Sabay na nga kami ni Me-an umuwi. At dahil nga nasiraan siya ng sapatos eh nag-abang nalang kami ng tricycle paglabas namin ng school. Nag-capacity na nga kami eh! Wow! Sosyal lang noh! Ang yaman naman ata namin ngayon! Haha
Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko yung dalawa kong kapatid. Aba! Ang sasarap ng buhay nila! Sitting pretty habang nanunuod sa tv. Pero yung bahay, ang dumi-dumi at ang gulo-gulo!
Just imagine nalang yung bahay namin kung saan may mga nagkalat na papel, used na mga mugs at baso sa sofa, hindi natuping mga damit, at shoe prints sa sahig! Hindi na nga maganda yung bahay namin, nadadagdagan pa ng kapangitan!
Dire-diretso na ako sa kwarto ko. Agad na akong nagpalit ng pam-bahay tapos inumpisahan ko nang maglinis. Wala talaga akong maaasahan sa mga kapatid ko! Ang tatamad nila!
“ikaw lang talaga ang hinihintay naming magligpit ng mga yan YAYA!” nakatawang sabi nung ate ko habang pinapanuod lang ako habang nagwawalis.
“Oo nga YAYA! Ang tagal tagal mong dumating! Bilisan mo jan at maghugas ka pa ng mga pinggan!” sabi naman nung isa ko pang kapatid!
“ang fifeeling niyo! Ako? YAYA?! Sa ganda kong to?! Alila ako?”
“oo kaya! Bagay mo! Ikaw lang naman ang mukhang alipin sa atin diba!”
“oo nga! Kutis mo palang halatang hindi ka na kabilang sa Royal Blood!” at sabay ulit silang lumagapak sa tawa!
Hindi ko nalang sila pinansin! Nakitawa nalang din ako! Alam mu yung tipong sanay na sa mga panlalait! Ganun ako! Walang pikunan samin! Ang pikon, TALO! Kaya kahit na anong sabihin ng mga kapatid ko sakin, nakikitawa nalang din ako! Kumbaga just for fun lang lahat!
Ganun kasi kaming tatlo, tawanan lang lagi, minsan may away pero in the end, tinginan lang kami, tapos konting ngitian sa isat-isa, ok na. bati na ulit yung magkagalit sa amin. Wala talagang matagal na tampuhan sa amin.
Inaamin kong medyo iba talaga ako sa dalawa kong kapatid. Unang una na talaga yung kulay ko. Mapuputi kasi sila, samantalang ako di masyadong pinalad sa kaputian. Morena lang ako.
Pero tanggap ko na yun! Kontento narin naman ako sa kutis ko ngayon. Black beauty nga eh! Ehem! Mabuhay ang mga maiitim! MABUHAY!
Naiwan ni mama yung phone niya sa bahay. Parang ewan lang yun, magse-cellphone hindi niya naman ginagamit! Iniiwan niya lang sa bahay! Bat di niya nalang ibigay sakin diba? Atleast ako magagamit ko pa! diba?! Diba?! Agree?!
Kinuha ko yun tapos nagpalod ako sa tindahan.
Tinext ko mga classmates ko at mga masugid kong textmates! Aww! Dito ako adik eh! Sa textmates!
Nagreply agad si Odz na pamangkin ko.
Odz: girl, [di niya ako tinatawag na tita] nakita ko si Kuya Otan kanina! Shet! Ang gwapo niya talaga!
Ako:talaga? Saan?
Odz: sa school. Kasama niya yung mga classmates niya eh!
Ako: wow! Buti ka pa! haha
Adik talaga na Odz to! Pagdating kay Kuya Otan ang bilis ng mga mata eh!
Crush ko si Kuya Otan. Forth year highschool na siya. Sayang nga kasi ilang buwan ko nalang siya makikita sa school. Gagraduate na kasi siya soon. :(
Halata namang crush din ni Odz si Kuya Otan. ok lang, hindi ko naman siya itinuturing na karibal! Basta ako parin naunang magka-crush sa kanya!
Sabado….
BINABASA MO ANG
Ang Istorya ng DOS!
Teen Fictioneto ang apat na taong istorya ng DOS! mga nangyaring hindi naman inasahan. kwento ng pagkakaibigan at barkadahan. mga memories na kahit kailan ay hindi nakakasawang balik-balikan.