©Davao 1©

542 10 0
                                    

Aldrin's POV

Hindi ko talaga makalimutan yung babaeng nakabangga ko, ngayon ko na aaminin sa sarili ko na LOVE at FIRST SIGHT nga talaga ako..

Bukas na pala ang retreat namin sa Davao at 5 days kami doon, hindi nga lang kasama si Twin Sis dahil BST (Tourism) ang course niya, dahil simula bata pa lang kami pangarap na niyang maging Stewardess, at gagawin niya ang pangarap niya para lang matupad iyon, kakatapos ko lang sa pag-iimpake ng mga dadalhin ko sa Davao saktong inaantok naman na ako..

Next Morning:

"Twin Sis, aalis na ako bantayan mong mabuti si Rhoanne baka gumala at gabi na umuwi"

"Oo, akong bahala" - Almira

Bago pa ako maka-alis nakita ko agad si Rhoanne pababa ng hagdan kakagising lang siguro niya at mag-aalmusal na

"Kuya Aldrin, pasalubong ko wag mo kakalimutan" - Rhoanne

"Oo, makakalimutan pa ba kita"

"Yey!! Bye Kuya ingat, Love you" - Rhoanne

"Basta pwedeng gumala pero pag tumawag ako kay Manang Jenny na wala pa kayong dalawa at na sa galaan pa humanda kayo sa akin pag-uwi ko"

"Opo, Kuya magpapaalam po ako sayo pag gagala ako" - Rhoanne

"Ako rin magpapaalam basta wag mo kakalimutan yung pasalubong namin" - Almira

"Oo, bibili ako ng maraming pasalubong para sa inyong dalawa, sige na baka maiwan na ako ng eroplano, aalis na ako"

Eroplano kasi ang sasakyan namin dahil hindi uso sa University namin ang Bus kasi kung sa school ka namin nag-aaral kailangan mayaman at may itsura ka ayon ang isa sa mga rules ng parents ko dahil kami ang may-ari ng University na pinapasukan ko..

Nagpahatid lang ako kay Manong Fred sa NAIA dahil ayaw kong iwan ang kotse ko sa Parking Lot baka mawala for safety lang naman..

Pagkababa ko ng kotse agad akong nagpasalamat kay Manong Fred at agad rin naman akong sinalubong ng apat na mga mokong..

"Bro, may dala ka bang maraming pagkain nagugutom na ako ehh" - Blake

"Hoy!! Blake wag mo kaming pinaglololoko lahat tayo binibigayan ng parents natin ng 25,000 allowance tapos sasabihin mong nagugutom ka" - Carl

"Nagtataka ka pa, alam mong babaero yan, inuubos niya lahat ng allowance niya sa mga babae niya" - Diether

"Pinag-kakaisahan niyo si Blake ehh lahat naman tayo mga babaero pero lang kay Aldrin dahil kailangan niyang mag-aral ng mabuti kasi siya ang heiress ng Zamora Group of Companies" - Elmo

"Tama na yan, baka maiwan na tayo ng eroplano"

Pagkapunta namin sa pinag-usapan ng mga profs agad kaming naupo dahil halos lahat kami ay pagod at antok kasi 5:30 ang call time ng profs namin..

5 hours ang byahe namin simula NAIA to Davao

Pagkababa namin ng eroplano sumakay agad kami sa Van papunta sa Beach dahil doon kami may reretreat sabi ng profs namin..

"Bro!! Buti may dala akong pang swimming siguro maraming mga girls na naka two piece" - Elmo

"Hoy, inatake na naman kayo ng pagka babaero niyo"

"Minsan lang naman tayo maka kita ng mga babaeng naka two piece" - Diether

"Minsan eh halos araw-araw ka pang dumadayo sa mga private swimming pool para lang maka kita ka ng mga naka bikini"

"Bro!! Testing mo rin kasi kahit minsan mangbabae, sobrang saya" - Carl

"Ayoko nga, ako ang heiress ng kumpanya namin kailangan kong gawin lahat para sa ikagaganda nun, sa pagkaka alam ko tayong lahat ay heiress ng sari-sarili nating company"

Si Blake ang heiress ng Ynarez Group of Companies, si Carl ang heiress ng Xemin Group of Companies, si Diether ang heiress ng Wright Group of Companies at si Elmo ang heiress ng Villar Group of Companies..

7 RICHEST COMPANIES IN THE WORLD
Zamora Group of Companies
Reyes Group of Companies
Villar Group of Companies
Felloro Group of Companies
Wright Group of Companies
Xemin Group of Companies
Ynarez Group of Companies

Hindi ko nga kilala kung sino ang may-ari at heiress ng Reyes at Felloro Group of Companies

Pagkababa namin ng Van agad kaming pumunta sa sari-sariling kwarto para magpahinga dahil bukas ang simula ng aming retreat..

Mr. Varsity Meets Ms. ShyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon