Chapter 3

27 1 1
                                    

Ashley's POV

Nandito ako ngayon sa malaking lugar. Nakatali ang kamay habang naka upo. Pinapalibutan ng pinagpatongpatong na mga lumang sasakyan. Dalawang malaking ilaw lang ang nakakabukas na nakaharap sa direksyon ko. Kasama ko yung apat na lalakeng nagkidnap sakin, may hinihintay sila at hindi ko alam kung sino dahil hindi ko naman alam kung may nagawa ba akong kasalanan o may nakaaway ba ako.

Grabe ha, ang layo ng binyahe namin kanina, from school to hmmm, naku ewan ko kung nasaan ako ngayon. Nakatulog na nga ako dahil sa layo. Nagising nalang ako dahil nagdrive thru kami dahil nagugutom daw sila. Atleast mabait din silang kidnapper at binigyan nila ako ng isang manok at isang rice kaya kumain nalang ako, sayang naman noh.

Yung dalawa nag chechess ang isa naman may tinatawagan, yung isa hmmm naglalaro ng pineapple pen? Hahaha.

"Kuya," pagmamakaawa ko sa kidnapper na may tinatawagan kanina "pakawalan mo na po ako, sorry kung may nagawa po akong kasalanan sa inyo, bata pa po ako at may pangarap sa buhay. Ang pamilya ko po nag-aalala na siguro ngayon. Sige na po pakawalan niyo na po ako."

"Eh miss hindi naman ikaw yung may kasalanan. Yung boyfriend mo lang na apat na buwan ng hindi bumabayad sa utang niya sa boss namin." Pageexplain ng isang kidnapper na naglalaro ng chess kasama nung isa pa.

"Eh kuya wala naman akong boyfriend eh. NBSB po ako. Wala pa nga pong nagkakamaling ligawan ako." Naguguluhan kong sagot sa kanya, boyfriend daw? Sino?

"Pre, tama nga siya, pa'no siya magiging girlfriend ni Ryan kung ganyan ang hitsura niya? Mahinang tanong nung isa pero rinig na rinig kong may binanggit siyang Ryan.

"Ryan? Sinong Ryan?" Tanong ko naman sa kanilang dalawa.

"Sino pa nga ba edi yung boyfriend mo?" Sagot ng isang kidnapper sa tanong ko

Eh wala nga akong boyfriend? Sino nga ba yang Ryan na yan at bakit niya ba ako dinamay sa mga kalokohan niya?

"Eh sino nga bang Ryan? Ryan Agoncillo?" Hula ko.

"Hindi"

"Ryan Bang?"

"Hindi rin"

"Don't tell me it's Ryan Rems?"

"Ang dami mong sat sat tumahimik ka nga!" At nilagyan niya ng ducktape yung bibig ko at linagyan ngmaliit na sako ang ulo ko.

Of course umilagilag ako at accidentally ko pang natadyakan yung private part ng lalake dahilan para humaga siya sa sakit, buti nga sa kanya. Pero biglang hinawakan ng isang kidnapper yung pisngi ko.

"Pag'di ka tumigil papatayin ka namin" kaya tumigil ako at binitawan na niya yung mukha ko.

"Good" sabi niya ng tumigil ako. Char si kuya may pa english english pa, ang taray.

• • • • • • • •

Lumipas na ang ilang minuto pero hindi parin dumating yung lalakeng tinatawagan nila kanina.

"Pre dadating pa ba yun? Kaninang mga alas sinko pa tayo dito ah." Rinig kong sabi ng isa na nababagot na sa kahihintay.

"Oo, tinext ko kanina, tinanong ko kung dadating ba siya o papatayin nalang natin si miss Ashley" OMG? Ako? Papatayin? Pag ako mamamatay mumultuhin ko talagang Ryan na yan.

"Tapos? Anong sabi?" Nakikinig lang ako sa kanila.

"He's on his way na daw, kaninang thirty minutes pa nga yun nag txt eh." Oh my gosh tanga ni kuya kidnapper, ang layu layu kaya ng lugar na'to!

I Really Don't CareWhere stories live. Discover now