Imbes na tumigil ako sa pagtatakbo. Hindi na kailangan kasi mismong mundo ko parang tumigil na. Hindi ko maramadaman ang bawat paghakbang ko, kahit gaano kabilis yung takbo namin wala akong maramdaman na bilis. Pakiramdam ko tumigil talaga lahat!
I don't get him why did he ask me that thing? Bakit bigla niyang tinanong saakin 'yun? E wala namang connection iyon sa pagtatakbo namin. Simpleng tanong, halos mabaliw na ako. Justice where are you?!
Dapat bang sagutin ko siya? Dapat bang sabihin ko na 'Oo, kanina pa tumigil, magmula nang makasama kita.' o dapat bang manahimik nalang ako at magpanggap na walang narinig? Pero mas pipiliin ko naman manahimik kahit gustong gusto ko nang sumagot sakanya. Dahil natatakot ako, sobra, at hindi ko maintindihan kung bakit.
"Stay here," sabi ko na nagpatigil sa kanya. Ayaw ko, ayaw kong makita kami ng mga kaibigan namin na sabay pumasok dahil aasarin nanaman kami, wait baka ako lang? Ako lang naman ang may nararamdaman dito e.
"Alright. You go first," ramdam kong nagets niya yung gusto kong mangyari kaya sinabi niya iyon
Binitawan ko yung kamay, yung kamay niyang nakaintertwined saakin. Pumasok ako at buti nalang talaga wala pa si Sir Cumo pag pasok ko.
"Saan ka galing?" tanong ni Dria saakin pagkaupo ko sa tabi niya.
"Somewhere." walang ganang sinabi ko atsaka naglabas ng notebook.
Pagkalabas ko ng notebook ko ay saka naman ang pagpasok ni Ry. Dirediretso lang siyang naglakad papunta sa upuaan niya, as in wala man lang emosyon na makita sa mukha niya. Parang walang nangyari ah. Tss!
"Okay class, bring out a one whole sheet of paper," tuloy tuloy na sabi ni Sir Cumo pagkapasok niya sa class room "You'll have a long quiz." sagad naman 'tong teacher na 'to kadadating palang long quiz na agad ang bungad saamin.
Buti nalang talaga istrikto itong si Sir Cumo. Hindi ako natetempt na matulog kaya nagagawa kong makinig sakanya.
After the long quiz hindi na nag discuss si Sir Cumo dahil ilang minuto nalang time na. That's why he just discussed to us about our project for this first grading. After his class naisipan ko nang matulog kasi sagad na talaga yung antok ko.
"Mauna na kayo, pupunta lang ako sa library." paalam ko kila Jersey pagkatapos ng dalawang subject namin.
"Ano namang gagawin mo don?"
"May hahanapin lang ako"
"Baka kamo matutulog," singit ni Jalen habang nag aayos kami ng gamit.
"I'm not talking to you idiot!"
"Aw, my Faye is so harsh to me"
"Shut up. I'm not yours." sa gilid ng mga mata ko napansin kong napangisi si Ry sa sinabi ko. What's up?
Maglalakad na sana ako palabas ng room ng may naalala ako "Hey, you!" I pointed Jalen.
"Oh miss mo na agad ako?"
"No.And.Will.Never.Be." matigas na sabi ko sakanya.
Inilapit ko sakaya yung ulo ko, yung saktong bibig ko nasa tapat ng tenga niya"I just want to remind you na may kasalanan ka pa saakin." bulong kong may pagbabanta sakanya.
"Ah that? Kasalanan ba yun? I don't think so,"
"Oh really? So hindi rin siguro kasalanan pag sinabi ko sa mga barkada natin about that girl?"
"Ito naman di mabiro. Ano bang gusto mo?" Buti nalang talaga nakahanap agad ako ng pangblock mail ko sa lalaking ito. Sa pagiing asar ba naman saakin dapat talaga may pambawi din ako.
"Gusto ko ng maraming pagkain, dalihin mo sa library."
"I knew it," nagkamot siya ng ulo
"Hoy kayong dalawa anong pinag uusapan ninyo?!" biglang sumingit sa gitna namin Dria.
Napansin ko na nakatingin lang pala silang lahat saamin na parang naguguluhan sa pinagbublungan namin. "Nothing," walang ganang sagot ko bago nagmartsa palabas "Jalen, maraming marami ha!" pahabol na sigaw ko bago tuluyang umalis, narinig ko pa yung mga angal nila sa hindi pagsabi sa pinag usapan namin ni Jalen.
Pagkadating ko sa library kokonti lang ang mga estudyanteng nandito. I hate school, yes but when it comes to project or requirements ayaw ko sa lahat e yung nahuhuli at nagra-rush. Ayaw ko kasing napepressure, kaya heto ako ngayon sa library hinahanap na yung librong kakailanganin namin para sa project namin sa science.
Umupo ako sa pinakadulo para kung sakali mang dumating si Jalen dito ay hindi siya makaistorbo sa ibang students na nandito sa library. I know that idiot, walang lugar ang kaingayan nun.
I'm in the middle of copying the infos nang may bilang tumabi saakin "Oh you're here" ibinaba ko yung ballpen ko at isinara yung notebook ko "Ang taga--"
My jaw dropped when I saw the man sitting beside me. Why is he here?
"Jalen's too lazy to bring these foods, that's why." he said at nagkibit balikat
Tinignan ko siya sa mata kahit sobrang hirap. And I knew it! Simula ng maging kaibigan ko si Jalen nakilala ko na siya, he's so makulit and hard headed but once na blinock mail ko siya lahat ng iuutos ko susunudin niya.
"Alright. You got me," he said at nag iwas ng tingin saakin "Ayaw kong magkasama kayo na kayong dalawa lang..." he stopped "I don't want you with other man, kahit kaibigan ko pa 'yan."
My heart suddenly beat so fast. Ba't ganon? Ba't ganyan siya? Paano niya napapatibok ng sobrang bilis yung puso ng bigla bigla? Hindi ba siya marunnong magbigay ng warning? Damn you, Ry!
"Don't stare at me like that, Faye." sabi niya kahit hindi naman siya nakatingin saakin, how did he know? "That's dangerous."
Mukha akong lion na napaamo habang kumakain. Nakakainis naman kasi itong si Ry! Kung ano anong lumalabas sa bibig niya, magmula kaninag umaga hanggang ngayon. He's being really really really weird. He's giving me heart attack. Last week and, the past few days and yesterday hindi naman siya ganito, we're not close and we're not even talking... tapos ngayon bigla bigla nalang siya lumalapit saakin. Like shit, this is driving me crazy!
"Hindi ka pa ba uuwi?" pagbabasag ko sa katahimikan dahil sobrang nakakabingi na.
"How can I go home when you're not yet home?"
"G-grabe ka naman. Hindi naman na ako bata. T-tsaka kasabay ko naman sila Jersey e." shit nauutal nanaman ako.
"Nakauwi na sila," bigla akong napalingon sakanya sa sinabi niya "Kanina pa."
"B-bat di mo sinabi saakin?" sobrang nagsisi ako na lumingon ako sakanya dahil nakatitig siya saakin.
Tangina naman oh!
"Cause you're still doing you're project and I don't want you to rush that... Kung pwede naman kitang samahan."
Aangal pa sana ako pero umurong nanaman yung dila ko. And hindi ko rin siguro kakayaning makipagtalo sa kanya lalo't kung ano ano pa yung mga sinasabi niya.
Makalipas ang 15 minutes, kahit hindi pa kumpleto yung mga nakokopya ko sinabi ko nalang sakanya na tapos na ako. Atat na atat na talaga akong umuwi at ilabas lahat ng kilig. Gustong gusto ko ng sumigaw. Delikado na at baka mawala ako sa sarili ay mabisto pa ako na crush ko siya.
"I'll drive you home,"
"Oh o-okay"
Damn, konting tiis nalang Faye makakasigaw ka na!
BINABASA MO ANG
Thought of You
Novela JuvenilAkala ko kasi abot na kita. Akala ko kasi akin ka na. At ang pinakamasakait sa lahat ay akala ko kasi pareho na tayo ng nararamdaman, pero... Akala ko lang pala lahat. Hanggang kailan ba ako lalaban ng patago? Hanggang kailan ba ako aasa sa mga akal...