Bakit hindi ka maalis sa isip ko?
Bakit gusto kong laging nasa piling mo?
Gayong mahirap itong magkatotoo
Bakit kailangan umibig pa sa'yo?
Sana'y hindi na lang kita nakilala.
Sana ay madali ng kalimutan ka
Bakit kelangang damdami'y lumala pa?
Ngayon, bakit kailangan lumisan pa?
Susubukan kong makalimutan ka
Kahit na ito'y mahirap gawin sinta.
Anumang gawin ko ay mahal pa rin kita
Pagka't sa puso ko'y ika'y bahagi na.
Salamat sa masasayang sandali
At sa dulot mong mga pighati
Sana sa gunita mo ako'y sumagi
At pag nangyari ito, ika'y ngumiti.