Chapter 18

1.3K 41 1
                                    

YRRAH

"Yrrah anong problema?" Tanong sakin ni Kuya Yohan ng mapansin niyang kanina kanina pa ako tahimik

"Nothing" umiiling kong sabi

Ayokong mag kwento tungkol sa away namin ni Xian. Lalo na at ilang araw ng hindi binabanggit ni Kuya ang tungkol sa kagustuhan na hiwalayan ko si Xian.

Umupo siya Kuya sa tabi ko at inakbayan ako

"I know you too well Yrrah, so tell me"

Ayoko talagang sabihin kay Kuya ang problema ko. Pero ang bigat bigat na talaga ng nararandaman ko.

Napayakap ako kay Kuya Yohan bago nagsalita

"Nag away kami ni Xian" pag-amin ko

Narandaman kong niyakap niya din ako

"Kuya sabi niya mahal niya ko, pero bakit ni hindi man lang niya magawang mag sorry sakin? Kasi kung mag so-sorry siya patatawarin ko naman siya agad e" umiiyak kong sumbong kay Kuya Yohan

"Mas nangingibabaw ang Pride niya kaysa sa Puso niya"

"You mean mas mahal niya ang Pride niya kaysa sakin? Masyado bang mahalaga ang pride niya?" Tanong ko na hindi magawang sagutin ni Kuya

"Kuya anong gagawin ko?"

"Palamigin mo muna ang sitwasyon, Huwag kang magdesisyon agad agad." Yun lang ang sinabi niya

Im really blessed that he was my brother! Im lucky enough because he's always here whenever I need him.

***

(At school)

Si Kyle ang kasabay kong pumasok sa school kinabukasan

"Good Morning"

Pagdating sa school ay nakita kami agad kami ni Adrian kaya nakisabay agad siya samin sa paglalakad

Habang naglalakad ay nag-uusap silang dalawa sa likod ko habang ako naman ay tahimik lang na nasa unahan nilang dalawa

Umakyat kami sa mahabang hagdan at sa hindi inaasahan ay nakasalubong namin sina Xian kasama sina Scott, Evans at Lance

Pababa sila habang kami naman ay paakyat sa hagdan

Feeling ko ay huminto ang pagtibok ng puso ko habang naglalakad.

Walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin sakin.

Akala ko ay titigil siya at kakausapin ako pero mali na naman ako.

Tumuloy lang ito sa paglalakad pababa. Habang ang tatlong Prinsipeng kasama ay nilingon ako at halata sa mukha ng tatlo ang paghingi ng pasensya sa inaasal ng kaibigan nila.

Huminto ako at pakirandam ko ay para akong sinaksak sa puso sa sakit na narandaman ko

Bakit siya ganun?

"Yrrah.." Si Kyle na hinawakan ako sa brason. He's concern.

Sina Lance naman ay linapitan ako, tanging si Xian lang ang talaga ang parang walang nakita. Tuloy lang siya sa paglalakad hanggang makababa na naiwan ang tatlong Prinsipe

Umiling lang ako at pinilit na ngumiti kahit para na kong maiiyak

"Okay lang" sabi ko at tumuloy na ko sa paglalakad hanggang sa corridor kung saan walang mga estudyanteng dumadaan.

I tried my best not to cry, but i failed.

At nang makita ko si Jared Clinton na ilang beses ko pa lang nakikita sa school at hindi ko naman ka close ay kaagad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya.

"Y-Yrrah..." Gulat nitong sabi pero hindi niya naman inalis ang pagkakayakap ko sa kanya. Umiyak lang ako ng umiyak.

"Yrrah" tawag sakin nina Adrian

Hindi ako nagsalita

Pero heto namang si Jared ang sumagot

"Iwanan niyo muna daw siya"

"Yrrah please don't be like that" dinig kong sabi ni Scott

Pagka-alis nila ay inalis ko na ang pagkakayakap ko kay Jared

"Sorry" nahihiya kong sabi sa kanya

Umiling lang ito at pinunasan niya pa ang mga luha sa pisngi ko

"Okay lang" yun lang ang sinabi niya at ngumiti pa

"Kaso may kapalit itong pagyakap mo sakin at pagbasa sa uniform ko"

"Ha? Ano?"

"From now on ay magkaibigan na tayo"

Napangiti ako sa sinabi niya

"Okay"
Inabot ko ang kamay ko sa kanya

"Friends" sabi ko

Nag shake hands kaming dalawa ng naka-ngiti

For some reasons ay naging at ease ako kay Jared ..

***

Ilang sandali lang ay kumalat na sa school na wala na daw kami ni Xian dahil may ilan ang nakakita sa ginawa ni Xian sa may hagdan kanina

At sa hindi ko inaasahan ay parang maraming estudyante ang naging bothered na baka wala na talaga kami ni Xian. Dati ay ayaw nila sakin para sa Hari nila pagkatapos ngayon naman ay puro sila mga concern.

Hindi ko alam ang dahilan nila pero hindi na lang ako nagsalita

***

LANCE

"Kalat na sa school na wala na daw sina Xian at Yrrah" sabi ko na sadyang pinaparinig ko kay Xian na abala sa pagta-type sa laptop niya.

"Sino naman ang nagkalat ng tsismis na yan?"

"Ewan, pero may reason naman para isipin nila yun dahil may mga nakakita naman kung paano lampasan ni Xian si Yrrah kanina"

Sa totoo lang ay naiinis ako kay Xian, dahil akala ko ay seryoso na siya kay Yrrah. At hindi lang ako, kaming tatlo na kaibigan niya ay naiinis talaga sa kanya. The great Xian and his pride.

Tumigil si Xian sa ginagawa niya at tumingin samin

"Wala akong planong makipag hiwalay kay Yrrah, so you don't have to worry about that issue" wala sa mood na sabi ni Xian

"Wala kang plano? Eh si Yrrah? After what you did sa palagay mo ay wala ba siyang plano?" Naiinis kong tanong

"C'mon dude! Wag mong pairalin ang pride mo!" Si Evans na naiinis na din. Kahit babaero itong si Evans ay alam kong hindi siya nagpapaiyak ng babae.

Hindi nagsalita si Xian at tumayo na. He even abandon us like what the fvcking hell he's thinking?

I believed Yrrah can change him. But i guess im wrong.

"He loves Yrrah, but his pride is devouring him, he can't even say sorry"

"Everyone is assuming that Xian Laxamana is a perfect guy and will be a perfect boyfriend. But they doesn't seem to know that being the girlfriend of Xian can hurt you even more" sambit ni Scott

"Pero hindi natin siya masisisi. Xian is well known because of his indestructible dignity. People are full of respect on him because of that pride that he have" dagdag pa niya

May point siya, pero mali padin ang ginagawa ni Xian. At heto ang unang pagkakataon na hindi ako sang ayos sa ginagawa niya.

***

School Royalties (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon