Chapter 1: This is How it Started

351 10 0
                                    

Chapter 1: This is How it Started


Ysabelle's POV

Nakaupo ako sa isang bench sa park. Tinitignan ko ang mga batang naglalaro habang masayang masaya. Biglang may bumalik na alaala sa aking memorya. Hays.

~FLASHBACK~

"Ate Yya let's play please!" pangungulit ko sa ate ko.

"Okay, we will play!" sabi niya at napayakap ako sa kanya.

Even 3 minutes lang ang tanda ko sa kanya I used to call her ate. Nasanay na ako. And that's what mom and dad taught me.

Naglaro kami ng bahay-bahayan na kabibili pa lang ni mommy sa amin. That's was my favorite. I'm enjoyed playing it.

Nasa park kami ngayon ni ate Yya kasama ang mga yaya namin. Kasi our mom and dad don't allowed us going outside without our yaya's because we're only 5 yearsold. It's weekend, so we're free on playing our toys. We're in Nursery. Next year we will be going to be Kinder 2. That's exciting!

"Ate Yya, I'm hungry. Let's eat first"

"Okay, we will" sabi niya at ngumiti.

Tumayo na kaming dalawa at kinuha ang bahay-bahayan sa may grass carpet. Dala dala ko iyun. Medyo hindi naman gaano malaki.

"Yaya! We are going to eat!" sabi ko kay yaya Antonette.

She gave us egg sandwich and juice. Pagkatapos niyang iabot sa amin yun ay kinain na namin. Pinalitan niya rin ang mga basahan namin sa likod. Pagkabalik niya sa upuan ay nakipagkwentuhan na sa kaibigan niyang yaya din.

Ang alaga naman nun ay si Wraight. Kasama namin siyang maglaro minsan and siya yung bestfriend namin ni ate Yya.

"Ubusin niyo na yan. Pagkatapos niyan ay uuwi na tayo. Mag gagabi na at may family dinner pa daw kayo" sabi ni  yaya Antonette

"Yes po" sabi namin in chorus

Naglaro kami ng naglaro. Napagod kami at bumalik ulit sa inuupuan ni yaya. Uminom kami ng tubig para makalma kami.

"Wraight! Psst!" Tawag ni ate Yya

"Bakit?" Tanong naman ni Wraight. Magkakaklase kami at magkapit bahay pa.

"Punta ka sa bahay mamaya" sabi ni Ate.

"Why?" Tanong niya ulit.

"Play." Sabi ni ate Yya

"Okay" sabi naman ni Wraight.

Alam kong crush ni ate yun. Di naman kasi maitatanggi ang kagwapuhan ni Wraight! Maputi at kulay asul ang mga mata. Pero wala akong nararamdan na kahit ano sa kanya.

"Twins, tara na at uuwi na tayo. Magbibihis pa kayo para sa family dinner niyo" sabi ni yaya.

Agad naman kaming sumunod ni ata Yya kay yaya papasok ng kotse.

Pagdating namin ng bahay ay agad na kaming pinalitan ng magandang damit ni yaya. Parehong pareho kami ni ate Yya. Minsan ay napagpapalit kami ng pangalan.

The Twins BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon