02 // The Missing Key
"A very little key can open a very heavy door." ─Unknown
***
If you would conduct a survey on who's their ideal guy in Academia de Fabella, I'm sure this guy will be the number one on the list.
"I repeat, are you Imari Castelo?"
He is indeed the ideal guy. He has the looks, the brain and of course, the money. Sila ang nagmamay-ari ng paaralang pinapasukan ko. Sa loob ng apat na taon ko sa paaralang iyon, bilang ko lamang sa aking mga daliri kung ilang beses ko nang nakita ang lalaking ito.
Hindi mo siya makikitang pagala-gala sa labas, madalas kasi itong nasa loob ng Student Council room, sa Library o 'di kaya'y sa Music room. But of course, who would forget his face?
Matapos ang ilang minuto ay nakabawi na rin ako mula sa pagkakagulat. Dahan-dahan akong tumango bilang tugon sa kaniyang tanong. Hindi ako makapagsalita dahil nakatakip pa rin ang aking bibig.
"Good. You can now leave us, your payment will be given outside as promised." Sa sinabi niyang iyon ay tuluyan nang umalis ang mga lalaking nagdala sa akin dito. Ang naiwan na lamang ay ang dalawang lalaking nakabantay sa pinto ng study room, si Axis Fabella at ako.
Tinitigan akong muli ni Axis. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kaniyang mga mata pero sa ilang segundong iyon ay nakaramdam ako ng takot.
"Alam mo ba kung bakit ka nandito?"
Mabilis akong umiling sa kaniya. Kanina ko pa gustong malaman kung bakit nga ba ako nandito. Hindi naman ako mayaman kaya wala silang makukuhang ransom sa akin! Hindi rin naman ako ganoon kaganda para pag-interesan nila. At mas lalong wala akong ginagawang masama.
So the big question is...why would Axis kidnap me? I'm sure none of those three is the reason.
Unti-unti siyang lumapit sa akin. Sa sobrang lapit ay amoy na amoy ko ang kaniyang pabango. Nagulat na lamang ako nang iniangat niya ang mukha ko upang magkatinginan kaming dalawa.
"Tatanggalin ko ang takip sa bibig mo, pero huwag kang sisigaw."
Nang tumango ako ay inialis niya na ang kaniyang kamay sa aking mukha at unti-unting tinanggal ang panyong nakatakip sa aking bibig.
Alam kong sinabihan niya akong huwag sumigaw, ngunit hindi ko na na-kontrol ang aking sarili. Pagkatanggal na pagkatanggal ng panyo sa aking bibig ay...
"AHHHHHHH! TULUNGAN NIYO AKO! TULUNGAN NIYO AKONG MAKAALIS----HMMMPHHH..."
Naputol ang biglang pagsigaw ko dahil agad niyang tinakpan ang aking bibig gamit ang kaniyang kanang kamay.
"I told you not to scream!"
Halos manginig ako sa aking kinauupuan ng kinuha niya ang baril sa kaniyang bulsa at itinutok iyon sa aking noo. Ramdam na ramdam ko ito, at alam kong isang kalabit niya lang ay tapos ang aking buhay.
"I will remove my hand. Subukan mong sumigaw ulit at hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka ngayon din. Naiintindihan mo ba?"
Muli ay tumango ako sa pangalawang pagkakataon.
Tinitigan niya ulit ako, like he's making sure I'm not going to scream again. Inalis niya ang mga mata sa akin at dahan-dahang tinanggal ang kaniyang kanang kamay mula sa aking bibig. As soon as his hand left my mouth, I opened my lips but I made sure not to make any sound.
BINABASA MO ANG
I'll Tell You A Lie
AcciónCan you distinguish the difference between the truth and the lie? [This is a Filipino-English story.]