Sunrise

O N E

*Kringgggggggggg*

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Bumalikwas ako sa higaan at tinignan kung anong oras na

3:00 am

Bumangon na ko at dumiretso sa cr. Nang matapos na kong maligo nag bihis na ko at nag ayos.

Thea hwang, ang pangalan ko. Mag isa nalang ako sa buhay. Wala na yung mga magulang ko, lumisan na sila. Bata palang ako, namatay na sila sa aksidente non. Di ko na-experience na makasama ko ng matagal ang magulang ko.

Yung auntie ko nalang nag alaga sakin, nang umalis sya sa bansa, binigay nya sakin ang bahay nya. Wala naman syang asawa at anak kaya ako nalang ang makinabang since nasa tamang edad na daw ako, Sa ibang bansa sya mag tratrabaho muna.

Umalis na ko ng bahay ng matapos na kong mag almusal.

Nag lakad ako papunta sa dagat, aabangan ko ang sunrise. Ganito na ang ginagawa ko noon pa, bago ako pumasok pumupunta ako sa dagat para tignan ang pasikat na araw.

Maya maya nakarating na ko sa sea side. Umupo ako sa buhangin. Lumiliwanag na rin ang paligid.

Kaya ko 'to ginagawa dati, kasi ginagawa namin 'to dati ng boyfriend ko. Inaabangan namin sumikat ang araw bago kami pumasok sa eskwelahan.

Ang sabi nya sakin, simula pag sikat ng araw gagawa kami ng masayang ala-ala.

Pero ngayon ako nalang mag isang gumagawa neto. Dahil wala na sya. Iniwan nya kong... mag isa.



Pumunta ako ng ospital. Kanina pa
ko kinakabahan, inatake nanaman daw kasi sya ng sakit.

Nang makarating ako sa ospital, pinuntahan ko agad sya sa room nya. Nadatnan kong natutulog sya sa hospital bed.

Umupo naman ako sa side nya. May sakit ang boyfriend ko, leukemia.
Di ako naniniwala na bilang na ang araw nya dito sa mundo.

"Bakit andito ka? Dapat nasa school ka pa" hinang sabi nya

"Nag skip ako, yun ang totoo. Ginawa ko yon para puntahan ka dito, kanina pa ko di makapakali nang malaman kong andito ka sa ospital" pag sasabi ko ng totoo

Saamin kasi, bawal ang mag sinungaling saming dalawa.

"Dapat di mo ginawa yon" sabi nya

"Zian, gusto ko lang naman na puntahan ka dito" sabi ko, hinawakan nya ang kamay ko

"Thea... tandaan mo, kahit alam kong darating ang oras na mamamatay ako, mahal parin kita. Di man natin matutupad ang mga pangarap natin sa isa't isa... sana kapag nawala ako may darating sayo"

"Yung para sayo talaga.  Im sorry, hindi ako yung taong para sayo habang buhay" sabi nya. Tumulo ang luha ko sa mga sinabi nya.

"Hindi, makakasama pa kita. Wag kang mag salita ng ganyan" sabi ko

"Diba sisimulan natin ang magandang ala ala pag sikat ng araw?"

Ngumiti sya

"Yung tamang makakasama mo sa pag gawa ng masasayang ala-ala, alam kong darating sya sa buhay mo"

Sunod sunod na tumulo ang luha ko, pero pinunasan naman niya yon.

"Sana dumating din ang taong magpupunas ng luha mo"



SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon