Chapter 1

110 1 1
                                    

Ashley's POV

"Ashley, one true love's kiss and this spell will stop." Sabi ni Xavier na hawak hawak ang pisngi ko.

Lumapit ang mukha niya sa mukha ko, from ten inches, to five, to three, to one. We're almost there. One single kiss and everything will change, pinikit ko yung mga mata ko at...

>>BOOOGGGSSSSHHHH!!!!<<

Nahulog ako sa higaan ko. Tsk panaginip lang pa. Akala ko totoo na eh.

Kinuha ko ang phone ko para magonline sa facebook. 1 friend request? Sino kaya to? Pagka open ko hindi pala friend request kundi isang friend na nag confirm sa request ko at ang taong ito ay walang iba kundi yung taong napapaginipan ko. Yes, he is Xavier Adams, isa sa mga heart throbs sa school namin.

"Waaaaahhhhh!!!!" Sigaw ko bigla dahil sa kilig na nadarama ko! "Oh my gash!"

"Anak! Anak! Anong nangyare?" Sigaw ni Papa Benjamin habang patungo sa kwarto ko, "Anak!" bigla niyang binuksan ang pintuan at...

>>BOOOOSSSSHHHHH<<

Binuhusan niya ako ng isang baldeng tubig.

"Pa naman!" Sigaw ko sa kanya.

"Eh anak akala ko may sunog" Pagpapaliwanag ni Papa. "Eh ano bang nangyare, bakit ka nagsisigaw diyan?"

"Eh pa! In-accept ni Xavier Adams yung friend request ko! Waaahhhh" humiga ako sa kama at nagpagulong gulong sa kilig.

"Eh nak, sino ba yang si Xavier Adams?" Tanong ni papa na bitbit parin yung balde.

"Siya yung isa sa mga heart throb ng school pa, at crush na crush yan ni Ashley." Sagot ni kuya James na bigla nalang sumulpot.

Umupo ako mula sa pagkakahiga tapos lumingon sa salamin.

"I am not preety," nilagay ko ang kanang kamay ko malapit sa pisngi ko, "I am not beautiful," at inikot ko naman ang kamay ko mula ulo hanggang sa kaliwang pisngi. "I am absolutely GORGEOUS!" Nagpose akong parang myra e model at nagpapalakpak.

"Magtigil ka na nga diyan Ash at baka ma late tayo sa klase." sabi ni kuya habang tumatawa at pumunta na sa kwarto niya para magbihis

"Eh pa, bakit ang bahong baho nitong tubig na tinapon mo sakin? Parang galing sa isang malansang isda na ewan." Sabi ko habang nakamukhang asim at pinipingot ang ilong na humarap kay papa.

"Benjamin! Natapon mo na ba yung ihi ko sa mga bulaklak ko?" Biglang sigaw ni lola mula sa baba.

Natigilan si papa at lumingon sa ibaba tapos sa akin. Si kuya ay rinig na rinig kong napapalakas ang tawa sa kabilang kwarto.

"PAAAAAA!!!!" Sigaw ko habang nagmamadaling pumunta sa banyo para maligo.

"Anak sorry akala ko tubig eh" sigaw ni papa sa labas ng banyo habang naliligo ako.

Nagsabon ako five times, nag shampoo rin five times, pagkatapos kong maligo ay nagbihis muna ako at kinuha yung kumot sa kama, punda ng unan, at linagyan ng maraming downy ang kama at unan ko.

This is how my day starts today.

By the way ako nga pala si Ashley not Ashley Tisdale but Ashley Martinez, 17 and certified crush si Xavier Adams, one of the hottest heart throb in our school. Ako nga pala ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa.

I Really Don't CareWhere stories live. Discover now