Demon P.O.V
Papunta ako ngayon sa garden ng academy. May dalawang klase ng mga garden dito.
Una ang magnificent garden dito matatagpuan ang mga dwarf na nag aalaga ng mga halaman at paru-paru dito.
Ang pangalawa ay ang Royal garden ang nagpupunta lang dito ay ang mga royalty lamang yung may dugong maharlika at pinagaalagan ito ng mga dwarf at mga fairy para pananatilihin ang mga magagandang bulaklak at mga paru-paru dito. At wala pang isang white user ang lumalabas na hindi galosan dito. Pag ikaw ay hindi royalty aatakehin ka ng mga fairies dito.
Dahil curious ako sa royal garden pupuntahan ko ito.
-->>ROYAL GARDEN<<--
Yan ang nakasulat sa taas ng gate at nakaukit ito sa mga diamond. Kaya pumasok na ako at ang masasabi ko lang ang ganda dito. Maganda pa ito kaysa sa magnificent garden. May fountain ito sa gitna tapos may maliliit na fairy ang lumilipad at may dwarf na gumugupit ng dahon sa gilid ang kyut nila.
Bigla ako umilag ng may naramdaman ako na papalapit sa akin. At shit malapit na yun. Isang energy ball ang dapat tatama sa akin pero umilag ako.
Tinigan ko ang nag bato nun. Isang fairy ang nagbato nun at gumawa pa siya ng energy ball. Oh fuck kaya pala lumalabas ang mga normal na white wizards na galusan dahil inaatake sila sa mga fairies dito.
"Sino ka? at paano ka nakapasok dito?" tiningnan ko ang nagsalita at isang fairy na may korona ang nagsalita.
"Ako si demon at makapasok ako dito dahil sa gate ako dumaan" duh! alangan naman akyatin ko ang bakod kung may gate naman.
"Alam na----wait what?! Paano mo ako naiintindihan? eh hindi ka naman isang royalty " Paano nga ba uhmmmm..
Nagkibit balikat lang ako bilang sagot. Eh hindi ko alam eh.
"Kung hindi ka royalty paano mo kami naiintindihan eh normal na white wizard ka lang, oh di kaya may kakayahan ka lang makipagusap sa mga fairies"
"Baka nga. Pero sandali lang sino ba kayo "
Umupo ako sa isang bench dito malapit sa akin.
"Ako nga pala si princess lyra ako ang prinsesa dito sa kaharian ng fairy kingdom" at itinuro niya ang isang maliit na kingdom na di kalayuan dito sa kinauupuan ko.
"Nice to meet you princess" sabay bow ko nito.
"Ano pala ang ginagawa mo dito " -princess lyra
"Nandito ako para mag pa hangin sana pero hindi ko inakala na ito pala ang mahahantungan ko" isang fresh air lang naman ang gusto ko hindi energy ball.
"Sorry sa inasal namin kanina. Hindi na kasi kami mag papasok ng normal na white wizards dito dahil ang iba ay sinisira nila ang mga halaman dito. Pinaglalaruan ang mga ibang fairies at dwarf kaya hindi na kami pagpapasok pa ng iba dito maliban sa mga royalty at pati ikaw dahil naiintindihan mo kami" tumango lang ako sa sinabi niya.
"Sige una na ako mag gagabi na rin kailangan ko pa bumalik sa dorm ko"
"Paalam balik ka dito bukas!" kumakalat pa sila habang sinasabi yun.
"Oo na basta wala ng energy ball pag balik ko ha!" Baka makapiklat ako dahil iba ang energy ball nila.
"Oo promise wala ng energy ball"
Kumaway lang ako at lumabas na ng Royalty Garden.
Nandito ako ngayon sa may hallway ng may narinig akong ingay galing sa dorm ko. Baka nandito na ang mga kadorm mate ko.
Binuksan ko na ang pintuan at holyshit anong ginagawa nila dito. Ang mga princesa at principe nandito sa dorm ko.
"Uhhmmm " naiilang ako parang may nabara sa lalamunan ko.
"Hi demon ikaw ba ang bagong kadorm mate namin!" so sila ang kadorm mate ko. Tumango lang ako bilang sagot.
"Uhmm boys pwede na kayo lumabas" paglalabas ni aira sa kanila. Kilala ko na silang lahat at hindi naman kasi ako madali makalimot.
"Ow ok sige bukas nalang sunduin namin kayong lahat sige bye" at lumabas na ang mga lalaki. Nag 'goodbye' nga si mikko nung lumabas sila at si nathan may pagkain pa sa bunganga tsss.
"Matulog na ako" at pumunta na ako sa kwarto ko para matulog.
Diana P.O.V
Hi I'm Princess Diana Ashleen Rose Amethys Nakahara or Dara nalang para maikli.
Nandito kaming lahat sa sala ng dorm namin mga babae at nandito din ang mga lalaki. Kung ano ano nga ang pinag gagawa.
Si lissana nanonood ng t.v. Si aira nag aagawan ng pagkain kay nathan, mga PG talaga tong dalawang to.
Si troy at drake nagbabasa ng libro si mikko naglalaro ng cellphone si janice nag nabasa ng wattpad para ngang baliw bigla na lang hinahampas si mikko at lissana kapag kinikilig. At ako ito pinagmamasdan lang sila.
Pero namimiss ko din ang kambal ko. Nawala kasi to nung mga baby palang kami kinuha kadi siya ng isang traydor na maid namin. Nung nahuli namin ang maid wala na sa kanya ang kakambal ko iniwan niya ito sa gubat pero puta ang laki kaya ng gubat na iyon kailangan pa namin hanapin ito ng isang taon para mahanap siya.
Nabigla ako ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si demon na ang cold at walang emosyon ang mukha na parang gulat siya na nandito kaming lahat. Hindi pa ba niya alam na kami ang kadorm mate niya. Sabagay wala naman kami dito kahapon.
"Uhhmmm" parang gusto niya basagin ang katahimikan dito. Tiningnan ko silang lahat.
"Hi demon ikaw ba ang bagong kadorm mate namin" pagbati ni janice tss. Siya ang childesh sa aming lahat dito.
At tumango lang si demon bilang sagot.
"Uhmm boys pwede na kayo lumabas" pinalabas na ni aira ang mga lalaki dahil parang hindi comfortable si demon na nadito sila.
"Ow ok sige bukas nalang sunduin namin kayong lahat sige bye" at lumabas na silang lahat.
Nag 'goodbye' nga si mikko nung lumabas sila at si nathan may pagkain pa sa bunganga tsss. hindi man lang nahiya ang loko.
"Matulog na ako" sabi ni demon at saka siya pumunta sa kwarto niya .
"Hayy kailan kaya kami magiging friends?" Parang tanga na sabi ni lissana. Kasi naman humawak pa sa baba at parang nag iisip eh wala namang isip. hahahaha joke lang matalino naman si lissana pero kaunti lang hahahaha.
"Sige tulog na rin ako at kayo din may klase pa bukas. Hoy janice tama na ang pagbabasa ng wattpad baka maging zombie ka na man gaya ng dati" nag pout lang siya haha. Kaya kanya kanya na sila punta sa kwarto nila atska ako na rin.
EMPREXXINE
BINABASA MO ANG
--»»White Academy««--
FantasiIsang babae na ang gusto lang sa buhay ay isang normal na buhay kasama ang mahal niya sa buhay. Kaya lang nawala ito ng dumating ang mga dark wizards kaya . . . . . . . . . . . . Samahan niyo sya sa kanyang paglalakbay sa paghanap ng kanyang pamily...