Chapter 6

694 22 1
                                    


C h a p t e r S i x

Para yayakap ka sakin

~ * * ~

Mag-isa akong nag-aalmusal sa kitchen nang magdatingan ang 1hundred Days team. Nakataas pa naman ang isa kong paa sa lamesa. Nakita kong napanganga ang ibang staffs pagkakita sa walang poise kong posisyon.

Umayos ako ng upo at uminom ng gatas.

"Good morning, Kangji!" bati ni Direk BS. "Nasaan si Rem?"

"Tulog pa po, eh."

"Direk, paano yan hindi natin naabutang natutulog si Kangji? Papaartehin nalang natin siyang natutulog?" tanong ni Jaime, isang associate producer.

Tinitigan ako ni Direk. Uh-oh, naalala ko kagabi nanghingi siya ng pahintulot na pumasok sa kwarto namin this morning para sa filming. May filming! Shucks, nakalimutan ko.

"Kahit di na. Simulan nalang natin dito mismo."

"Huh?" Si Sunny.

"Pwede naman, eh. Tawagin mo na lahat ng staffs at sabihing dito natin sisimulan ang filming sa kusina sa araw na ito."

Tumango si Jaime at umalis para tawagin ang ibang staffs sa living area.

"Direk, sorry po. Nalimutan kong vi-video-han nyo ako nang tulog hanggang sa magising."

"No, it's OK. After you finish your meal, pumunta ka sa garden para mag-exercise. But that's not the main point. May makikita kang bagay doon."

"Ano po yun?"

"You'll see." Ngumiti siya. Of course, hindi niya sasabihin sa akin. She would let me find it out myself para hindi scripted ang magiging reaksyon ko.

After kong hugasan ang pinagkainan ko, dumiretso na ako sa garden with the cameras following me. Nag-i-stretching ako habang papunta doon.

I shrieked nang may makita akong bike. Nakasandal ito sa may gate. Tumakbo ako para lapitan ito.

"Try Me" ang nakasulat sa papel na nakasabit sa manibela.

"Parang product lang ah," sabi ko.

Pumasok ako sa loob ng bahay. Again, with the cameras following me.

Kinatok ko ng tatlong beses ang pinto ng kwarto ni Rem. Mukhang tulog pa siya dahil ni kaluskos wala akong marinig.

"Hindi naman siguro nakahubad si Rem kung matulog?" tanong ko sa sarili. At hindi ako aware na napalakas ang pagkakasabi ko dahilan para marinig ng iba.

May narinig akong mahinang tawa sa likod. Hindi ko nalang pinansin.

Binuksan ko ang pinto at sumilip sa loob. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakasando at sweatpants si Rem. Ang sarap ng tulog niya. Maraming unan ang nakapalibot sa kanya.

Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto at tuluyang pumasok sa loob ng silid. Lumapit ako kay Rem at naupo sa kama.

"Rem, gising ka." Tinapik tapik ko ang pisngi niya.

"Hmmm."

"Rem! Gising ka nga!" Pinisil ko ang pisngi niya.

Dinilat niya ang mga mata niya. Sandali akong natulala habang pinagmamasdan ang mukha niya. Ang magaganda niyang mga mata ay pupungay pungay habang tinititigan ako.

"Ano ba yun? Istorbo ka naman, eh. Ganda ganda na ng panaginip ko." Muli siyang pumikit tapos nagulat ako dahil bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko.

Be Mine Or Make Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon