My Bestfriend's Love

4.9K 127 70
                                    

‎"My Bestfriend's Love"

"OY! Ano ba! Ang kulit! Ethan!! Tama na kasi hay nako!"

"UUUYY! Galit na yan." pang-aasar niya pa.

"Itigil mo na kasi! Nakakaasar naman eh! Kapag yang project ko nalukot, lulukutin ko mukha mo!" tinignan ko siya nang masama. Sira ulong ito. Tinawanan lang niya ako at pinisil ang ilong ko, sinampal ko palayo 'yong kamay niya.

"Edi ayan na nga!" tinigilan naman niyang guluhin 'yong ginagawa ko. Pasaway e.

Ay lemme introduce myself. Ako nga pala si Keily, may bestfriend ako. Magbestfriend na kami since childhood days. His name is Ethan. Lagi kaming magkasama. Nagkukulitan, nagtatawanan, naghaharutan. Masasabi kong ideal boy bestfriend siya. Bakit? Well, kasi kilala siya ng buong angkan ko at gano'n  din ako sa kanila. Palagi siyang nasa bahay kapag walang pasok, naglalaro kami ng kung anong maisip naming laro sa bahay namin o kaya sa kanila at kapag naman malungkot ako, pupunta agad siya sa bahay para lang pasayahin ako. Kapag naman umiiyak ako, kahit madaling araw pa 'yan, isang text ko lang pupunta na kaagad siya para lang patahanin ako at hindi siya aalis hangga't hindi ako tumitigil sa pag-iyak pero sa balkonahe ng kwarto ko siya dumadaan dahil hindi pwedeng malaman nila Mama na pumupunta siya sa bahay ng gano'ng oras, papagalitan kami no'n lalo na siya.

Minsan naman kapag may gusto akong kainin na hindi ko mabili dahil wala akong pera, siya mismo ang bibili no'n para sa akin at sabay naming kakainin. Kapag may sakit ako, siya ang mag-aalaga sa akin kapag wala sila Mama dahil sa work. Naalala ko no'ng may umaway sa aking grupo ng mga babae, pinagtanggol niya ako pero hindi naman niya sinaktan 'yong mga 'yon, tinulak niya lang palayo sa akin at magmula noong insidenteng iyon, never na niya akong iniwan. Palagi na lang niya akong sinasamahan. Yes, gano'n siya sa akin at masama ako dahil doon.

One night, habang nakatingin kami sa mga bituin sa langit, nangako kami sa isa't isa na walang iwanan, na walang makakasira sa pagkakaibigan namin kahit na anong mangyari, kahit dumating pa ang panahon na magkakalayo kami.

 Masaya kami noon, masayang masaya pero biglang dumating ang araw na kinausap niya ako. At hiniling ko na sana hindi na lang iyon nangyari.

"Kei, I have to tell you something." nasa may likod kami ng school, nakaupo sa damuhan at nagkukwentuhan. Wala kasi kaming prof ng dalawang subject kaya mahaba ang vacant time namin. 

"Ano 'yon?" tanong ko naman sa kanya agad. Nakatingin lang ako ng diretso habang nakangiti. Hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko na para bang natatae siyang ewan, natawa naman ako sa itsura niya at siniko siya nang mahina sa tiyan, "hoy! Ano ba? Para kang natataeng hindi makatae diyan. Ano ba 'yong sasabihin mo?"

Bumuntong-hininga siya at tinignan ako diretso sa mga mata, nakita kong seryoso siya kaya nawala ang ngiti sa mga labi ko at bigla akong kinabahan, "I'm sorry, Kei." kumunot ang noo ko.

"Sorry? Para saan, Ethan?" nalilito kong tanong. Nakita ko na sincere siya sa paghingi ng tawad na mas ikinalito ko, "Ethan, ano ba 'yon? Ano ba ito? Bakit ka humihingi ng tawad? Sorry para saan?" tuluy-tuloy kong tanong.

"I think, I'm falling inlove with you." parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Para bang tumigil ng isang segundo sa pagtibok ang puso ko, "I'm sorry. I didn't mean to fall for you, Kei."

Umilng ako paulit-ulit at naramdaman kong tumulo ang mga luha ko, "no! No no no! Ethan, ano ba! Nagbibiro ka nanaman e! Itigil mo 'yan ha?" natatawa kong sabi kahit patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi siya sumagot at seryoso pa rin ang mukha niya, "Ethan, tell me you're just kidding right?" umiling siya.

"I'm sorry." napatakip na lang ako sa bibig ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. He explained everything at nalaman ko na all this time, he felt something for me. I felt cheated and I don't know why! Umiyak ako ng umiyak at niyakap niya ako. Umiiyak ako dahil natatakot akong masira ang pagkakaibigan namin. Matagal na kaming magkaibigan at ayokong mawala 'yon.

My Bestfriend's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon