Chapter 2

45 0 0
                                    

Ashley's POV

Nandito ako ngayon sa library, nag-aantay matapos ang two hours vaccant ko. Nagbabasa lang ako ng book dito sa may New Arrived Books part sa library. Meron ditong Thrill, Romance, Comedy at iba pang klaseng librong gusto mong basahin. Nasa couch lang ako, mag isa lang at kinocontinue ko yung part na binabasa ko last friday.

"Pwede mo naman hiramin yan para matapos tapos mo nayang librong yan." Sabi ng isang lalakeng bigla nalang sumilpot sa harapan ko.

Paglingon ko si Kevin pala, si Kevin Stevens, isa sa mga cute nerds na nakilala ko, hindi siya matapobre kagaya ng iba. He's rich but still down to earth, grabe ang pagiging humble ng isang to. Pangsosyal ang name niya, pero hindi siya mapili sa mga taong kakaibiganin niya. Nakilala ko siya dito sa loob ng library, accidenteng nagkatabi kami at nabasa ko yung title ng book na binabasa niya, yung isang librong natapos ko ng mabasa. Dahil dun nag kwentuhan kami tungkol sa libro at nagpakilala sa isa't isa.

"Oi Kevin ikaw pala" sabi ko "kanina ka pa ba nandyan?"

"Hindi naman, mga two hours siguro. Hehehe" tumawa siya ng mahina, ang cute talaga nitong tumawa.

"Ikaw talaga puro ka kalokohan, bago lang nag open yung library kaya imposibleng two hour ka na nandito." Sabi ko nalang sa kanya.

"Eh ano ba yan?" Tanong niya

"Libro..." Poker face kong sagot sa kanya. At tumawa naman siya.

"Alam kong libro, what I mean is that ano ang nilalaman ng book na yan."

"Pages???" Nakataas pa ang isang kilay ko habang tinitignan siya.

Nakaface palm na siya, dahil sa mga sa pagpipilosopo ko.

"Hehehe, it's all about a soul who is always in someones body for a day." I explained.

"Yan ba yung book ni David Levithan?" Tanong niya, pumikitpikit pa siya para maalala kung anong title ng book, "yung everyday ang title?"

"Yes, you got it right." Pagsang-ayon ko sa kanya.

"Shhhhhhh" napalakas siguro yung boses ko kaya winarningan kami ng isang working student sa library.

"Hinaan mo kasi yung boses mo" sabi niya habang nakasmile.

"Ikaw kasi eh ang daldal mo." Pagbabalik ko sa kanya.

"By the way, do you remember Samantha?" Pag iiba niya bigla sa mahinang boses while naka smile pa.

"Samantha Williams?" Tanong ko naman sa mahinang boses.

"Yes she is." Sabi niya

"Yung crush mo before tayo nagkakilala?" Tanong ko nanaman na nakasmile na.

"Yes, she's the one. Kami na." Sabi niya na hanggang tenga ang ngiti.

"Oh my gosh!" Nashock talaga ako sa sinabi niya kaya napalakas na naman ang boses ko.

"Last warning and your IDs will be confiscated." Warning na naman ng working student.

"Lalabas nalang ako, baka makunan pa tayo ng ID dito. Hehehe" sabi ko sa mahinang boses.

I Really Don't CareWhere stories live. Discover now