Strike I

41 4 0
                                    

Amanda's POV

Nanginginig ang mga tuhod ko sa kaba at takot.

Napakabilis ng takbo ng heartbeat ko.

Wala akong ibang pinakikinggan, nakafocus lang ako sa bagay na kailangan kong kunin sa ngayon.

Deresto lang ang pagtakbo ko, walang hinto. Bata pa lamang ako ay tinuruan na ako ng mga kasama ko sa First Quest kung paano tumakbo ng malakas.

Dapat ka lang focus sa bagay kung bakit ka tumatakbo.

Ang journal ko!

Binunot ko ang buong lakas ko upang habulin ang bweset na lalaking may hawak ng notebook ko.

Sa huli, naabot ko rin ang dalawang braso niya. Napahinto siya. Hinahingal kami pareho.

Ngunit ako, tinitingnan ko siya ng masama habang siya, tawang tawa.

"Wow," Sabi niya habang hinihingal at nakayukong tumatawa. Namamangha ang boses niya. "Para ka namang hayop kung tumakbo Kamandang!"

Mabilis ko namang inagaw ang journal ko mula sa malalaking kamay niya.

"Pakealamerong unggoy!"
Sigaw ko at tinulak ko siya.

Nakakainis naman, akala ko hindi ko na siya mahahabol. Kung hindi, baka malalaman niya lahat ng sekreto ko. Bweset! Ayokong mawasak lahat ng kung anong meron ako ngayon ng dahil sa lalaking ito!

"Turuan mo naman akong tumakbo ng ganun Kamandang!"
Hindi ko siya pinansin.

Nagdesesyon akong pabayaan siya at lumakad nalang.
Ang panget tuloy ang araw ko!

"Kaman-" Deretso kong tinaboy ang kamay niya mula sa balikat ko. Sinusundan pala ako ng unggoy na to.

"Tigilan mo nga ako sa kaka-Kamandang mo," Binilisan ko ang lakad ko. "Amanda! Amanda ang pangalan ko. Wag mo gawing panget ang pangalan ko lalu't hindi naman ikaw ang nagbinyag sakin."
Ang ganda-ganda ng pangalan ko, Amanda Candace Meyer. Ilang taon kong pinag-isipan ang pangalang yun pati na ang bagong identity ko.

"Ayoko ng Amanda," Sabi niya at ginaya ang lakad ko. Kailangan kong bumalik sa school dahil kakatapos lang ng lunch. Ang haba haba ng tinakbo ko na halos nakalabas ng ako ng campus.

Kung hindi lang dahil sa Journal at sa schoolmate kong pasaway. Hindi ko talaga papatulan ang trip nito.

"Sumama kanalang kasi," Sabi niya sakin ulit. "Sa gang namin diba? Kailangan namin ang katulad mo dun."

Huminto ako at hinarap siya saka tinulak. Napangiti na naman siya.

"Hindi ako interasado sa bulok niyong gang. Ayokong sumali sa mga tulad niyong pasaway at basagulero."
Sabi ko sakanya ng deretso.
Nauna na siyang lumakad ngayon.

"Of course, you take your time," Sabi niya at inayos ang bag niyang nakaangkas lang sa isang braso niya. Nakatingin ako ngayon sa polo shirt niya. May nakita akong band aid.

Nahuli niya naman akong nakatingin sa sugat kaya agad niyang inayos ang damit niya.

"Anong tinitingnan mo?" Nakangising tanong niya. "Ang hot ko no?"

Inirapan ko siya at patuloy lang sa paglalakad. Ngayon, naging takbo na ang bawat hakbang ko.

Hanggang sa papunta na ako sa building ng classroom namin ay hindi na siya nagsalita pero alam kong sinusundan niya pa rin ako.

Bago ako pumasok sa classroom, dahil hiwaly kami ng klase pareho, sinigaw niya ang pangalan ko.

Amanda.

Beautiful ManslayerWhere stories live. Discover now