================================"Ate paki kuha nga ng Bola Jan Sa Ilalim ng mesa"
"aba Bat dimo kuhain kita mo namang Naglilinis ako eh !, Para saan pa at Nabiyayaan ka ng kamay at paa ha?!" Sigaw ko sa kanya
Aba Baka akala nya susundin ko Utos nya Hindi porque maganda ako
Este masipag ako Susundin kona sya"Tsk Oo na eto na ako na kukuha" sabi nya
Naramdaman ko naman ang kanyang presensya sa aking Harapan at agad kinuha ang kanyang mahiwagang bola
"Ganda mo eh sarap ibato"bulong nya
Na halatang pinarinig talaga sakinNang babatuhin kona sana sya ng Walis Tambo Agad syang tumakbo papuntang kusina
"mama oh si ate papaluin ako " Sabi nya Sabay yakap Kay mama Aba paawa epek ampupu
" Gabby!! Ano nanamang sinusumbong sakin ng kapatid mo" asik ni mudra sakin agad naman akong napangiwi
"Ma naman Ginagawa mong baby yan kaya lumalaking batugan eh." Sabay irap " at isa pa Ma Gab nalang okay Nagmumukha akong lalaki sa gabby eh" sabi ko sabay Walk out
Jusko sa ganda Kong to Gabby?!!! Haler
So eto na nga Di pa pala ako nagpapakilala *ehem*
Guys lemme introduce my self
My name is Gabriela Garcia , 18 years old my motto "Wise enough to forgive, and strong enough to move on."At wait ang kapatid ko pala ay si Max Garcia 15 years old and especially my One and only Mother Rosa Garcia 40 years old
Syempre Ako Ang Pinakamaganda sa balat ng-
*tok*tok*tok*
Jusko Bahala sila buksan nila ya-
"Gabriela buksan mo nga may ginagawa ako !?" Sigaw ng aking pinakamamahal na ina
Ano pa nga ba tumayo Na ako at lumapit sa pintuan nang nabuksan kona ito Tumambad sa akin Ang umiiyak na babae
Agad itong yumakap sakin ng mahigpit juskoooo
" Jessa Di ako Makahinga leche ka" Sabi ko
Agad naman syang lumayo sa akin At Umiyak ulit ng umiyak
"Jessa ano bang nangyari ha?! ' sabi ko sa kanya ngunit Mas lalo lang syang umiyak at Parang batang Naglumpasay sa sahig
*PAK*
*PAK*" A-aray naman Ang sakit nun ah!? " sabi nya sabay Tingin ng masama sakin habang umiiyak.
Jusmiyo. Sinampal ko lang naman sya ng Hard sa kanyang magkabilang pisnge hahaha
"Ano ba kasing nangyare Inday At iyak ka ng iyak " sabi ko
"Eh k-kasi Si J-jekoy pinapunta ako sa Plaza S-sabi nya may S-sasabihin daw sya sakin *hik* ako naman si tanga pumunta *hik* akala ko kasi may surpresa sya S-sakin *hik* Tapos pag dating ko dun Nakita Ko sila Ni Mae Na naghahalikan *hik* " sabi nya sabay iyak ng hard Alam nyo yung iyak ng baby ?
Jusko !Syempre dahil maganda este mabait na bestfriend ako niyakap ko sya bago pa sya maglumpasay ulit .
" Be Pangit ba ako *hik* Bakit nya Ako pinagpalit sa Malanding yun *hik*" sabi nya
"Unang una sa lahat Wag mong isiping panget ka.. kasi kami nang bahala mag-isip nyan sayo.pangalawa Alam mo namang Daig ng Malandi Ang Katulad mong pangit" sabi ko sabay tawa ng hard
agad nya naman syang bumitaw sa yakapan namin at kinotongan ako .
"Grabe iniinsulto mo naman ang kagandahan ko nyan eh " sabi nya
"Wow Mas maganda pa din ako sayo" taas noong sabi ko
"Anong konek Ha? Edi ikaw na maganda Oh sayo na tong Korona" sabi nya sabay Kunwaring lagay sa ulo ko ng korona
Jusko. Kinuha ko agad yung walis tambo para ibalik sa lalagyanan nito
"Jessa Sama ka sakin sa mall ah " sabi ko
"Sige para makalimutan ko naman sya kahit papa ano"sabi nya
"Sige Maliligo muna ako at ayusin mo nga yang itsura mo Ayaw ko ng may kasamang mukhang basahan " sabi ko Sabay tawa "Jan ka lang Okay Wag ka ng umiyak Isusupalpal ko Sayo tong walis tambong hawak ko" sabi ko Sabay takbo papuntang kwarto ko Syempre nilagay ko muna etong walis tambo sa lalagyanan nya
================================
Pag ka tapos kong Maligo agad akong nagbihis. nag pants ako at white vneck sinuot ko din yung vans shoes ko para Bumagay oh diba bonggaaaaa
Pagkatapos Kong mag suklay At mag pulbo Bumaba agad ako Nakita ko naman si jessa na kausap si max Na nagtatawanan Agad akong lumapit at hinatak si jessa papalapit sakin tinignan naman ako ni max ng masama.
"Ano ba yan may dumating na papansin ,piling maganda " sabi ng gwapo Kong kapatid Sabay sipol at Tumingin tingin sa paligid
"Ano ba yan may Nagsalitang bugnutin" sabi ko agad naman syang napatingin sakin
"Ang baho naman ng hininga ng Nagsalita grabe Nakatambay pa din sa matangos Kong ilong " sabi nya na kunwaring nasusuka
Aba.
"Hoy FYI nag tu toothbrush ako At walang sira ang mga ngipin ko" sabi ko sabay pakita ng Ngipin ko up and down " di katulad mo na Bugnutin mabaho,mapanget,lahat lahat na nasayo" Sabay irap sa kanya
"Oh bat natamaan ka . ikaw ba sinasabihan ko Hindi ba pwedeng si ate jessa muna " sabi nya sabay tingin Kay jessa
"hoy bat nasali ako Jan ang bango bango ko eh " sabi nya with matching Amoy Amoy sa sarili
"Leche max Wala kang pasalubong sakin!! Maaaaa aalis po kami kasama ko si jessa " sigaw ko
Bigla nalang may humawak sa kamay ko at nakita ko si max na nakangiti Yung ngiting nakaka inlove Jusko Kapatid Baka main love ako sayo nyan Charot .
"Ate Sorry na Ang ganda ganda mo at ang bango pa. pasalubong ko ate ah labyu " sabi nya Sabay takbo pa akyat
Aba loko yun ah
Nakita ko naman si mama na papalapit samin"Anak San kayo pupunta?" Sabi ni mama
"Sa Mall ma mag hahanap ng pogi este ng bagong damit" sabi ko
"Ah sige eto 500 pandagdag eto namang 300 Pangkain nyo at 200 pamasahe mag iingat kayo " sabi ni mama Sabay abot ng pera
"Salamat mudra O sya Baka Gabihin na kami iloveyou ma ba bye" sabi ko Sabay hatak kay jessa
-----------------------------------------------------------
A/N
guys chill Sure akong Mag eenjoy kayo sa kwentong ito .)Kaya dont forget to Vomment (vote/comment)
BINABASA MO ANG
My Desperada Queen 👑
Teen FictionMy desperada queen "Haters will always hate no matter how good you are, so be yourself and do whatever you wanna do, life is so short, you only live once."