01 // A Twist in the Dark
“Life is full of twists we never see coming.” ─Samuel Butler
***
This is too good to be true.
I can’t think of anything right now, my mind is occupied with a lot of things. But all I can say is…I’m happy. Tinapik-tapik ko pa ang pisngi ko para malaman kung totoo ba ang naririnig ko. But no, it’s not a lie.
It’s not a lie, Imari. It is not.
“And we’re done! Congratulations everyone, tapos na tayong mag-defense! We are officially on the list of the graduates!”
Niyakap ako ng mga groupmates ko and all together, we celebrate for our success.
Nagkayayaan kaming magpunta sa isang bar. Kung normal na araw lang ito ay siguradong hindi ako sasama. But because it’s not, I decided to come with them.
Maiintindihan naman nila Mama kung gagabihin ako ng uwi ngayon, tsaka ngayon lang naman ‘to. Gusto kong pagbigyan ang sarili ko kahit minsan lang.
For once, I wanted to forget everything. Oh wait, that’s too bad because I don’t really remember anything. So I took this opportunity to enjoy the night. I danced like a crazy party girl even if I’m not, I drank like there’s no tomorrow.
Kaya naman hindi nakapagtatakang halos umikot na ang mundo ko nang makalabas ako sa bar na iyon. Alam ko ring hindi na diretso ang lakad ko. But who cares? I’m happy.
“Imari, ihahatid na kita. Lasing ka na!”
Nilingon ko si Jasper na inaalalayan akong maglakad. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at tinawanan siya.
“A-ako…lashing?” tinuro ko ang sarili ko. “Alam moooo, patyawa ka talagah e! Hindi akhoo lashing o-kay!”
“Oo na, hindi ka na lasing. But let me take you home, Imari. My conscience will kill me if anything bad happens to you.”
Hinampas ko siya sa braso. “Ga-guh! Gushto mo lang maka-ishcore sa’kin e! No thanks, kayah kong umuwi mag-isha!”
Tumawa ito at pinisil ang ilong ko. “I’m not like that. Pero kung ayaw mo talagang magpahatid, sige na. Basta mag-ingat ka ha? Call me when you get home.”
I nodded and he finally let go of me. Pinanood ko silang umuwi isa-isa hanggang sa ako na lang ang natira sa labas ng bar. Mayayaman kasi silang lahat at may kotse, samantalang nag-aabang lang ako ng jeep pauwi.
Hindi ko nga alam kung may jeep pa bang daraan o naghihintay na lang ako sa wala. Alas dos na rin kasi ng umaga, nilalamok na nga ako rito sa kahihintay.
Nagsisisi tuloy akong hindi pa ako nagpahatid kay Jasper. Babaero kasi iyon, baka mamaya kung saan niya pa ako dalhin. Nawala na nga rin ang pagka-lasing ko, medyo nahihilo na lang ako ngayon.
I decided to play some games on my phone while waiting, when suddenly…a shadow appeared in front of me. Lilingon pa lang sana ako para malaman kung sino iyon nang may biglang humawak sa magkabilang braso ko.
Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa pagkagulat, narinig ko na lang na bumagsak ito sa lapag.
I was about to scream when a handkerchief appeared in front of my face, blocking my mouth. All of a sudden, something strange filled my nose.
Then everything went black.
***
When I gained back my consciousness, the first thing I saw is a man holding a gun.
I let my eyes wander around the vehicle we are in, six men are inside the van including the driver. And I am the only girl here. Napansin ko ring nakatali ang mga kamay ko at mayroong panyong nakatakip sa aking bibig. Nasa pangalawang row kami ng sasakyan, ako ang nasa gitna at dalawang armadong lalaki ang katabi ko.
Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin. My mind is in a state of chaos right now. The last thing I remember is I’m waiting for a jeep then now, am I being abducted?
Sinubukan kong gumalaw mula sa kinauupuan ko, sinipa-sipa ko ang upuan ng driver. I started screaming, pero puro ungol lamang ang lumalabas sa aking bibig.
“Edgar! Patahimikin mo nga ‘yan! Mababangga tayo kapag hindi ‘yan tumigil sa kasisipa sa upuan ko!”
Nang dahil sa sinabi niya ay mas lalo ko pang nilakasan ang pagsipa. Mas maganda na iyong mabangga kami para magkaroon ako ng tsansang makatakas sa kanila!
“Miss, tigilan mo na ‘yan kung ayaw mong masaktan.”
Nilingon ko iyong lalaking katabi ko at saka umiling. Pilit ko pa ring itinuloy ang pagsipa sa upuan na iyon.
“Tangina naman! Itali mo na nga ‘yung paa!” rinig kong sigaw ng driver sa harap. Agad namang sumunod itong dalawang lalaking katabi ko sa sinabi niya. May inabot na tali ang nasa likod at iyon ang ginamit nila sa aking mga paa.
Hindi pa rin ako sumuko, nagpupumiglas ako habang pilit nilang itinatali ang mga paa ko. Pero sa huli, wala rin akong nagawa. Naitali nila nang maayos ang aking mga paa at hindi na ako makagalaw pa. Nanahimik na lang ako at tumingin sa labas ng bintana.
I tried to look outside, hoping I could see something which will indicate where we are right now. But it is too dark, puro itim na gusali lamang ang nakikita ko sa labas. Lalo akong nanlumo dahil dito, hindi ko alam kung bakit ba ako nandito at kung nasaan ba ako ngayon.
Parang kanina lang ang saya-saya ko pa! Pero ngayon, hindi ko na alam kung ano bang dapat kong maramdaman.
Kung kanina’y puro gusali ang nadadaanan namin, nagulat na lamang ako na ibang daan na ang tinatahak namin. Lumiwanag na nang kaunti ang paligid at puro kakahuyan ang nakikita ko sa labas. Ramdam ko rin ang pagbagal ng aming sasakyan dahil baku-bako ang daan.
Mas lalo akong nakaramdam nang pag-aalala. Nasaan na ba kami? Saan ba talaga nila ako dadalhin? Siguradong wala na kami sa siyudad at hindi ko alam kung anong probinsya na ito.
“Malapit na ba tayo, Boss?” tanong ng katabi ko. Maging ako ay ganoon rin ang gustong itanong, kung makakapagsalita lang sana ako.
“Oo, at malapit na ring maubos ang pasensya ko sa’yo! Kanina ka pa tanong nang tanong diyan!”
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na malapit na kami at baka malaman ko na kung bakit ba nila ako dinakip, o dapat ba akong kabahan dahil baka katapusan ko na ito?
I can hear my heart pounding inside my chest when the van stopped in front of a huge gate. It was made of stainless steel, and I can see that it won’t be easy to get out of here. Dalawang armadong lalaki ang nakabantay sa magkabilang gilid nito. Bumukas ang gate at umandar muli ang sinasakyan ko.
Ilang saglit lang ay huminto rin ito sa tapat ng isang mansion. Isa-isa silang nagsibabaan mula sa sasakyan hanggang sa ako na lang ang natira sa loob. Hinawakan ako ng isa sa braso ay pilit akong inilabas.
Nang tuluyan na akong makababa ay tumingin akong muli sa nasa harapan ko. I am not mistaken, this is indeed a mansion. I looked around and saw nothing aside from this mansion. Tama nga ako, nasa isang malayong probinsya kami ngayon at ang masama rito ay wala akong makitang kalapit na bahay.
Isang lalaking naka-suot ng tuxedo ang lumabas mula sa mansion. Matangkad ito, matipuno ngunit walang ekspresyon ang kaniyang mukha. Tinitigan niya akong mabuti bago nagsalita, “Dalhin niyo siya sa study room.”
Hinawakan akong muli ng dalawang lalaki at hinila papasok. Mula sa labas hanggang sa loob ay punong-puno ng mga armadong lalaki ang mansion. Mas lalo tuloy akong kinakabahan dahil sa naglalakihang baril na dala nila.
If the outside structure is good, the inside of the mansion mesmerized me. An expensive-looking chandelier lit the spacious receiving area. Halatang galing pa sa ibang bansa ang mga kagamitan sa loob dahil kakaiba ang mga materyales nito. There is also a grand staircase, of course.
Habang naglalakad kami ay mas lalo kong nakikita kung gaano kalaki ang bahay na ito. Pakiramdam ko nga ay maliligaw ako rito, napakaraming pinto at pare-parehas pa ang mga kulay nito.
But something bothers me right now. If I am being kidnapped, why am I inside this grand mansion? Masyadong maganda ang lugar na ito para gawin nilang taguan ko. At isa pa, kadalasan sa mga abandonadong gusali dinadala ang mga kini-kidnap hindi ba?
Kaya…bakit ako nandito?
Ipinasok nila ako sa isang silid, na kung tawagin ay “study room”. Maluwag ito ngunit walang ibang laman bukod sa isang malaking mesa, at isang upuan sa gitna ng silid kung saan nila ako pilit pinaupo at itinali.
We waited for a few minutes until a man wearing a tuxedo entered the room. Agad na yumuko ang mga lalaking nagdala rito sa akin nang makita ang lalaki. Nilampasan lamang sila nito at agad itong dumiretso sa harap ko.
He stood in front of me and stared at my face. Napatingala naman ako upang makita ko nang malapitan ang kaniyang mukha.
Shock is my immediate reaction when his face registered on my mind. Of all the people whom I suspect will kidnap me, he is certainly not on the list!
“Are you Imari Castelo?”
Napatulala lamang ako sa kaniya. Hindi ako makasagot dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang siya ang nagpadukot sa akin.
Why would he do this? A man of honor will never do this.
Axis Fabella will never do this. Pero siya ang nasa harapan ko ngayon.
Is this real?
To be continued…
BINABASA MO ANG
I'll Tell You A Lie
AcciónCan you distinguish the difference between the truth and the lie? [This is a Filipino-English story.]