©Love at First Sight©

1K 12 0
                                    

Aldrin's POV

Kakabukas ko pa lang ng pintuan ng kwarto ko ng bumungad agad ang mukha ng kakambal ko..

"Akala ko tulog ka pa eh gigisingan sana kita" - Almira

"Maaga ako nagising eh, gising na ba si Rhoanne??"

"Oo, kumakain na sa baba" - Almira

Pababa na sana kami ng magtanong uli ako sa kanya..

"Twin Sis sila Daddy pumasok na ba sa office??"

"Oo maaga silang pumasok kasi may urgent meeting sila ngayon, diba sabi ko sayo mag-Ate ka sa akin" - Almira

"Kambal naman tayo tsaka 5 mins. lang naman tanda mo sa akin kaya bakit pa kita tatawaging Ate ang pangit kayang pakinggan kung Ate Twin Sis ang itatawag ko sayo"

"Kahit na dapat ina-Ate mo pa rin ako" - Almira

"Hindi ako sanay"

Pagbaba namin nakita ko agad si Rhoanne na kumakain..

"Good morning Ate Almira at Kuya Aldrin" - Rhoanne

"Good morning rin bilian mo na kumain baka malate na tayo"

"Twin Sis hindi ako makakasabay sa inyo pagpasok gagamitin ko kasi yung kotse ko may practice rin kasi ako mamaya eh"

"Hindi rin ako makakasabay sa pagpasok kasi may Group Project kami mamaya" - Almira

"Rhoanne ikaw na lang magpahatid kay Manong Fred hindi kami sasabay ni Ate Almira mo kasi gagabihin kami umuwi"

"Pwede gamitin ko na lang yung kotse ko kasi masisira yun hindi ko ginagamit" - Rhoanne

"Hoy!! Rhoanne 14 years old ka pa lang hindi ka pa pwedeng mag drive" - Almira

"Sabi nila Daddy pwede ko gamitin yung kotse ko pagpasok sa University" - Rhoanne

"So, wala sila Daddy dito kaya hindi mo magagamit yung kotse mo" - Almira

"Ate highschool na ako ginagawa mo pa rin akong elementary" - Rhoanne

"Pag 18 ka na gamitin mo yung kotse mo " - Almira

"Tama na yan, malelate na tayo, Rhoanne makinig ka muna kay Ate Almira mo"

"Ok, Bye Ate Almira at Kuya Aldrin" - Rhoanne

Parking Lot:

"Bro, akala ko hindi ka papasok eh" - Elmo

Nandito ang mga kateam ko sila Blake Ynarez, Carl Xemin, Diether Wright, and Elmo Villar

"Hindi ako pwede umabsent kasi kailangan kong maging Salutatorian"

"Hanggang Salutatorian ka lang pala hindi mo kayang talunin si Corrine Reyes" - Elmo

"Sino naman si Corrine Reyes bagong babae niyo na naman"

"Bro! Hindi mo kilala si Corrine Reyes a.k.a. Ms. Shy at siya ang Valedictorian ng University natin, hindi namin siya babae, minsan nga lang siya makita dito kasi nga mahiyain siya" - Diether

"Hindi ko yun kilala, baka hindi natin ka course yun kaya hindi ko nakikita"

"Hindi talaga natin ka course yun BSIE siya eh (Industrial Engineering) siya, tayo BSA (Architecture)" - Carl

"Ahh kaya pala, pasok na tayo baka malate pa tayo ehh"

"Napaka babaero niyo pati si Ms. Shy pinapantasyahan niyo na" - Blake

"Tama na yan, baka malate na tayo"


Class Room:

"Okay class, meron tayong retreat all 4th year ng BSA (Architecture) at kasama rin ang BSIE (Industrial Engineering) 5 days tayo sa Davao sa Saturday na ang alis natin at dalhin niyo na ang lahat ng kakailanganin niyo, at class wala na kayong klase ngayon dahil meeting lahat ng prof niyo kaya pwede na kayo umuwi" - Mam Gomez

"Opo Mam Gomez" - Class

"Ok class dismissed, Bye!" - Mam Gomez

"Bro! Kasama yung BSIE eh di kasama si Ms. Shy" - Boomer

"Ano naman ngayon"

"Bro! Nakita mo na ba kahit isang beses si Ms. Shy??" - Carl

"Hindi pa ata"

"Pag nakita mo yun sobrang GANDA at SEXY" - Dennis

"Punta na tayo sa Cafeteria nagugutom na ako" - Elmo

Nahuli akong pumunta sa Cafeteria dahil ang bibilis nila maglakad dahil gutom na sila ng may nabangga akong na paka GANDA at SEXY na babae..

"Miss sorry hindi ko sinasadya"

"Ok lang kasalanan ko rin naman eh, Sige alis na ako"

"Sige Miss--"

"Sige Good bye malelate na ako ehh"

"Miss anong name--"

Hindi ko natanong yung name niya sa pamamadali niya..

NA LOVE AT FIRST SIGHT ATA AKO??

Mr. Varsity Meets Ms. ShyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon