Meet me myself and I. Mia llaine Ferra. 14 years old and 3 year high school here in Heal's University. Well hindi naman ako maarte, paeffect lang talaga para sa pa kilala portion. Makulit kaya ako. Haha.
"Anak kakain na bumaba ka na dyan.'
"Yes ma magbibihis lang po ako!"
November na bukas kaya magkakaron Halloween party sa school. Nakakaexcite Lang kase first time Kong pupunta sa Halloween party ng school namin. Nung mga last years ko kase dito di masyadong masaya kase mga urong sa galaan mga friends ko. Well buti nalang ngayon mga kalog at gala na mga friends ko. Ewan,basta 3 year ang pinaka favorite kong experience ngayong high school. Aaminin Kong Ito din yung pinaka mahirap na part kase ang daming projects, activities ,and assignments . Di pa Don kasama yung mga performances na nakakaewan. Kahit kase kabaduyan di maiwasan,makapasa Lang.
Pagkatapos Kong magbihis bumaba na ko at kumain at pumasok na ng school. Nalakad Lang ako kase sayang pamasahe. Kuripot ako e. Haha.
Pagkadating ko ng school, omy nanjan na agad si mam. Akala ko pa naman absent sya ngayon. Hays.. patay na ko nito!
Dumeretso ako sa pinto ng room
"Good morning mam sorry I'm late"
Tiningnan ako ni mam na parang dismayado. Well anu pa nga ba? Nakakahiya naman kase na yung rank 1 nya ay palaging late. Yah! Pano nga ba ko nagiging rank 1? Haha.
Pinapasok parin ako ni mam at tinuloy nya ang discussion nya. Sa buong oras ng klase mula umaga hanggang hapon syempre nakinig ako ,ako pa! Nung nag uwian na hinintay ko muna mga friends ko. Syempre natural na yata yun. Out of place ka kase at borrimg pag walang kasabay pauwi kaya dapat palagi kang may mga kasamang kaibigan.
"Oy mia sama ka mamaya sa capitol ah. Mag carnaval tayo"sabi ni Jamaica.
Isa sya sa mga friends ko. Mabait naman sya maganda . Daig nga ako e. Haha. Kaso taken na puso nya Kay Joven. Nakakainggit nga e.
"Ah eh may mga kasama na ko mamaya e. Bukas nalang. sa inyo ako sasama promise"
"Ay sige ingat ka nalang",
hmmmf.. bakit ganon parang biglang gusto Kong sa kanila sumama. May Kung ano Kong naramdaman na Hindi ko maexpline... Kung anu man yun ewan ko!
"Maica!!" Sigaw ko.. medyo malayo na kase sila e.
" oh bakit?"
" sige sama nalang pala ko sa inyo. Text nyo ko ah."
Nagbago isip ko, ewan ko kung bakit. Basta somethings telling me na sumama sa kanila. Di ko talaga maexplaine e. Hayss. Bahala na!
-------
'Ganda may nagtext. Ganda may nagtext'
Oha! Haha.. ganyan talaga ringtone ng magaganda..
Tiningnan ko kung sinong nag text. Baka sila maica na. Nakabihis nadin kase ko hinihintay nalang sila.Si maica nga..
From: Maica pot
"Uy nandito na kami sa labas ng bahay nyo. Aba bilis naman!"
Excited much naman talaga to eh no. Kahit kailan ang bossy nya. Abnormal din e. Kahit ang ganda nya pa iba iba lagi ng mood. Kaibigan ko ba talaga yan?
Well nagpaalam na din ako kay mama at lumabas na.
Habang nakasakay kami sa trycicle may kakaiba kong nararamdaman. Bakit kaya ganon. Ang bilis ng tibok na puso ko. Pero parang masaya at excited. Anu bang meron? May sakit na yata ako bigla bigla nalang akong nagkakaganito.
Mga ilang minuto lang nasa carnaval na kami. Nagpunta muna kaming color game. Hihi. Pabayaan nyo na kami eto lang naman alam kong sugal e. Hindi kaya ko marunong ng kahit anung sugal eto lang talaga. Kase pag yung tatlong cubes tumama yung color na tinayaan mo, kung ilan yung tinaya mo ganun din yung magiging panalo mo. Hehe.
Nung unang nilaglag yung tatlong cubes ..yess!! Dalawang white wohoooo!!panalo ako e. Haha ang saya!!sila maica natatalo naman. Kaya nagyayaya na sila. Pero okay na din yun baka matalo pa ko e.
" sayang yung 30 ko dun. Dalawang sakayan pa yun ng Ferris wheel e.'-sabi ni paps . Sya nga pala ang tatay tatayan ko.. pero ang totoong pangalan nya ay Aaron Jay Paneca.
" haha. Malas ka kase paps"
Tumawa pa ko pagkatapos Kong sabihin yun." palibhasa nanalo ang loka! " singit naman ni maica
" eiii!!sampalin kits Jan e. Haha. Joke Lang." Sabi naman ni Diane. Si Diane Sella.
Dami Kong friends no? Haha. Mga barkada kase kami. Madami kami pero di ko nalang iisa isahin baka malito kayo e.
Nagyaya muna si barney(A.N/ ang totoong name nya ay Cris Manque. yan lang talaga tawag nila sa kanya. Medyo silahis pero ayaw aminin haha.)
kumain daw muna kami.Siguro nagtataka kayo kung bakit barney no? well malaki kase sya tsaka mataba Kaya yon ang tawag namin sa kanya. Haha.
Naglakad kami dun sa may tindahan ng mga burger. May mga fries din at foot long. Pero bakit ganun, habang papalapit kami dun may kakaiba akong nararamdaman.
Mas lalong lumala yung nararamdaman ko kanina nung papunta palang kami dito. Pero kahit na ang bilis ng tibok ng puso ko nakakaramdam parin ako na parang sobrang saya nya. Hindi ko maexplain yung saya na nararamdan ng puso ko. Hindi na to normal. Abnormal na tong puso ko. Shetness! Whats happening to me?! Hindi ko mapigilan na maging ganito. Hays.
Nung nandun na kami nag order kami .syempre ang inorder ko ay foot long para nakakabusog. Malaki pa!
Habang hinihintay namin yung order namin uupo sana muna ko sa may bench sa gilid ng stall. Kaso na out of balance naman ako .
.
.
.
.
.
'Booooooooogsh'...
Awww.. ang sakit! Nakaka inis ang stupid ko..may nabangga pa tuloy ako kaya parehas kaming natumba! pero shet talaga!yung pwet ko pa unang tumama sa sahig. Aaahck! Sobrang sakit talaga.
Tatayo na sana ako kaso nakita ko yung nabangga kong natumba din .
Ahhhmm. Bakit ganon? Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Parang tumigil yung paligid. Biglang tumahimik , yung mga mata nya nakatingin lang sakin at ganun din ako sa kanya. Yung puso ko parang sasabog na . Gusto na yata nyang lumabas at magtatalon. ngayon ko lang naramdaman to. Kahit kailan hindi pa nangyari to sa buong buhay ko. Ang ka abnormalan ng puso ko . Itong nararamdaman ko.
Kahit ang tagal ko na syang kilala ngayon ko lang to naramdaman sa kaniya. Ngayon ko nalang ulit sya nakita. Namiss ko sya. Totoong namiss ko nga talaga sya.
hindi ako makapaniwala na makikita ko ulit sya. Nakita ko sya. Nakita ko ulit sya.
"M-marky?"
------
A/N.
Hello readers! Waaaahh!! Sobrang naiinspired akong isulat tong story na to. Sorry guys kung maraming mali. Dito ko lang kase sa phone ko sinusulat. Sana magustuhan nyo first time ko kase to e. Please vote ang comment pang pa inspired lang na ituloy taong story.. Hihi. Byee for now.
BINABASA MO ANG
Great Love OH AH?
Teen FictionThis is a story inspired by me. Haha. Ayoko munang sabihin yung plot para surprise.:)