Chapter 4 : He hurted me
Another day na naman…. Thank God I’m still alive. Oh, I have to see Louie today kasi may sasabihin akong importante tungkol sa project niyang matagal nang nasa kamay ko…. Matawagan nga….
“Hello.”
“Hey Louie nasan ka?”
“N-Nasa ***** food court. Bakit?”
“Ah.. Good! Puntahan kita diyan.”
“But….”
Di ko na narinig sunod na sabi niya dahil pinatay ko na ang call.
Sa ***** food court.
Ayun! Nakita ko na ang bag ni Louie. Nasan na kaya yung mokong na yun? Hala, may babae! Girlfriend niya yata…. Puntahan ko nga.
“Hey. Are you the girlfriend of Louie?”
“Yeah. Who the hell are you?” sarcastic na tanong niya.
“Ahmmmm. Friend niya. May kailangan lang ako sandali. Nasan siya?”
“HAha! Don’t fool me bastard! If I know, ikaw yung narinig kung patay na patay sa Louie ko…. Umiiyak-iyak ka pa para lang di ka niya iwan… kawawa ka naman…. Hahahahaha!” >:D
P@!#$!A !! ginagalit ako!!
“Hoy! Babaeng anak ng seahorse! Wag mong ipasa sa akin ang mga kagagawan mo!! kung makasalita ka parang alam mo na lahat! For your information, present ka lang niya!! Kasi AKO!! AKOYUNGFUTURENIYAAA!!!”
Sasabunutan na sana niya ako nang dumating na si Louie at pinaglayo kaming dalawa.
“Stopiiittt!!! Ano ba problema niyong dalawa? ”
“Ikaw Louie, pagsabihan mo nga yang girlfriend mo!! kung maka-asta akala mo kung sino!!”
“Honey, I’m sorry…. Siya yung nagsimula eh. I was just defending myself.”
Haha! Sigurado naman ako, ako yung paniniwalaan ni Louie….. :]
“Maureen, akala ko ba malinaw nang lahat sa atin?? Bakit mo sinisira tiwala ko sayo? Hayaan mo na akong lumigaya.”
Anong pinagsasabi nito? “Anong ibig mong sabihin?”
“Maureen, hindi ka dapat nagsisimula ng gulo!! Ikaw ang nakapag-aral, ikaw dapat ang umiwas sa gulo. Para kang walang pinag-aralan sa pinag-gagawa mo!”
“L-Louie…...”
“Please…. LEAVE US. Leave this place…. Now.”
Hindi ako makapaniwala sa bawat salitang narinig ko na nanggaling sa mga bibig niya.hindi ko namalayang basang-basa na ang damit ko dahil sa luhang umaagos mula sa aking mga mata habang tumatakbo palayo sa kinatatayuan nila. Tama ba yung narinig ko? Mas pinili niya ang seafood na yun kaysa sa akin. Sino ba naman ako para piliin niya, di ba? Ang tanga ko! Ang tanga tanga!! Hindi na humihinto sa pag-agos ang mga luha ko…. Magpapa-salvage nalang ako sa tigre baka sakaling mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon….. (T____T)