Alyssa's POV
Next day, kung ano ano lang ginagawa naming sa room. Next week na lang daw kami magkaklase. Yes naman. Parteh harder.
At ayun na nga. Dumating yung araw na nabroken-hearted ako kay Alex kasi may crush pala siyang iba, si Sheena Gonzales. Maganda to, superr. Matalino na, mabait pa! San ka pa?
Pero bakit ganun? Konting panahon lang ako naBH. LOLOLOL. Mabuti na yun. Siguro hindi ko naman talaga siya crush.
~~~~~~
“Alyssa! Gusto mo magtry-out ng badminton para sa intrams?”
“Saan daw?”
“Sa gym. Tara?”
Nagtry-out kami ni Jane sa badminton para sa intrams. Bongga. Gagaling nila magbadminton. Ang chaka, pati pala mga teachers nagbabadminton din. Kinakausap ko tong si Jane, tapos bigla na lang may kinausap sa tabi niya! Echusera talaga tong babae na ‘to. -,-
“Huy, kuya Jiro. Nagbabadminton ka din pala?” narinig kong biglang nagsalita si Jane.
“ Ah eh, oo eh. Di halata noh?” sabi nung guy.
Tapos nagtawanan sila. I feel so OP! Nairita ako, tinignan ko yung guy na kinakausap ni Jane. Pagkatingin ko...
OH. MY. GULAY. CUTE NAMAN NITONG NILALANG NA TO. SHET.
Ang cute niyaaa! XD Pagkatapos-tapos naming magtry-out, lumabas kami at tinanong ko si Jane kung ano pangalan nun. Jiro Malit daw. HAHAHAHAHA.
“Bakit? Crush mo? Crush mo noh?” mang-aasar pa eh!
“Loka! Mukha mo.” Binatukan ko siya. Napalakas yata.
“Aray! Kelangan ba batukan pa?”
Lumabas na ng gym sila kuya Jiro.
“Bye kuya Jiro!” sigaw ni Jane tapos tumingin sakin ng nakangiti. Ngiting nakakaloko.
Nagwave lang si kuya Jiro habang nakatingin kay Jane. Tapos bigla siyang napatingin sakin. Napansin yata na nakatitig ako sa kanya. Umiwas ako ng tingin, pero nung sumulyap ako sa kanya, nakatingin pa rin siya sakin. Shet ano ba! Matutunaw ako!
~~~~~~
Jiro’s POV
“Bye kuya Jiro!” sigaw ni Jane, habang nagwawave pa.
Nagwave back na lang ako, tapos napatingin ako sa katabi niya. Natulala ako sa kanya. Nung napansin niyang matagal akong nakatitig, umiwas na siya ng tingin.
“Huy pre. Bakit ka ba nakatulala? Sino bang tinitigan mo?” bumalik ako sa mundo, ginulat kasi ako ni Paolo eh.
“Sus, panigurado chicks na naman yan.” Singit naman si JC.
Tinignan ko ng masama si JC. “Adik. Tara na nga.”
Ako nga pala si Jiro Jefferson Malit. Junior student sa RS. Sabi nila, gwapo daw ako. Sabi-sabi. Ewan ko ba sa kanila. Mahilig ako sa chicks. Inaamin ko, playboy ako. Sila Paolo at JC, mga katropa ko yan. Simula elementary magkakilala na kami.
~~~~~~
Nung uwian na, hinanap ko kaagad si Jane. Magkaservice kasi kami.
“Uy Jane, sino nga pala yung kasama mong nagtry-out kanina sa badminton?”
“Ah. Si Alyssa yun. Bakit?”
“Ah eh, wala lang. Masamang magtanong?”
“Weh? Bakit? Crush mo yun noh? Hahaha!” badtrip to ah. Nang-asar pa amp.
“Mukha mo! Umayos ka nga!” tapos binatukan ko siya. Ang bakla ko, nambabatok ako ng babae. Pero ayos lang naman kay Jane yun, boyish naman kasi. Nakikipagsuntukan pa nga yun eh.
“Aray naman! Nakakailang batok na ko ngayong araw tapos dadagdagan mo pa!” tinignan niya ako ng masama. Haha, kawawang bata.
~~~~~~
Kinabukasan, nagkasalubong kami sa hallway, di ko siya matignan. Teka, bakit ko nga ba siya titignan?
Eh hindi niya nga ako kilala eh.
^Masakit na katotohanan.
Tapos yung puso ko palaging
DubDubDubDubDubDubDubDubDubDub
~~~~~~
Alyssa’s POV
Kapag uuwi ako nga bahay, nakaugalian ko ng mag computer agad. Nag-iinternet ako at naglog-in sa facebook. Naglaro muna ako ng tetris. Tapos biglang may nagpop-out dun sa mga friend requests. Badtrip naman to, istorbo ah. Sino naman kaya 'to?
JIRO JEFFERSON MALIT WANTS TO BE YOUR FRIEND.
BINABASA MO ANG
The Lost Relationship --- Ch.24
RomanceSimpleng love story. Girl meets boy, they fall for each other. Pero magiging masaya kaya sila sa huli? Judge them as they face the challenges of a perfectly imperfect relationship.