Chapter 2

17 0 0
                                    

Sorry! Ang tagal ng update:( Pero eto na po. Enjoy! *wink* 

 ---

Two*

“Oy Kei, yung boyfriend mo oh. Haha! Lumalandi nanaman.”

Napatingin ako kay Kyle. Kasama nya yung barkada nya at kumpol na mga babae. Aba! Walangya to. Subukan nyang lumandi.

“Oy Cinds, tindi mo naman. Haha! Nandon lang sa mga babae, malandi agad? Mahal naman sya eh.” Napatingin ako kay Mia

Walanghiyang dancer yon. Napaka! Basta talaga dancer eh. Hmp! Mamaya sakin yon. Feel na feel nya yung paglalandi sa kanya don. Pero syempre joke lang yon. Nakaupo lang sya don at nilalandi sya ng mga walnghiyang haliparot na mga babae.

“Kei, okay lang yan. Haha! Di naman sila magtatagal dito eh. Pagtapos lang ng sayaw, aalis na sila.”

Napasimangot ako kay Ryan, “Che! Ang lalanding mga babae. Tas etong si Kyle walang ginagawa! Hinahayaan nya lang. AHHHHH! Nakakainis.”

Tinapik lang ako ni Mey, “Ano ba Kei! Eh mahal mo naman yang boyfriend mo. Saka Haha! Tiwala nga oy.” Saka ako tinawanan. Mga letche eh!

“Tigilan nyo ko palibasa yung mga partner nyo andyan. Hmp!”

Tumawa naman si Adrian, “Ikaw kasi Kei, pipili ka nalang playboy pa. Haha!”

Letcheng to. Ang laki nang utang nya sakin. Aba! Kung hindi dahil sakin, hindi magiging sila ni Cindy.

Tumingin ako sa kanya, “Walang utang na loob. Saka hoy! FYI. DATING PLAYBOY! DATI YON!”

Tinawanan lang nila ako sa inakto ko. Sa totoo nyan. Ako lang ang alone dito-____- Alam mo na kung bakit. Nag eenjoy ang kuya mo don. Naman eh!

“Yo!” Napatingin kami kay Gian

“Hoy! Mey, boyfriend mo. Layas na!”

Tumawa lang si Mey, “Ano ka ba girl. Di yan mag aaya. Alam nyang magwawala ka eh. Hahahaha!”

Di ko na sila pinansin. Tuwang tuwa naman sila don. Nasa may likuran kasi kami. Nakatayo kami habang nakasandal sa pader. Kanya kanyang partner sila. Eh ano ako? Muka akong chaperon. Bwisit!

Tumingin nalang ako sa may stage. Asa audi kami ngayon. Sports meet up namin at may program ek ek pa silang nalalaman. Katunayan nga pinaganda pa nila tong audi para lang dyan. Sosyal di ba? Tas wala kaming klase. Sana pala lagi nalang may program at pumupunta sila dito.

“Please welcome the Fortress University.”

Nagpalakpalakan yung mga tao. Balita ko, mga sikat ang dancer sa school na yan. Gwapo na nga daw, matalino pa. Perfect princes nila kungbaga.

Nag akyatan na sila sa stage. Nakatalikod sila. Ganyan yata talaga ang set up nila.

Tumugtog na yung music nila. Nagharapan na ang iba pero may natatanging nakatalikod pa din. Nacurious naman ako dahil halos lahat sila nagsasayaw na ...... bukod sa isang tao.

Nagfreeze silang lahat. At unti unting lumingon ang lalaking nag iisang nakatalikod.

Napatitig ako sa kanya. Bakit parang pamilyar sya? Para kasing nakita ko na sya eh. Tinitigan ko lang sya, pinag aaralan ang mga galaw nya. Inaalala ko kung san ko sya nakita eh. Saan nga ba?

Nang magtama ang tingin namin. Ngumisi sya. Tanging yan lang makikita mo sa kanya.

Akala ko parte yon ng sayaw nila. Ang mga facial expression pero hindi pala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's my boyfriend. Back off!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon