D'Vlad 14

1.6K 62 5
                                    

Draven's POV

Nakaupo kami ni Astrid na nakatingin sa dagat habang dumadampi ang malamig at kalmadong simoy ng hangin. Hindi ko namalayang nakatulog na pala siya. Babagsak na sana ang ulo niya sa lupa mabuti nalang nasalo ko kaagad at pinatong sa balikat ko. Tinitigan ko ang mukha niya. Napakaganda ng babaeng 'to! Tss! Di ko mapigilan ang sarili ko kaya pinisil ko yung ilong niya wala namang masama don sa ginawa ko di ba? Tulog na rin naman siya.

Hayyst! Napasapo nalang ako sa mukha ng bigla kong maisip kung anong mga ginagawa ko.

Bakit ba nagkakaganito ako dahil sa babaeng to?! Bwesit! Ang dami ko pang kailangan problemahin sa kapatiran! Pero heto ako ngayon! Nag-aaksaya ng oras kakaupo dito at tumingin sa dagat! Hayyyst! Kung sa bagay mas okay na ang ganito walang masyado iniisip, nakakapagrelax ka sa ilalim ng buwan.... Kung tao lang sana ako hindi ko sana poproblemahin ang mga bagay na tungkol sa kapatiran. Tss! Kaya lang wala na akong magagawa. Ito ang tadhana ko Pinili ko tong takbuhan pero hinahabol parin ako. Ngayon ako na mismo ang babalik at tatanggapin kung anuman ang nakatadhana sakin. Isa pa ang responsilibilidad ko bilang prinsepe hindi ko pweding iwanan yun. Sa huli ako at si Cerberus nalang ang mga bampirang nagmula sa Royal Family obligasyon naming pangalagaan ang buong lahi.

Alas-onse na kaya napagdisesyonan ko ng umuwi. Kinarga ko si Astrid sa likod ko since tulog na tulog na talga siya.

Pag-uwi ko ng bahay sinalubong agad ako ng tatlo ng masamang tingin. Pinahiga ko na si Astrid sa kwarto niya wala na rin naman kasing pag-asang magising pa yun.

"Saan kayo galing Draven! Alam mo bang nag-alala kami ng husto kay Astrid?!" Galit na tanong ni Kharis sakin habang magkasalubong ang kilay at nakacrossarms.

"Kalma lang, namasyal lang kami" sagot ko.

"Alam mo bang pinagluto pa namin si Astrid kahit hindi kami marunog magluto! Tapos hindi rin pala niya makakain kasi tinanan mo siya!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Amaia habang nagpapout. Tss! Ayan na naman siya sa pagiging bata niya! Sabagay bata naman talaga siya bago siya naging bampira.

"Hayyyst! Kakainin niya naman yan bukas"
Sabi ko sa kanila sabay talikod at umakyat na sa kwarto ko.

*****************

Binuksan ko amg pinto ng kwarto ko at tulad ng dati humiga agad ako sa kama ko at humilata na parang bata. Tanaw ko ang kalangitan, ang kislap ng mga bituin at ang liwanag ng buwan. Kitang kita ko yun dahil transparent ang kisami ng kwarto ko.

I lifted my hand and acted as if I'm reaching the moon.

'It will be a long fight' sabi ko sa sarili ko. Ang lumaban para sa mga kalahi ko? Hindi maiiwasang makapatay ako ng tao na pinangako sa isang kaibigan na hindi ko na gagawin. Haaayyst! I guess I can't really fulfill that promise.

'Sorry' bulong ko sa sarili ko.

Sigurado akong malulungkot siya pero? Siguro naman maiintindihan niya.

*******************

Astrid's POV

Minulat ko ang mga mata ko sa isang silid.

Nakita ko sina mama at papa. Malabo lang pero sila talaga. Ngumiti sila sakin.

"Mama? Papa? Kayo na ba talaga yan?" Tanong ko sa kanila pero hindi sila sumasagot ngumiti lang sila sakin.
Niyakap nila ako ng mahigpit, ang mainit at mahigpit na yakap na ilang taon ko nang hindi mararamdaman. Napaluha ako sa sobrang tuwa.

Habang nakayakap ako sa kanila nakita ko si Hunter sa harap ko nakatalikod sina mama at papa sa kaniya kaya hindi nila siya nakita, kinagat ni Hunter ang sarili niyang kamay saka tumulo ang napakaraming dugo. Nabuo ang mga dugong yun at naging espada, nakita ko ang paglabas ng pangil ni Hunter at ang pagbabago ng kulay mga mata niya.

D'Vlad: THE VAMPIRE & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon