Kabanata 1: IKAW ay IKAW

575 2 2
                                    

I am talking to you! Yes, you! Kung isa ka sa mga bilyong bilyong mga insecured na babae sa mundo. Ikaw nga ang una kong kailangang kausapin. Ano ba talaga problema mo? Pinoproblema mo ba ang vital statistics mo? ang pango mong ilong? ang iyong katangkaran? ang kutis mo? ang sabog mong buhok? ang maitim mong kili-kili? ang sakang at piki mong paglakad? ang malaki mong mga ngipin? ang kuntil mo sa tenga? ang naglalakihan mong braso?

Puwes! Wala akong solusyon dyan. 

Tama. Walang solusyon dyan. Maliban na lamang kung gusto magpaayos ng mukha, ye know what am I talking about? (Plastic surgery) But, of course! you'll suffer too. Ang ganda ganda mo ngang tignan sa labas pero maraming kelangan i-consider. Yan ang totoong tiis-ganda. 

Mmmh. Bakit ka nga ba naiinsecure? Hindi ako nagsasalita base sa naririnig o haka haka lang.  Kundi, aba! babae din ako at gaya mo masyado din akong conscious sa pigura ko. 

Alam mo ba ang lagi kong iniisip? eh, ano gagawin ko? mag-eemote? iisipin na katapusan na ng mundo? maiinis at magtatanong kung bakit hindi ganun at hindi ganyan? 

Nakakapagod. 

Sasabihin ko sa iyo habang maaga pa, tantanan mo na yan! Kung ano man ang iniisip mo ngayon sa anyo o sa pigura mo, tantanan mo na! Hindi yan nakakatulong. Marami na din akong tinanong sa mga kaibigan kong lalaki (wag kang mag-isip ng kung ano ano, kaibigan lang sila LOL!), na nagsasabing attitude matters first and looks will follow. Sabi ko naman, weeh? di ba sabi ni Kathryn Bernardo sa isa sa mga pelikula nya na, aminin mo naman o hindi "mata ang unang umiibig". Sabi naman ng mga guy friends ko, "AT FIRST, oo, pero kalaunan hindi naman ang mata ang kelangan sa relasyon eh,  kundi kung ano nga bang klaseng tao meron ang mukhang iyon". 

Napangisi ako. 

Oo nga naman noh? Maraming maabilidad na hindi naman ganun kagandahan pero tutuusin napaka- successful nila sa buhay. Hindi naman sa kagandahan binabase ang lahat ng bagay sa mundo, girl! maaring may mga ilang bagay na kelangan nga na maganda ka.Kung alam mo at tanggap mo ang sarili mo alam mo kung saan babagay ang kagandahan mo edi, napakadali hindi ba?

Maaring maganda ka sa ibang bagay. Know your talent and enhance it. Kaya nga may individual differences eh, imagine the world with the same people living the same way and look exactly the same? OMG! Nakakatakot.  Ano nga ba ang pinupunto ko dito? 

Simple lang naman. 

You are unique and talented. You can be the same with the girl behind or beside you but not exactly the way you are. Mahalin mo sarili mo bago ka maghanap ng pagmamahal ng ibang tao. I-appreciate mo muna lahat ng ginagawa mo bago mo makuhang mag-appreciate ng ibang tao. 

Sa history world, love your country before yourself pero sa real world, love yourself first before you love others. 

Now say this: I am beautiful the way I am. No one can bring me down. Cheers! 

ANG NAGSASALITANG LIBROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon