Nang mailabas mo na lahat ng gusto mong sabihin hindi na ako nagulat.
Hindi nalang ako kumibo at hinayaan ko nalang na ako'y maiyak.
Sabi ko nuon, paghahandaan ko itong iiwan mo na ako.
Paghahandaan ko dahil ramdam ko nang unti unting nawawala ang pagmamahal mo.
Pero dahil sa lubos akong nagmamahal sa'yo, pinilit kong pangatawanan ang pagpapakatanga ko.
Pinilit kong ngumiti kahit hindi totoo. Sinasabi kong ayos lang ako kahit nasasaktan ako.
At oo, hiniling ko na sana makita mo sa mga mata kong, durog na durog ako.
Kasi nakakadurog naman talaga.
Na yung taong minamahal ko ng lubos pabitaw na pala.
At bumitaw ka nga.
Niyakap mo ako sa huling sandali at ramdam na ramdam ko ang luwag nito.
Binanggit mo ang mga salitang matagal mong itinabi.
At tuluyan mo na akong isinantabi.Sinabi mo na huwag kitang iiyakan dahil hindi ka kawalan?
Tangina, mag papanggap pa ba ako ulit na hindi ako nasasaktan?
Tatawanan kita sa iyong paglisan?
Oo sabihin na nating hindi ka nga kawalan.
Ngunit yung puso ko, nananatiling sugatan.
Mas madami pa yung sugat kaysa sa mga iniwan mong dahilan.Hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayanin.
Ang galing no? Sinanay mo ako na kahit kasama kita parang wala ka sa tabi ko.
Nilunod mo ako sa mga kasinungalingan na baka bukas mamahalin mo ulit ako.
Baka bukas, masisilayan kong muli ang dating ngiti mo.
Ang dating titig mo.
Ang dating mahigpit mong yakap.
At ang dating tayo na lubos na nangarap.
Ngunit lahat ng iyon ay naglaho.
Pinili mong umalis dahil ayaw mo na akong paniwalain at masaktan.
Binitawan mo ako at sinabi mong hindi ka karapatdapat sa aking pagmamahal. Mali ka.
Karapatdapat ka naman,
Hindi mo lang pinangatawanan.---------
A/N: Ito po yung sagot dun sa "Hindi ako karapatdapat sa'yo" =)
Kahugot suportahan niyo ko. ❤ Patuloy kayong magbasa. Maraming Salamat!
BINABASA MO ANG
Spoken Words
PoesiaPara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.