gawa sa ginto at may simbolo sa gitna na kulay pula na buwan.

"Bakit ka tumakas sa inyong kaharian?"Tanong niya.

"Hindi ko alam."

Bigla kaming napatayo nang may narinig nanaman kaming putok ng baril.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Huwag kang mag-alala.Ako ang bahala sa'yo."

Dumating na ang mga lalaking may hawak na baril.

"Kairo...Pinadali mo ang paghahanap namin sa Prinsesa ng Kahariang Sinclair."Nakangising sabi ng lalaki.

Humigpit ang pagkakahawak saakin ni Kairo nang sabihin iyon ng lalaki.

Tinignan ako ni Kairo na para bang binabalak niyang tumakas kami sa mga lalaking ito.
Ngunit bigla naman kaming hinarangan ng dalawang lalaki.

Ngumisi ang lalaking may hawak na baril at tinutok ito saakin.

"Patay man o buhay,babayaran pa rin nila ako ng malaking halaga."

Humigpit ang hawak ng lalaki sa baril at binabalak na niyang hilain ang trigger ng baril.

Napapikit ako at napahawak sa aking tainga nang bigla niya itong hinila.
Tumalsik ang dugo sa aking pisngi.

Iminulat ko ang aking mata at nakita si Kairo na nakayakap saakin.Imbes na ako, ay siya ang nabaril.

Mabilis kong iminulat ang aking mga mata.
Nagising ako nang hingal na hingal at pawis na pawis.

"Panaginip lang pala."Bulong ko sa sarili.

Who are you?

"Kairo..."

***

This story might have a lot of typo and grammar errors.So read at your own risk.

My Amnesia Princess
Written by Kachizuke

All Rights Reserved.Copyright © 2017

My Amnesia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon