IIWMBBF 1.

45 2 0
                                    

Bago ang lahat gusto ko lang magpakilala sa inyong lahat, ako si CHERIZZA MAE ARCHE. Isa akong half mabait, half demonyita, at pure maldita. Ano? papalag kapa?hahahajk! Mabait naman ako, kaso konti lang hihi. Mapili ako sa lalaki, like duh. Okay, wampae. Maarte na kung maarte wala kayong pake. No more drama's, simulan na naten ang storya na tho.

------------------------------------------------------

CHAPTER 1.

"izza!! gumising kana dyan bago kapa mahuli sa klase!!" sabi ni mommy.

Yes, Izza ang nickname ko duh. Now back to the story. Hays ano ba naman yan, tinatamad pa akong pumasok.

"izza anak!! ano ba?! nilamon kana ba ng kama mo?!" sabi ni mommy.

"opo mommy babangon na! eto na nga po oh!" sabi ko. Grabeeeee tinatamad pa tlga ako, supeh dupeh. Kaso baka magwala yung dragon este si mommy kaya agad na akong pumunta sa bathroom upang maligo, alangan naman pumunta ako sa c.r dba?.

Eto yung unang araw ko sa Arche Academy, oo ang paaralan na pinapasukan ko ay pagmamay-ari ng aking magulang. Kaya isa ako sa mga kinakatakutan sa school dahil ako ay ang tinaguriang MALDITAKWIN.

Cherizza's POV.

Oo may pov na ako, so what? ako naman bida dito kaya wag kayong maging kontra bida baka sampalin ko peys nyo. Hahajk onleh lablabmwah!

Pagkatapos kong mag-ayos sa sarili ko ay tinignan ko ang oras, at ako ay nagmadali ng umalis dahil konting oras na lang ay malelate na ako sa klase kaya kumaripas na agad ako ng takbo. Aba syempre kahit anak ako ng may-ari dapat matuto akong sumunod hahahajk! syempre wala akong pake kahit malate ako, haynako! baka tanggalan ko pa sila ng trabaho eh!

pagbaba ko ay bigla akong pinaupo ni mommy sa lamesa upang kumain ngunit tumanggi ako.

"mommy, papasok na po ako. bye mommy, iloveyou *sabay halik sa pisngi*"

"kumain ka muna anak baka magutom ka sa school nyan, sige ka sasakit tyan mo at di ka makakapag-isip ng maayos" sabi ni mommy.

"mommy, sa school nalang po ako kakain para 'di po ako mahuli sa unang araw hihi. Please mommy!! *puppy eyes* (kahit ang totoo ay wala akong gana kumain dahil sa boybestfriendko)"

Oo, tama kayo ng nabasa. Dahil sa boybestfriend ko na pinakamamahal ko. Sino ba naman di masasaktan? ako mahal ko sya higit pa sa kaibigan samantalang sya hanggang kaibigan lang tingin nya saken. Ang saklap noh? sana mamatay na nga yung nililigawan niya eh hahaha. Andito naman ako, naghanap pa siya ng panget. Oh? aangal kayo?! hahahakbye.

"sge na nga,mag-iingat ka sa school anak. At yung promise mo ah? kumain ka sa school.*sabay yakap saken hihi*"

Buti pa si mommy, mahal na mahal ako noh? Siya kaya? kelan ako mamahalin? Haha ayoko na magdrama.

-----------------------------------------------------------

a/n: pakiabangan nalang po yung susunod na chapter, so keep on supporting and voting hihiaylabyu guys mwaaah!.

I'm Inlove With My Bestfriend.Where stories live. Discover now