HANGAL

38 3 2
  • Dedicated kay Jerald Segovia
                                    

Dati-rati'y di ka pinapansin

Pagkat ako sayo'y walang pagtingin

Pero kahit ano aking gawin

Di ka pa rin lumalayo sa akin.

Noon lagi kitang sinisigawan

At ako'y talagang walang pakundangan

Di ko man lang inisip ang iyong mararamdaman

Pagkat ako'y totoong isang hangal.

Totoong ako'y naging hangal

Pinalagpas ko labis mong pagmamahal

Iniwan kitang nag-iisa

Puno ng pighati't walang kasama

Ngayon ako'y nananalangin

Na sana ika'y bumalik sa akin

Dahil ako ngayo'y labis na nagsisisi

At sana di pa huli ang lahat sa atin.

Asan ka na kaya?

Ako kaya'y mapatawad mo pa?

Ang nais ko lamang ay makapiling ka

Dahil ngayo'y mahal na kita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HANGALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon