Chapter One: First Day

236 1 0
                                    

Alyssa's POV

-- 3rd year high school --

BEEP! BEEEEEEEEP!

Nako naman. Etong driver masyadong atat. Makapagbusina lang. Madali ng madali. Amp. Akala mo may date eh, o kaya natatae lang. Kumakain pa lang ako ng breakfast bigla ng dumating yung school service namin. So yun nga, sumakay ako ng service. HOMAYGAD. ANG GWAPO NUNG ISA KONG BAGONG KASERVICE. Hahahah. Ay joke lang pala, mukha palang bakla. >.<

Okay, ngiti ngiti na lang ako. Hello dito, diyan. At yun, hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Excited na kasi ako eh. At YES! Sa wakas, nandito na kami. Parteh hard.

"Alyssa!"

Lumingon ako, nakita ko si Jane, yung classmate na bestfriend ko nung elementary pa lang.

"Uy Jane! Long time no see!" tapos naghug kami. Echusera talaga.

"Alam mo ba, magkaklase kamo tayo. Tara na dun tayo sa room natin."

YES! WOHOOO. Buti naman at may kaklase ako dati na kaklase ko din ngayon. Teka, etong isa kong kaservice pala slash Sam, classmate ko rin pala. Wew. At least may kasabay akong papunta ng room.

Nakita ko si Janna, yung classmate kong valedictorian. Since grade 2 magkaklase kami.

"Jannaaaaa! Miss na miss na kita!"

"Miss na rin kita Lyssa!"

 "Tabi tabi tayo mamaya ah. Dun tayo sa may dulo. Goraaa."

"Uy Sam! tabi din tayo." tawag niya dun kay Sam.

Agad nagbell kaya pinapunta kami ng adviser namin sa gym. Introduction na naman? WTF. Magkakilala na kaming lahat dito tapos introduction? Grabe. Di bale, may bago daw kasing mga teachers.

Habang oras ng klase, yung mga teachers walang pinagawa samin. Next week na lang daw kami magkaklase. Yung mga bagong teachers naman ang hilig sa introduce yourself. Mukhang ewan. Terror pa adviser namin. Kabago-bago niya pa lang dito terror na siya. Amp.

"I'm Alyssa Rae Corpuz, 13." yan lang sinabi ko. Nakakatamad eh. Pinagtaliman ako nung mata ng adviser. Leshe talaga. Eh ano pa ba yung gusto niyang malaman? -_-

Wala akong magawa kaya nakinig na lang ako sa sinasabi ng iba kong mga kaklase. Yung iba di ko alam kung saang lupalup nanggaling. Transferee kasi yung iba. Tapos yung isa naman ang gwapo. Ayun, crush ko na. LOL crush agad eh nuh? Nagwapuhan lang. HAHAHAHA LANDI. 

Eto namang adviser na to, ang hilig sa introduction! WTF. Gagawa daw ng poem, eh ang pangit ng ginawa ko. Ayan! Pinatayo tuloy ako, nakakahiya. Ajuju. T.T Terror teacher + major subject, ang ganda ng pagwelcome back samin. Big whoa.

Nang maguwian na, sabay kaming lumabas ni Jane pero agad siyang umuwi kasi magkaiba kami ng service. Tapos nakita ako ni Sam.

"Uy tara. Hanapin natin si Nica."

"Oh tara sige. Pero teka, sino si Nica?" srsly hindi ko talaga kilala. Baka bagong kaservice.

"Yung kaservice natin. Jan siya sa kabilang elementary school lang siya oh." magkalapit lang kasi yung school ng high school at elementary.

"Oh ayan na pala siya eh." tinuro ni Sam sa may likod ko.

Pagkalingon ko, HOMAYGAD. Ang ganda niya ha. Siya na. Jennica Almaida name niya. Magpinsan pala sila ni Sam. Jusko baka matibo ako dito. Lol pero siyempre joke lang yun.

Habang nasa service wala kaming ginawa ni Sam kundi magkwentuhan at magchismax lang. Sinabi ko pa sa kanya crush ko, si Alex Miranda.

"Ohh? Crush ko din kamo yun. XD" Crush niya din pala yun. Ansabe naman nun? XD

"Wow kamusta naman yun. First day pa lang ng 3rd year natin. Hahaha"

Nagdaldalan lang kami hanggang makarating sa bahay.

"Sige bye Sam! Kitakits bukas. :D" sabay baba ng service.

The Lost Relationship --- Ch.24Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon