04 // The Shattered One

60 8 2
                                    

04 // The Shattered One

“A girl once told me to be careful when trying to fix a broken person, for you may cut yourself on their shattered pieces.” -Unknown

***

“Anong nangyari, Elira?”

“Why are you asking me? Sinabi ko na ngang hindi ko alam! I’m busy fixing your appointments for tomorrow.”

“Ibinilin ko siya sa’yo, and if something bad happens to her…we’ll lose our lead!” 

“Calm down, Mr. Fabella. Miss Castelo is stable now, just give her some rest. If her head hurts again, here’s some medicine to ease the pain. And make sure to keep her away from things or events that might trigger her memory…for now.” 

I was awakened by the voices inside the room. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, napansin kong nandito pa rin ako sa kwartong ito at ang mga boses na naririnig ko ay mula kay Axis, Elira at sa lalaking Doktor.

“Trigger her memory? What are you talking about?” I heard Axis asked.

They are still unaware that I’m already awake and I have no plans to let them know. Gusto ko munang marinig ang mga sasabihin nila.

“Hindi ko pa alam kung ano ang dahilan, but one thing I’m sure is…she has a temporary amnesia. Based on my findings, this is not her first time to experience such an outburst. But this is certainly a severe headache caused by something that triggered her past memories.”

Tama ang Doktor. Hindi ito ang unang beses na nakaranas ako ng pagsakit nang ulo. Noong nasa hospital pa ako ay ilang beses akong binigyan ng pain killers dahil dito. At tama, nangyayari ito tuwing may nakakapag-trigger ng aking memorya. Noong unang beses kong makita ang aking Mama, bukod sa nagsisigaw ako ay sumakit din ang ulo ko noon.

But what I cannot understand is why the Fabella’s family picture triggered my memory?

Isa lang ang naiisip kong dahilan. Maaaring tama nga si Axis na may kinalaman ako sa pagkamatay ng kaniyang mga magulang. Siguro’y ito rin ang dahilan kung bakit ako natagpuang duguan noong gabing iyon.

Bahagyang sumakit ang ulo ko sa pag-iisip niyon kaya itinigil ko muna.

“Ang ibig niyo bang sabihin ay may nakapag-trigger ng memories niya kaya nangyari ito?” tanong ni Axis.

Nakita ko ang pagtango ng Doktor sa kaniya. “Yes, Mr. Fabella.”

“But what might trigger her memory in this house? Particularly in my former room?”

Nakita kong may inabot si Elira kay Axis pero hindi ko makita kung ano iyon. Tinitigan ito ni Axis nang ilang minuto bago ibinalik ang tingin kay Elira.

“Nakita namin ang family picture ninyo sa loob ng walk-in-closet mo. Its frame was shattered into pieces, ang hula ko ay nabasag iyan ni Imari.” paliwanag ni Elira.

Family picture?

Parang biglang may nag-click sa utak ko pagkarinig niyon. Muli ay naramdaman ko ang unti-unting pagsakit ng aking ulo. Hindi ko ginustong sumigaw ngunit hindi ko napigilan ang aking sarili, because of the noise I created, they turned their heads on me.

“Miss Castelo! What’s wrong?” rinig kong tanong ng Doktor sa akin.

Umiling-iling ako sa Doktor habang hawak ang aking ulo. Hindi ako makapagsalita dahil baka mapasigaw akong muli sa sakit.

“Sumasakit ulit ang ulo mo?”

Hindi ko alam kung sino ang nagtanong pero agad akong tumango nang paulit-ulit.

“We’ll give you pain killers, okay?”

My vision was blurry because of my tears, maging ang pandinig ko ay magulo sa hindi ko malamang kadahilanan. Naramdaman ko na lang na may itinurok sila sa aking braso, masakit iyon ngunit ilang saglit lang ay nawala rin.

Unti-unting nawala ang pagsakit ng aking ulo but my eyes suddenly became heavy. Para bang hinihila akong muli ng kama para matulog.

Pinilit kong labanan ang antok pero walang nangyari. Sa huli ay hinayaan ko na lang na kusang pumikit ang aking mga mata.

“Sleep well, Imari.”

***

“Miss Imari, gumising muna po kayo. Kailangan niyo pong kumain.”

I felt someone poking my arm. Little by little, I opened my eyes and was greeted by the same ceiling. Nilingon ko iyong gumigising sa akin, isang babaeng nasa mid-20’s at mukhang isa ito sa mga kasambahay.

Tinulungan niya akong bumangon mula sa kama. Hindi ko alam kung bakit pero hirap na hirap akong kumilos, sumasakit ang buong katawan ko. Iginiya niya ako patungo sa maliit na dining table sa loob ng silid.

Naramdaman ko ang pagkagutom nang makita ko ang mga nakahain. Umupo ako at nagsimula nang kumain.

Nang matapos ako ay hinarap ko ‘yung kasambahay na ngayon ay inililigpit ang pinagkainan ko. “Anong pangalan mo?”

Gulat niya akong tinignan, “P-po?”

“I’m asking for your name,” I smiled. “Huwag ka nang mahiya, hindi naman ako masungit kagaya ni Elira at Axis.”

Tumigil siya sa ginagawa at unti-unting ngumiti sa akin. “M-mica po, Mica Delos Reyes.”

Napangiti ako sa sinagot niya. Hindi naman masama kung makipagkaibigan ako sa kaniya, ‘di ba? Sa tingin ko ay magtatagal pa ako rito kaya kailangan ko ng kaibigan, ng makakausap. Hindi kasi matinong kausap si Axis, mas lalo naman ang secretary niyang si Elira.

Baka magkagulo lang sa bahay na ito kapag sinubukan kong kausapin ang dalawang iyon.

“Huwag ka nang mag-po sa akin, 22 pa lang naman ako. Hula ko ay baka magkasing-edad lamang tayo.”

Tumango siya. “22 na rin po—ay sorry! 22 na rin ako, Miss Imari.”

“Tanggalin mo na rin ang Miss, Imari na lang ang itawag mo sa akin. Hindi mo naman ako amo, at isa pa…gusto kong makipagkaibigan sa’yo,” nahihiya akong tumingin sa kaniya. “Kung…kung papayag ka.”

She looked at me as if I said something unbelievable. “Ha? B-bakit mo naman gustong makipagkaibigan sa akin? Katulong lang ako, Imari.”

“Baka kasi mabaliw na ako rito kapag mas nagtagal pa ako rito nang walang kausap!” tumawa ako. Nakita ko siyang napangiti sa sinabi ko. “At isa pa, sa tingin ko ay magkakasundo tayong dalawa. Ano, okay lang ba?”

Ngumiti siya sa akin, “Magkaibigan na tayo, Imari.”

Nagtagal siya sa loob ng kwarto dahil hiniling kong samahan niya muna ako. Ibinalik niya lang ang pinagkainan ko tapos ay binalikan niya akong muli. Tinanong ko siya tungkol sa nangyari sa akin, ang sabi niya ay nakita na lang nila akong walang malay kagabi.

Kauuwi lang daw noon ni Axis at iyon ang kaniyang naabutan, lahat sila ay napagalitan dahil sa nangyari. Malamang ay nagalit iyon hindi dahil sa nag-aalala siya para sa akin, nagalit iyon dahil kailangan niya ako. Ano naman bang pakialam ko? Tama lang naman iyon na magalit siya dahil kapag may nangyaring masama sa akin, hindi niya na malalaman kung sinong pumatay sa mga magulang niya.

Nagising din ako noong gabing iyon ngunit sumakit daw muli ang aking ulo, binigyan ako ng pain killers at ang side effect nito ay makakatulog ako. Kaya nga heto at hapon na akong nagising, sa ngayon ay alas kwatro na nang hapon.

Tumayo ako at nagpunta sa balcony. Nililipad ng hangin ang buhok kong lagpas balikat, napakasarap talaga ng hangin sa lugar na ito. Tanaw na tanaw ko rin mula rito ang garden at ang papalubog na araw.

Nilingon ko si Mica na nakasunod sa akin, “Mica, gusto kong magpunta sa garden ng mansion.”

“K-kasi, Imari, hindi ko alam kung pwede ka bang lumabas ng kwarto,” malungkot niyang tugon.

Napasimangot ako sa sagot niya. Malamang iyon ang bilin sa kanila ng Axis na iyon! Aba’t balak pa pala akong ikulong sa kwarto na ito, sa tingin niya ba ay makakatakas pa ako sa dami ng bantay ko? Gusto ko lang namang lumabas, this room is suffocating me already! Ang hirap huminga.

“Nasa mansion ba si Axis ngayon?”

Tumango naman siya sa tanong ko. I crossed my arms as an idea popped out of my mind. Ngumiti ako sa kaniya bago nagsalita, “Puntahan mo siya at sabihin mong gusto ko siyang makausap ngayon din.”

Shocked is very evident in Mica’s eyes, “P-pero Imari, hindi pwede ang gusto mo! Mahigpit na ipinagbabawal ang istorbohin si Sir Axis sa mansion na ito…b-baka matanggal ako sa trabaho!”

“Basta, magtiwala ka lang sa akin. Sabihin mong sumasakit ulit ang ulo ko para magpunta siya!”

“Pero hindi naman sumasakit ang ulo mo, Imari.”

Tumawa ako sa sagot niya. Hinampas ko siya nang pabiro sa kaniyang braso. “Ano ka ba, Mica! Syempre joke lamang iyon para magpunta siya rito. Sige na, sundin mo na ako. Gusto ko lang talagang makalabas kahit saglit.”

Kitang-kita ko pa rin ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Mica, pero marahan siyang tumango sa akin. “Kung hindi lang kita kaibigan, Imari.”

Tumalikod na siya at lumabas sa aking silid. Tama talaga ang desisyon kong kaibiganin si Mica, kung hindi ay baka tumalon na ako rito sa balcony sa sobrang pagkabagot!

Ilang minuto lang ang lumipas ay muling bumukas ang pinto ng aking kwarto. Napangiti ako nang biglang pumasok si Axis, hinihingal pa ito at halatang nagmadali para makapunta agad dito. Rinig ko pa ang malalim niyang paghinga habang pinagmamasdan ako. Nang makita niyang ayos naman ang aking lagay ay biglang kumunot ang kaniyang noo.

“You came!” tila batang tuwang-tuwa na sabi ko.

“Akala ko ba ay sumasakit ang ulo mo? Pero pangiti-ngiti ka lang diyan na parang wala namang masakit sa iyo.”

Hindi ko na napigilan ang pagngisi ko, “Well, that’s an alibi for you to come here. And it worked, right? Sinasabi ko na nga ba at matalino talaga ako!”

“Tss,” napailing siya sa sinabi ko. “Sinasayang mo lang ang oras ko, wala akong panahong makipagbiruan sa’yo, Castelo.”

Tatalikod na sana siya para umalis ngunit agad akong tumakbo palapit sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang kaliwang braso upang pigilan siya sa pag-alis.

Nilingon niya ako at akmang aalisin ang aking kamay pero pinigilan ko ulit ito. Halatang nairita siya sa ginawa ko ngunit ngumiti lamang ako para mas lalo siyang inisin.

“Galit ka na kaagad?” pabirong tanong ko pa.

In one swift move, he removed my hand from his arm. Napasinghap na lang ako nang itinulak niya ako kaya napasandal akong bigla sa pinto. Ramdam ko ang matigas na kahoy sa aking likod. Ang dalawang kamay niya ay nasa pagitan ng aking ulo, para bang kinukulong ako para hindi ako makaalis.

I bowed my head to avoid eye contact. Kung kanina ay patawa-tawa pa ako, ngayon ay hindi ko na malaman kung ano ang gagawin. Sobrang nagalit ba siya sa ginawa ko? Sasaktan niya ba ako?

He lifted up my chin using his hand, and I tried avoiding his eye for the second time. I can feel him staring intently at me. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang dahan-dahang pagngisi niya.

“Where’s your courage now? Bakit hindi ka makatingin sa akin?”
Nang hindi ako nagsalita ay hinawakan niyang muli ang aking baba. Sa pagkakataong ito ay wala na akong nagawa kundi tumingin sa mga mata niya. His eyes pierces through my soul, they were very expressive yet dangerous. Pakiramdam ko ay binabasa niya kung ano ang nasa utak ko.

He smirked, then he slowly realeased me from his grip. Para akong pansamantalang nawalan ng hininga kanina, at ngayon ay bumalik na iyon dahil pinakawalan niya na ako.

“Uulitin ko, hindi ako nakikipagbiruan sa’yo. Hindi mo gugustuhing gawin ko iyon.”

To be continued…

I'll Tell You A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon